THISA’s POV Ang alam lang ng pamilya ko ay manliligaw ko si Hanz. Sa part ni Hanz, alam ng mga kaibigan niya ang tungkol sa amin. Alam din ng family niya, sabi niya sa akin. Ganito lang ang buhay ko, dorm, school at kapag weekend ay saka lang ako umuuwi ng bahay. Naging gimik day ko ang Friday kahit na may klase pa ako ng Saturday. Afternoon naman ang klase ko kaya hapon ako sinusundo ng driver namin. Ilang araw na kaming hindi nagkikita ni Hanz. Busy siya sa work at ako naman ay sa school papers. Huling pagkikita namin noong may ginawa kami sa kanyang kotse. Pero mamaya ay magkikita kaming dalawa dahil ngayon ang celebration ng birthday ni Bernard. Uuwi muna ako sa dorm at saka niya ako susunduin. Nagsabi na rin ako sa friend ko na sa apartment nila ako uuwi mamayang gabi. Excited

