IKA-DALAWAMPU’T WALONG KABANATA

3208 Words
           Pagkatapos ng aming klase sa umaga ay agad kaming nagmamadaling tumungo ni Virginia sa kantina upang puntahan sina Sanura, Minerva, Karmila at Natalia. Ngunit kung saan naman kami nagmamadali ay pabigla-bigla namang sumusulpot si Uno sa pintuan ng aming silid aralan, hindi na naman kasi siya pumasok.             “Mukhang nagmamadali kayong dalawa, maari ba kitang makausap kahit saglit aking binibini?” paalam agad n’ya kaya nagkatinginan kami ni Virginia.             “Pwedeng-pwede po syempre, Panginoong Uno! Bilisan n’yo lamang po ha? Kami po kasi ay may pupuntahan pa,” si Virginia na ang sumagot para sa kin. Sinundot muna n’ya ako naglakad palayo sa ming dalawa.             “Dito na tayo sa tabi may mga kamag-aral pa kasi tayong nasa loob pa,” aniya ko naman at mabilis na hinawakan ang kan’yang kamay. Mabilis din naman n’ya iyong iniligkis.             “Bakit hindi ka na naman pumasok kanina? / Nangulila ako sa ‘yong presensiya kaya pumunta ako rito,” sabay pa naming turan.             Matagal kaming nagkatinginan na dalawa bago namin kusang yinakap ang isa’t isa. Malumanay kong tinapik-tapik ang kan’yang likod at maingat na hinalikan ang tungki ng kan’yang tenga. “Huwag mo masyadong pinapagod ang iyong sarili,” agad kong paalala sa kan’ya.             “Hindi naman, may kailangan lang talaga akong matapos kanina lalo’t nais kong patunayan kay lolo na nagkakamali siya ng sabihin n’yang kakampihan n’ya muna sa pagkakataong ito si lola,” anito. Mukha iyon ang pinag-usapan nila kagabi ng hinatid na ako ni Tiyo Estanislao. Hindi pa kasi kami nakakapag-usap tungkol doon. Plano ko kasi sana siyang tangungin tungkol doon kanina ngunit hindi naman siya pumasok.             “Ganoon ba, mamaya ba ay makakapasok ka na?” tanong ko naman. Tulad din naman n’ya ay nakaramdam din ako ng pangungulila sa kan’yang presensiya.             “Susubukan ko kung hindi ay sasabayan na lamang kitang maglakad papasok sa iyong trabaho,” paninigurado n’ya. Nalungkot ako ngunit agad ko naman iyong binawi. Magsasalita na sana ako muli ng kapuwa kami napalingon sa malakas na umubong si Virginia. Noong mapansin n’yang nakatingin kami sa kan’ya ni Uno ay agad naman siyang ngumiti sa kin.             “Dalawang oras lamang ang tanghalian natin, binibini, pinapaalala ko lang,” aniya. Agad naman akong natawa at agad na tumingin kay Uno na ang mukha ay nagtatanong na rin.             “Kailangan na naming umalis ni Virginia. Tiyak kasi akong hinihintay na rin kami ngayon nila Sanura sa kantina. Napagplanuhan kasi naming sa silid pahingahan namin kami magtanghalian. Nabigay na kasi ang premyo n’ong ako ang naging paraluma ng gabi kaya napagdesisyunan naming magkaroon ng kunting pagsasalo-salo,” pagkukuwento ko naman.             “Nais ko rin sanang makisali ngunit sa susunod na lamang, sige na. Magkita na lang tayo mamaya,” anito. Humalik siya sa aking labi kaya agad naman akong napapikit at ibinalik ang kan’yang pinupukol na halik.             “Mag-ingat kayo. Ingatan mo ito, Virginia,” huli n’yang bilin bago naglaho.             “Ang tamis! ‘Yon nga lang po medyo nakakasakit sa puso na naghalikan kayo sa harapan ko na walang kasintahan,” biro pa ni Virginia bago ako binalik at hinila na. Namula tuloy ang pisngi ko lalo pa at nang makita ko na marami pa lang nakatingin sa min kanina.             