Enjoy reading! KAHIT gusto ko ng magpahinga sa pagod ay agad akong bumangon. Hindi pwedeng matulog ako rito sa bahay niya. Kailangan kong umuwi sa amin. Tutal nakuha niya na ang gusto niya. Siguro naman papakawalan na niya ako. Binigay ko ang sarili ko sa kanya. Kapalit ng paglaya ko bilang Personal Asisstant niya at sa mga naitulong niya sa akin. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Agad kong pinunasan iyon at pinulot ang dress na suot ko kanina. Pati ang panty at bra ko ay agad kong hinanap kung nasaan. Nang mahanap ko na ay agad kong sinuot iyon nang mabilisan. Habang si Harley ay nakaupo sa kama at nakatingin sa akin nang matalim. Ayoko na. Sapat ng binigay ko sa kanya ang katawan ko. At ayokong masundan pa iyon. "Jane..."tawag niya sa pangalan ko pero hindi ko si

