THISA’s POV Pagdating ko sa aking kwarto ay dumiretso na ako ng bathroom. Maliligo na muna ako bago ako mahiga sa aking kama. Pakiramdam ko ay sobrang lagkit ng aking katawan. Lagi naman ganito ang pakiramdam ko sa tuwing umuuwi ako galing ng school. Hindi nawawala sa isipan ko ang gwapong mukha ni Hanz. Kung gwapo na siya noon, mas lalo naman ngayon. Naglalaro pa kaya siya ng basketball? Sana may intramurals pa rin dito para mapanood ko siya. Kung naglalaro siya, gusto kong muli sumali sa cheering squad. Hindi ko naman nakita ang anino ng girlfriend niya noon. Baka ngayon ay wala ng asungot. Wala ng bantay pa si Hanz. Malaya na siya. Dapat lang dahil sa pagkikita naming ito ay nabuhay mula ang pag-asa ko na mapapansin na niya ako. As in bibigyan na niya ako ng atensyon na nararapat par