Ginamit ni Virginia ang kan’yang kakayahan na maglaho kaya mas mabilis kaming nakarating sa kantina at namataan na nga namin sila Sanura na nakaupo sa isang lamesa habang nasa harapan na nila ang bila-bilaong mga pagkain.             “Sa wakas dumating na rin kayo!” bulalas agad ni Minerva at agad na tumayo at binuhat ang bilao na may lamang alimango.             “Pasensiya na, Minerva. Naabutan pa kasi kami ni Uno kaya nag-usap pa kami saglit,” agad ko namang depensa.             “Naghalikan pa nga sa harapan ko. Sana ikaw na lang ang nandoon, Minerva,” singgit naman ni Virginia sa likuran.             “At bakit ako na naman ang nakita mo riyan, Virginia?” pagtataray namin ni Minerva.             “Mas maganda kasi na ikaw ang nandoon para mas mamatay ka sa inggit. Oh, siya, halina kayo at baka lumamig pa ang mga pagkain na ‘yan at imbes na masarap kung kainin ay naging makunat na lang,” iyon ang naging huling wika ni Virginia. Bago silang lahat na kumilos at kan’ya-kan’yang binuhat ang mga bilao. Sabay-sabay kaming naglaho at lumitaw kami sa baba ng hagdan ng silid pahingahan namin. Nagnginginitian na kami at pawang nanabik nang ganap na makakain ng nagulat kami ng nakita naming may mga nagkukumpulang mga mag-aaral sa harapan ng mismong kuwarto namin ni Virginia. Agad sana akong maglalakad paakyat ng pinigilan ako ni Sanura at agad na pumalikod si Virginia.             “Padaain mo ako, Sanura. Anong nangyayari?” bulalas ko na. Si Minerva ang humawi sa mga nagkukumpulang mga estudyante roon habang pinapalibutan na nila akong apat. Napasinghap kaming lahat ng bumalandra ang malaking agila na nakalagay pa sa isang kulungan na duguan. Mas lalo akong napaatras ng makita ko ang nakasulat sa aming pintuan.            Pilipina, mamatay ka na!             Isinulat ito gamit ang dugo ng agila ngunit kaparehong-kapareho ang mga katagang iyon sa mga katagang nakasulat sa pinadalang liham sa kin noong nakaraang mga araw.             “SINONG GUMAWA NITO?! TABI!” paghuhumirintado ni Minerva. Agad n’yang binuksan ang pintuan namin at agad siyang nakapasok dahil sira na ang trangkahan namin.             Hindi na ako nagpapigil pa ng makita kong napaatras din si Minerva ng matunghayan ang loob ng aming kuwarto. Mabilis akong napatakbo paakyat at agad akong yinakap ni Virginia ng makita n’yang magulo ang kuwarto namin. Lahat ng mga damit namin ay nakakalat sa sahig, ang mga kuwaderno ko ay punit-punit, nakabaliktad ang mga aparador, sira-sira ang mesa at ang silya.             “Binibini, kailangan n’yo po munang lumayo rito. Doon muna tayo sa silid pahingahan namin,” agad na mungkahi ni Sanura sa kin.             “A-anong nangyari rito? Sinong may gawa nito?” nauutal kong saad.             “Binibini, aalamin namin ngunit hindi ‘yan ang importante sa ngayon kailangan ninyong makalayo rito,” ulit na naman ni Sanura.             Blangko akong napatitig sa kan’ya. Sino ang maaring may kagagawan nito! Maari bang iisa lamang ang may gawa nito at ang tao o ang bampira na nagpapadala sa kin ng mga karumadumal na sulat?             