Enjoy reading! PINILIT niya akong sumakay sa kotse niya. Hindi ito ang dati niyang kotse na Chevrolet Camaro. Bago na ito ngayon. Iba kasi talaga kapag may pera. Pwede mong bilhin lahat ng gusto mo. Lahat ng nagpapasaya sa 'yo. Ayaw ko mang maging sunod sunuran sa kanya pero lahat ng ito ay pilit lang. "Saan tayo pupunta?" Taranta kong tanong sa kanya. Kanina pa kami bumabyahe. At hindi pa ako nakakain. Kanina pa tumutunog ang tiyan ko! "Kakain," simple niyang sagot. Napatingin ako sa kanya. Diretso lang ang tingin niya sa daan. "You're hungry, right?" Tanong niya at tiningnan ako. Hindi na ako sumagot. Tama naman siya. Tatanggi pa ba ako? Tsaka gutom na talaga ako. Kung ano-ano na ngang pagkain ang naiisip ko. Kaya mas lalo akong natatakam. Ilang minuto pang byahe nang huminto an

