Pilipinas' POV NAGISING akong nakabihis na si Uno ng panibagong baro. Inuna ko muna ang dalawa kong mga kamay bago magsatinig ng pagbati. "Magandang umaga," saad ko. Agad naman na pumaharap sa kin Uno at tinapos na isara ang panghuling butones ng kan'yang pang-itaas. "Magang umaga, aking binibini. Maayos na ba ang iyong pakiramdam?" tanong nito sa kin kung kaya't mabilis akong tumango at tumayo upang lumapit sa kan'ya upang yakapin siya. "Salamat sa iyong yakap at kuwento kagabi. Nakatulog ako ng mahimbing at naging maayos na ang aking pakiramdam," nakangiti kong saad. "Mabuti naman kung ganoon," sagot naman ni Uno. Tumahimik kaming pareho at pasimple akong nagpaparamdam na sana ay siya na mismo ang makaisip at magsimulang m

