HANZ’s POV Maganda ang suot ni Thisa at bagay na bagay ito sa kanya. Hindi ko lang matanggap na makikita siya ng iba sa ganitong kasuotan kaya naman hindi ko naitago ang nararamdaman ko. Nagalit siya sa akin at ayaw ko rin na umalis siya na hindi kami okay. Hindi ko rin siya papayagan na iwan lang basta ako. Pilit ko itong inamo para mawala ang galit niya sa akin. Nag-decide na ako na hindi na lang kami tumuloy sa party ni Bernard. May alak doon at baka pagpistahan pa ng mga kaibigan ni Bernard ang maganda kong girlfriend. Umalis kami sa area at nagmaneho ako. Hindi ko alam kung saan ko siya dadalhin. Kaya nagpatuloy lang ako sa pag-da-drive. “Saan tayo pupunta?” tanong nito sa akin. Tila may tampo pa ito dahil walang lambing ang pagsasalita niya sa akin. “Saan mo ba gustong pumunt

