Enjoy reading! ISANG babae ang nag bukas ng pinto. Nakatingin siya sa amin ni Trixie. Ilang minuto akong nakatingin lang sa kanya. Hindi pa rin mawala-wala ang kaba ko. "Excuse me? May kailangan ba kayo?"tanong ng babae. At doon lang ako natauhan at napalunok pa nang laway. "N-nandito ba si Anthonette Castillo?"tanong ko. At kumunot ang noo niya sa tanong ko. Mali pa yata ang napuntahan naming VIP room. Pero rito kami tinuro ng babae kanina. Baka may iba pang VIP room dito. Baka naman ibang bar ang napuntahan namin. "Yeah. She's here. Why?"tanong niya ulit. Pinakita ko sa kanya ang dala kong cake. "Ihahatid ko lang po ito. Bumili po kasi siya ng cake sa 'kin"magalang kong sagot. Tumango naman ang babae at mas nilakihan ang pagbukas nang pinto. "Pasok kayo. Nandito siya"sabi niya

