Third Person’s POV HABANG nagkakagulo na sa lugar kung nasaan sina Ina, Sanura, Virginia at Minerva ang tagpo naman sa kainan kung nasaan si Uno, Hiyas, Karmila at Isiang ay hindi rin nagiging maganda. “Anong ibig mong sabihin mo, Isiang?” agarang sagot ni Uno na hindi na malaman kung sino ang uunahin kay Isiang at Karmila. Matalim ang naging tingin ni Isiang kay Karmila bago nito binalingan si Uno. “Panginoong Uno, pinabayaan ng pangkat nila Karmila si Binibining Ina,” patutsada nito. “Isiang! Anong pinagsasabi mo! Hindi namin pinabayaan si Binibining Ina!” mabilis namang depensa ni Karmila. “Isiang, hindi ito oras upang magsisihan anong nais mong sabihin?” pigil sa kanila ni Uno. “Nasa silid aralan po ngayon

