THISA’s POV Tinanghali na naman ako ng gising. Sa kakapilit ko na madugtungan ang panaginip ko ay napasarap ang tulog ko. Pinatay ko ang alarm kaya naman ang sinag na ng araw ang gumising sa akin. “Shocks! Late na ako,” sigaw ko pagbangon ko sa aking higaan. Wala na akong magagawa, kahit magmadali ako ay late na talaga ako. Hindi na ako makakapasok pa sa first subject ko. Ganunpaman ay nagmadali na rin ako dahil baka pati sa susunod na subject ay ma-late pa ako. “Kung bakit kasi hindi pa natuloy yung kiss na iyon? Kahit sa panaginip man lang ay napagbigyan sana ako.” Bubulong -bulong ako habang naliligo. Wala ngang asungot hindi pa rin nagdikit. Sayang talaga. Paulit-ulit sa isipan ko ito habang papasok ako sa school. Sana lang ay magkita kaming muli ni Hanz. Hindi kasi malinaw sa ak

