Enjoy reading! SIMULA kahapon ay bakeshop at bahay lang ako. Si Trixie na ang pina-deliver ko ng mga cake na kailangan i-deliver. Habang ako ay gumagawa ng pinaka huling cake na inorder sa 'kin. Yung kay Jayvier. Inaayos ko na lang ang mga toppings sa cake at lalagyan nang greetings sa taas. "Ma'am may i-deliver pa po ba?" Tanong ni Trixie pagkapasok niya sa loob. "Wala na. Bukas ulit ang huling deliver natin. Samahan mo ako bukas," sagot ko habang nagsusulat nang greetings sa cake. Lumapit sa akin si Trixie at tiningnan ang ginagawa ko. Narinig kong tumawa siya. "Congratulations idiot!" Basa niya sa sinulat ko. Pati ako ay napangiti. Mga lalaki nga naman. "Iyon ba yung pumunta rito kahapon ma'am?" Tanong niya. Tumango lang ako bilang sagot. Nang matapos ko ng lagyan nang greeting a

