HANZ’s POV Kasama nang pagiging positibo ang babalikan ako ni Thisa. Nasaan man siya ay uuwi siya para sa akin. Itutuloy namin ang mga plano ko para sa aming dalawa. Ang pagpapakasal at pag-buo ng aming pamilya. Ilang buwan na rin ang nakaraan. Nakakalakad na ako pero hindi pa ako pinpayagan na mag-drive kaya si Roel ay totally personal assistant ko na. Siya na ang ka-buddy at best friend ko. Alam na niya ang lahat ng kailangan ko. Siya rin ang trusted ko sa lahat ng bagay kasama na ang lagay ng aking puso. Sinusuportahan naman niya ang kabaliwan ko sa aking mahal. Siya ang number one fan sa aming pagmamahalan ni Thisa, noon. Naniniwala ang puso ko na mahal pa rin ako ni Thisa. Araw-araw, dumadaan kami sa bahay nila Thisa. Nagbabaka-sakali na may mapagtatanungan ako kung nakabalik na

