Virginia's POV NAGLAKAD ako palabas ng silid aralan at mas lalong dumoble ang naging tahip ng dibdib ko dahil ang dilim-dilim na nang paligid at kanina pa talaga ako nakakaramdam na may nagmamasid sa min. Kanina pa talaga ako kinukutuban na hindi lang kami ang natitira rito ngayon. “Virginia! Tulungan mo muna ako rito upang mailipat na natin itong silya sa tabi!” tawag sa kin ni Natalia kaya agad naman akong tumakbo upang lapitan siya. Ngunit bago ako makaalis sa pintuan na kinatatayuan ko kanina ay may napansin akong anino na papunta rin sa gawi namin. Umiling na lamang ako at mas senentro ang aking atensiyon sa pagtulong kay Natalia. “Virginia,” tawag ni Natalia sa kin at pasimple n’yang hinawakan ang aking kamay. “Huwag k

