THISA’s POV “Whoa! Grabe naman talaga itong tiyan at puwet ko mga hindi marunong makisama!” sentimyemto ko sa sarili ko. Ang tagal kong hinintay na magka-usap kami ni Hanz, nasa tabi ko na kanina, nawala pa. Sayang talaga! Ito yung sinasabi na panalo na biglang natalo pa. Nakakahiya naman kung magpapahintay ako sa kanya. Anong sasabihin ko? Wait moa ko, Hanz. Tatae lang ako. Baka naman hindi pa siya nanliligaw o nagkakagusto sa akin ay ma-turn off agad siya. Sobrang nakakahiya noon. Kahit na sabihing lahat naman ay nag-pu-poops. Isa pa itong reason kaya lagi akong may baon na sabon sa bag ko dahil madalas itong sumasakit. Kaya siguro kahit malakas akong kumain ay hindi ako tumataba dahil nailalabas ko rin agad. Sumakay na ako ng dyip para makarating sa street malapit sa building ng

