THISA’s POV Lumabas kami after class ng mga new found friend ko. Si Hedy and Andy, pang kambal yata ang pangalan nila. Halos magkakasing-taas lang kaming tatlo. Masaya ako na kasama sila, for a long time, ngayon lang ako muling kakain sa labas with friends. Sa isang coffee shop lang kami nagpunta, yung malapit din lang sa school. Dito na ako suusnduin ni Daddy kapag natapos na kaming tatlo. Sa ngayon, enjoy-in ko ang company nilang dalawa at ang gusto kong pagmasdan – mukha ng kapatid ni Hanz. Nakakuha na kami ng table at magkaharap kami ni Hedy. “May dumi ba ang mukha ko?” sambit nito sa akin. “Gusto ko lang pagmasdan ang mukha mo, ang ganda mo kasi.” “Naku, baka pinaglilihihan mo siya, Libz?” singit naman ni Andy. “Tama ba ang dinig ko? Buntis ka, Libz?” tatanggi pa ba ako e na

