THISA’s POV Focus muna sa mga subjects at baka bumaba ang mga grades ko. Mamaya ko na muling iisipin si Hanz. Okay naman na sana kaya lang ay paglabas ko may humahabol sa akin, si Marco. “Thisa, wait!” sigaw nito sa pangalan ko. Tumigil naman ako at lumingon sa kanya. Break ko ngayon at pupunta ako sa sikat na kainan dito. Matagal tagal na rin akong hindi roon napupunta. Sa panaginip ko kasi ay doon ako dinala ni Hanz. May malaking puno rin doon at doon yung kiss na hindi natuloy. Nakakapanghinayang talaga! Panaginip na lang, hindi pa rin natuloy. “Pwede ba tayong mag-usap?” nagsusumamo ang mga mata nito. Para naman akong naawa sa kanya. “Marco, nakapag-usap na tayo. Malinaw na wala talagang pupuntahan ang relasyon natin,” paliwanag kong muli sa kanya. “Baka pwede naman tayong