Nagsimula na ang mga bulong-bulungan ngunit natahimik ang lahat ng umalingaw-ngaw sa pasilyo kung saan kami naroroon ang isang malakas na palakpak. Kasama ang limang babae sa likod n’ya at taas noong naglalakad papunta sa direksiyon namin si Binibining Esparcia, ang babaeng humila sa kin noong gabi sa entablado.             Siya ba ang may gawa nitong lahat? Ano ang akala n’ya sa sarili n’ya para lapastanganin ang kuwarto namin, anong ginawa namin sa kan’ya?!             “Magaling, magaling, magaling, nandito na pala ang malandi!”              “Ikaw ba? Ikaw ba ang may kagagawan nitong lahat!” sigaw ko sa kan’ya matapos silang tumigil sa paglalakad na may dalawa hanggang tatlong pulgada ang layo sa kinatatayuan ko ngayon.             Biglang umaakyat lahat ng dugo ko sa katawan patungo sa aking ulo sa galit. Hindi n’ya ba alam na malaking kahihiyan ang ginawa n’ya ngayon sa kin? Akala n’ya ba papalagpasin ko ang ginawa n’ya matapos n’yang sirain ang kuwarto namin, sulatan ang pintuan namin na mamatay na ako at alayan pa talaga ako ng patay na agila?! Nasisiraan na ba siya ng bait?!             “Paano kapag sabihin kong oo. May magagawa ka ba, binibini? Anong gagawin mo, binibini?” sarkastiko nitong saad kaya mas lalong nag-apoy ako sa galit.             “Aba’t talagang ang lakas—” sasabat pa sana at hahakbang papalapit sa kanila si Minerva ng hilahin ko siya pabalik.             “Minerva, huwag kang bumaba sa antas ng pag-iisip na meron ang mga ‘yan. Hindi tayo katulad nila baluktot kung mag-isip. Hindi ko akalain na ang meron pa palang katulad nila na nabibilang sa mataas na antas ang angkan ngunit kung kumilos at mag-isip ay mukhang napunta lahat ng katalinuhan sa kanilang talampakan,” tahasan kong saad habang nanlilisik ang mga pinupukol na tingin sa grupo nila Esparcia. Anong akala nila aatrasan ko sila? Si Hiyas Escudero nga hindi ko inatrasan! Siya pa kayang hamak na simpleng mamayanan lang din? Kung iisipin nga ay kapareho lamang ang antas na kinatatayuan naming dalawa ngayon. Ang lakas ng loob n’ya para lapastanganin ako. Ayaw kong gamitin sa kung ano mang kahambugan ang etikang nakaukit na sa king pangalan simula n’ong sabihin ni Uno sa lahat na ako ng babaeng mahal n’ya ngunit nagagalak akong gamitin ‘yon ngayon.             “Binibini, hindi po tamang sagot-sagutin ka n’ya ng ganoon! Pare-pareho lang naman ang mga antas natin dito!” hiyaw din ni Minerva na nakatingin sa kanila at dinuduro-duro pa ang pangkat na nasa aming harapan.             Ngumisi ako at mabilis na napatawa. “Mukhang may nakakalimutan yata ang mga babaeng nasa aking harapan ngayon. Sino kayo upang lapastanganin ako ng ganito? HINDI N’YO BA AKO NAKIKITA? HINDI MO BA AKO NAKIKILALA?! AKO! AKO ANG BABAENG INIIBIG NG PANGINOONG UNO NINYO! NAKAKALIMUTAN MO NA BANG AKO ANG REYNA NG UNIBERSIDAD NA ITO!? SINO KA PARA LAPASTANGANIN ANG REYNA NG GANITO, ESPARCIA!? SINO KA!” galit na galit kong hiyaw sa kanilang lahat. Halos magwala ako sa kanilang harapan ngayon. Higit sa lahat ay kung tama nga ang aking naging paghihinuha kanina ay siya at ang bampirang nasa likod ng mga sulat nang pagbabanta sa kin ay iisa. Lintik lang ang walang ganti!             