"TAPOS na ba kayo?" tanong ko pagkaraan ng ilang mga minuto na nagtatawanan kami sa harap ng hapagkainan. Ang dami kasing baong biro nitong si Minerva na halos hindi na namin maisubo ang pagkain na kinuha namin dahil sa kakatawa sa mga pinagsasabi n'ya. Nanakit na nga ang tiyan ko hindi sa kabusugan ngunit dahil sa kakatawa dito kay Minerva. "Tapos na akong kumain, binibini, hindi ko lang po alam sa inyo. Tawa naman po kasi kayo ng tawa! Dapat po kasi kahit tumatawa panay subo pa rin para mabilis!" dagdag na naman n'ya. "Paanong hindi kami matatawa, Minerva? Eh, ang paraan ng iyong pagbibiro ay may kasama pang ekspresiyon sa mukha na talagang hindi namin mapigilan na hindi matawa!" daing naman ni Natalia. "Aba'y, Natalia! Hindi ko na kasala

