Enjoy reading! "Tanginang Calvin 'yun! Sumugod ba naman sa bahay namin!"pagsusumbong ni Kc sa akin. Habang ako ay tumatawa lang habang naglalagay nang mga toppings sa cake. Nalaman ko ang tungkol sa kanila ni Calvin. Matagal na pala siyang hinahanap. "Alam mo Kc hindi ako matatapos dito sa paglagay nang mga toppings sa cake kung dinadaldal mo ako"nakangiti kong sabi. Hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral dahil wala kaming pera para sa kolehiyo. Kaya naisipan kong magtarabaho. Nakapasok ako sa isang cake bakeshop at ginawa akong asisstant. Nag ipon ako para sa pag-aaral ng kapatid kong si Justine. At nag ipon din ako para makapagtayo ng sarili kong bakeshop. At ito na iyon ngayon. Ako ang gumagawa nang mga cake. At meron akong dalawang asisstant. "Sorry naman. Naiinis lang ako sa lalakin