Nanatili akong nakatigin sa kanila ng nanlilisik. Noong una ay napaatras din ito ng sabihin ko ang mga katagang iyon kanina ngunit agad naman siyang nakabawi at mas lalong itinaas ang kan’yang noo habang direktang nakatingin sa kin. Mas lalo pa akong nanggalaiti ng magsimula siyang humalakhak.             “Putangina, walang modo talaga ang babaeng ito!” bulong ni Virginia sa king likod na may dala pang pagsumpa.             Hindi rin naman ako nagpadaig dahil mabilis ko rin namang ibinalik ang aking mukha sa sarkastiko habang nakangisi rin sa kan’ya. Hindi ko siya uurungan kong ‘yon ang inaakala n’ya. Hindi ko papalagpasin ang ginawa n’ya sa kin!             “Ang tayog naman yata ng lipad mo, ‘Binibining Ina’. Pfft! Reyna? Ako pa ang niloko mo. Kung nagbibiro ka ay gusto ko lang malaman mong hindi nakakatuwa, paano ka naging reyna kung si Binibining Hiyas Escudero naman ang papakasalan ni Uno? Paano ka nagkaroon ng karapatan na magreyna-reyna kung nanliligaw lang sa ‘yo ang Panginoong Uno? Hindi pa naman kayo magkasintahan kaya huwag mo akong pagmataasan! Hindi ako natatakot sa ‘yo, bago ka lamang salta sa unibersidad na ito kaya marami ka pang asin na didildilin upang mas malaman ang kalakaran na meron kami rito. Huwag mo ako matawag-tawag sa apleyido ko lamang dahil isa ka lamang na langaw sa unibersidad na ito, ‘MORTAL’!” balik n’yang nanghihiya talaga sa kin.             “Pfft! Nananginip pa yata ‘tong kakilala mo, Sanura. Huli ka yata sa balita, babaeng langaw!” patutsada naman ni Minerva sa likod na siyang sinundan ko naman ng malakas na tawa.             Halos hawakan ko na ang tiyan ko ng sabay-sabay kaming anim na natawa sa pinagsasabi nitong kaharap namin. Habang tumatawa kami ay nagsimula na naman ang pagbubulungan ng mga nanonood sa min ngayon at lahat ng mga mapanghusgang mata ay nakatuon na ngayon sa grupo nila. Ito naman sila nagtataka at nagtitinginan pa sa isa’t isa na para bang nagtatanong kung may hindi nga ba sila alam.             “BAKIT N’YO AKO TINATAWANAN?! HUMANDA KAYO SA KABASTUSANG GINAGAWA NINYO NA ITO SA KIN!” nanggagalaiting hiyaw sa min ng Esparcia na ito habang ang mga kasamahan naman n’ya ay nanatiling nakatayo sa kan’yang likod at pawang nakataas na ang mga kilay at nanlilisik na rin ang pinupukol na tingin sa ming anim.             “Bakit hindi? Kabastusan? Kailan ka namin binastos, Esparcia? Sige nga, sabihin mo sa kin. Ikuwento mo sa kin kung kailan kayo binastos ng pangkat namin, hindi ba’t kayo pa nga itong nanira ng ari-arian namin, nagsulat ng mga masasamang katagang ito sa aming pintuan at nagpadala ng patay na agila sa harapan ng aming pintuan? Ay, teka! Naalala ko na! Nabastos ba kayo ng pangkat namin dahil tinawanan namin ang inyong tinuran? Nakakatawa naman kasi talaga, Esparcia. Gusto mo ba malaman kung bakit?” panunuya ko na naman sa kan’ya. Hindi naman talaga ako ganito pero malaki ang pasasalamat ko kay Tiya Esmel kasi kung hindi sa kan’ya hindi ako matuto kung paano makipag-usap ng pabalang sa aking kalaban.             “TIGILAN MO SABI ANG KAKATAWAG SA KIN NG ESPARCIA, MORTAL!” muli na namang hiyaw n’ya. Hindi pa nga ako nakakapagsalita ay mismong mga mag-aaral na nandirito ang nambato sa kan’ya ng mga nilukot at binilog na papel.             “ANONG GINAGAWA N’YO! TIGILAN N’YO ANG KAKABATO SA MIN! ITIGIL N’YO ‘YAN SABI!” malakas na sigaw ni Esparcia ng walang tigil ang pambabato sa kanila at halos palibutan na sila ng kinumpol na mga papel.             