THISA’s POV Araw na ng binyag ni Ethanz. Walang nagawa si Hanz sa set up namin kagabi. Binati naman niya ako kaninang umaga. Dala niya si Ethanz na pumunta sa higaan namin. Wala naman siyang panunumbat na sinabi. Nakayakap lang siya sa likuran ko habang dumedede ang anak namin. Hindi rin niya ako nilandi. Nakakapagtaka nga ang ikinilos niya. Pero okay lang din sa akin. “Ako na ang magluluto ng breakfast natin,” sambit pa niya bago siya bumangon. Nakakatuwa siya. Nagkusa na magluto, marunong naman siya noon pa. Kapag nasa bahay nila kami siya ang nagluluto ng pagkain naming dalawa. “Thank you, mahal.” Sambit ko pa rito. “May bayad ito. Wala ng libre ngayon,” lumabas na siya ng pinto. Napaisip naman ako sa sinabi niya. Mamaya magsisidating na ang mga tauhan namin dito. Sila na ang

