THISA’s POV Ilang araw na hindi kami nagkita ni Hanz. Hindi ko napapansin ang anino nito sa paligid. Baka busy rin siya sa mid-terms. Ngayon ang last day ng examination at para treat naman namin sa mga sarili namin ay may gimik kami. Sa apartment ni Lhen kami uuwi mamaya. Wala ngayon ang kasama niya sa bahay. Umuwi ng province nag pinsan niya. Kakilala rin naman kami noon kaya walang problema kahit mag-stay kami sa unit nila. Hindi naman ito first time na nakitulog ako, hindi ko nga lang sinasabi kanila Daddy at Mamita. May ugali ako na dapat hindi gayahin dahil nakakapag-sinungalin ako. Kapag natanong lang naman ako. Kung walang tanong, hindi ako magsisinungalin. Pero hindi rin ako nagpapaalam ahead of time dahil alam ko naman na hindi sila papayag. Simple lang naman ang isinuot