Ngumiti ako sa mga nanonood sa min at ako na mismo ang umiling upang itigil na nila ang kanilang ginagawa. Wala silang pinagkaiba sa babaeng ito kapag pinagpatuloy pa nila ang pagbato sa kan’ya.             “Ayaw mo bang malaman ang dahil kung bakit namin kayo tinatawanan? Bahala ka, pero wala kang magagawa dahil gusto kong sabihin at ipaalam sa ‘yo kung bakit ka namin tinatawanan kanina. Saang lupalop ba kayo ng unibersidad at hindi yata naabot ng balita ang inyong lugar? Pero huwag kang mag-alala dahil hindi kayo mahuhuli sa presko at bagong-bagong balita na kahapon lamang nangyari. Alam kong magagalak kang marinig ito dahil ako pa mismo ang nagbalita sa ‘yo, napalaking karangalan iyon!” bulalas ko na naman habang hindi pa rin tinatanggal sa aking mukha ang pagngisi.             “ANONG PINAGSASABI MO?! TIGILAN MO NA NGA ANG KAKANGISI SA KIN! BAKA NAKAKALIMUTAN MONG BALI-BALIKTARIN MAN ANG MUNDO SAMPID KA LANG SA UNIBERSIDAD NA ITO!” muli n’yang asik sa kin. Namumula na ito sa galit at ano mang oras ay alam kong susugurin na ako nito para sabunutan upang lagasin ang aking buhok.             “Ano nga ba ang pinagsasabi ko? Hindi ko lang alam at hindi lang ako tiyak kung ako nga ba ang sampid sa unibersidad na ito o ang pangkat ninyo. Dahil ang balitang hindi ninyo alam na dapat inalaman n’yo muna bago kayo gumawa ng kahihiyan na ito ay ibabahagi ko sa inyo. Huwag sana kayong atakehin sa puso o himatayin kapag narinig ninyo ito,” muli kong wika. Kunot na ang kan’yang noo pati ang kanilang mga kilay ay magkasalubong na rin.             “ANG DAMI MONG SATSAT! ANO ANG NAIS MONG IPARATING NA KASINUNGALINGAN? ANG TAAS NAMAN NG TINGIN MO SA SARILI MO!” hiyaw naman ng isang babae na kasa-kasama ni Esparcia.             “Naku, binibini! Mukhang duda ko hihimatayin ang isa sa kanila kapag nalaman ang ibabalita mo, pupusta ako!” sabat naman ni Karmila sa likod.             “Hula ko naman baka atakehin sa puso dahil sa sobrang kahihiyan, pupusta rin ako, Karmila!” dugtong naman ni Natalia at muli silang nagtawanan sa likod. Nakisabay na rin ako sa pagngiti-ngiti ko.             “Tulad ba nila ay pupusta rin kayo kung ano ang magiging reaksiyon ninyo kapag nalaman ninyo ang balita ko?” saad ko. Hindi sila sumagot sa kin at sa halip ay nakipagsukatan na lamang ng tingin.             Umiling muna ako at nagkibit balikat. “Alam mo ba, Binibining Esparcia, na habang malakas ang ulan kagabi ay may naganap na kaaya-ayang anunsiyo sa pagitan namin ng Panginoong Uno? Oo! Si Zacarias Gervacio na susunod na uupo sa trono. Siya nga ang aking tinutukoy na Panginoong Uno. Sino ba naman ang mag-aakala hind ba? Ayaw ko sana itong ipangalandakan na sa inyo dahil hindi naman ako ganoong klase ng ‘bagong salta na mortal’ ngunit mukhang sinusubukan n’yo talaga ang aking pasensiya. Sana kasi ay humingi na lamang kayo ng paumahin sa kamalian n’yong nagawa kaysa sa pinabayaan n’yong umabot pa tayo sa ganitong sitwasiyon,” pagpapatuloy ko ng aking pagsasalita.             “PAUMANHIN? KAMI? HIHINGI NG PAUMANHIN SA ‘YO? SINO KA BA PARA SABIHAN NAMIN NG PAUMANHIN? BAKIT KAYO NA BA NI PANGINOONG UNO PARA MAGKAROON KA NG KAPAS NA PALUHURIN KAMI SA HARAPAN MO?” muli akong napangisi ng marinig ko ang mga sinabi n’yang iyon. Hindi nga nila alam ang balita. Kung minsan ay pinagpapasalamat ko rin na mabagal ang pagkalat ng balita sa lugar na ito iba sa Intramuros na kapag inumpisahan ng isa ay malabo na hindi na malaman ng buong bayan.             “Mukhang d’yan ka nagkamali. Dapat bago n’yo ginawa ang kaguluhan at kalapastanganan na ito inalam n’yo muna kung hindi pa ba kami. Kasi alam n’yo bang naging kami na n’ong nakaraang gabi pa? At alam mo rin bang pinakilala na n’ya ako sa kataas-taasan kagabi bilang kasintahan n’ya?” Hindi man iyon nauwi sa magandang usapan ay ipagmamalaki ko pa rin.             Panginoon, paumanhin po kung naging mapagmataas po ako. Hayaan n’yo po ito na po ang una at ang huli na rin. Kinakailangan ko lang po gamitin ito ngayon upang makalaban ako sa mga mapangmata na mga bampira na ito na nasa aking harapan ngayon.             Napahakbang pabalik si Esparcia na halos manlambot nga ang kan’yang mga tuhod at muntikan pang matumba kung hindi siya nasalo at naalalayan ng mga bampirang nasa likod at kasa-kasama n’ya. Mukhang kasabwat n’ya rin ito upang maisakatuparang gawin ang ginawa nila sa aming kuwarto. Wala akong pakialam sa mga gamit ko dahil wala naman akong halos na kagamitan n’ong ako ay pumunta rito ang naiisip ko ngayon ay ang kagamitan ni Virginia dahil sigurado akong may mga kagamitan siyang may malaking kahalagahan sa kan’ya ang nasira nila.             “A-ANO!? ANONG PINAGSASABI MO! HINDI TOTOO ‘YAN! ISUSUMBONG KITA KAY BINIBINING HIYAS! SISIGURADUHIN KONG MAKAKARATING ITO SA MGA KATAAS-TAASAN! SINO KA PARA GUMAWA NG KUWENTO AT IDAMAY PA ANG PANGALAN NG MGA KAGALANG-GALANG NA KATAAS-TAASAN?!” may pagbabanta pa n’yang hiyaw sa kin. Pero hindi ako natatakot sa kan’ya. Bakit naman ako matatakot kung totoo namanang pinagsasabi ko?!             Hindi ako sumbungerang tao pero kaya ko siyang isumbong ngayon din kay Uno at ng matulad siya sa grupo nila Sherwin noon. Magsama silang parehong walang ginawa kundi ang paglaruan at pagtawanan ang pagkatao ko.             “Hindi ka makapaniwala? Alam ko naman. Iyan naman talaga ang inaasahan kong reaksiyon na magmumula sa ‘yo, hindi naman talaga madaling paniwalaan ang aking sinabi ngunit patawarin mo ako pero sasabihin ko sa ‘yo. Totooo ang mga sinasabi ko ngayon sa ‘yo! Kaya ikaw ang kabahan dahil ngayon din kayang-kaya kong ipadala kayong lahat na gumawa sa kin nito sa silid parusahan! MGA LAPASTANGAN KAYO! WALA AKONG GINAGAWANG MASAMA SA INYO!” muli kong hiyaw. Nanakit na ang lalamunan ko ngunit mas masakit sa kalooban ang ginawa nila.             “TUMAHIMIK KA NA! SINUNGALING KANG BABAE KA! HUMANDA KANG MORTAL KA! IKAW ANG MABUBULOK SA SILID PARUSAHAN KAPAG NALAMAN NI UNO ANG PINAGAGAWA NINYO SA MIN!” aniya.             “Pinaggagawa? Wala kaming ginagawa sa inyo! Kayo nga ‘tong nanggugulo sa min!” balik naman na hiyaw ni Minerva sa kanila.             Magsasalita pa sana si Esparcia ngunit biglang may malakas na hangin ang dumaan sa harapan namin nila Virginia. Nabigla na lang kami noong nakatayo na sa harapan namin sina Uno, Dos at Tres.             “ESPARCIA, JUANICO, SANTILIANO, HORDON, AT DAPLINA.SILID PARUSAHAN NGAYON NA!”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD