THISA’s POV Nasundan pa ang paglabas labas naming tatlo nina Andy at Hedy. Naging komportable na ako sa kanila at naipakilala ko na rin sila kay Mamita at Daddy. Ngayon, nandito kami sa apartment ni Andy. Mag sleep over kami ni Hedy. Bukas ay mag-e-enroll kaming tatlo. Sabay-sabay kaya napagkasunduan namin na dito kami matutulog ngayon. As usual, lagi pa rin akong nakadikit sa kanya. Malaki na ang tiyan ko at nasa 6 months na ito. Lagi itong kinakausap ni Hedy. Hindi pa man lumalabas ito ay spoiled na siya sa kanyang tita. Paano pa kung malaman niya na talagang pamangkin niya ito? Alam na namin ang gender ng aking baby. Hinintay pa ni Daddy ang aking check-up bago siya umuwi ng Pinas. Magbabakasyon lang naman siya roon. Pangako rin niya kay Tito Dougz iyon na ngayon ay busy na sa

