Vacant pariod ko kaya nagpasya akong maglakad-lakad muna. Malamig na dito kaya balot ako ng jacket. Natatakpan ang bahagyang naka-umbok sa aking tiyan. Kaya naman parang hindi ako buntis. Lagi ko itong tinitingnan kapag nasa kwarto ako. Binabaybay ko ang hall way rito. Natawag ang aking atensyon sa naririnig kong tunog. Dinig na dinig ko ang magandang tinig. May nagpa-practice yata sa music room o may nag-re-recital. Dala ng aking curiosity ay napasilip ako rito. May mga nagsilingon sa akin at natawag ang atensyon ko sa isang babaeng nakatingin sa akin. Nginitian ako nito at kinawayan. May bakante pang upuan sa kanyang tabi at doon ako pinapa-upo. "Glad to see you again." naka-ngiti nitong bati sa akin. Hindi pala namin natanong ang pangalan ng isa't isa. "Same here! Great to see you

