“A-ANONG ibig mong sabihin?” nauutal kong anang sa kan’ya. Nanatili ito sa aking harapan habang nakaluhod ang isang paa at ang isa naman ay nakatayo.
“Ina, na nais kong ikaw ang binibining aking makakasama hanggang sa huli kong hininga. Mahal kita, mahal na mahal higit pa sa iyong nakikita,” seryoso nitong saad habang unti-unting inilalapit ang kan’yang mga palad sa aking pisngi. Wala na akong nagawa pa ng tuluyan na n’yang angkinin ang aking mga labi. Ang mga mata n’ya ay nangungusap na parang inuususig ang aking kaluluwa. Nagsimula na siyang galawin ang kan’yang mga labi na siyang tuluyan na lamang na nagpapikit na rin sa kin.
Nawala na ako sa aking wisyo na pakiramdam ko na lamang ngayon ay kami na lamang ang nandito. Walang mga musikang naririnig, walang ibang mga bampira o mga mortal na naglalakad na siyang pumaparoon at parito, walang mga kumakain, walang mga nagsasayaw, kami lang. Kami lang dalawa habang ako ay naka-upo at siya’y nakaluhod sa aking harapan. Kami lamang dalawa na pinagsasaluhan ang halik na itong walang kasing tamis, walang kasing init. Ang halik na nagbibigay ng daan sa puso naming dalawa, sa kaluluwa naming dalawa.
“Sa puntong ito maligaya akong i-aanunsiyo ang magiging paraluma ng gabi. Maraming nagagandahan ngayong araw, napakarami ang kumikinang at halos makakakitaan na ang lahat ay naghanda at pinaghandaan talaga ang araw na ito kapag dumating. Ikinagagalak ng lahat lalo na ng ating mga minamahal nakataas-taasan ang inyong pakikilahok, ang inyong presensiya at ang inyong oras na nilaan para sa aktibidad na ito. Ngunit ikinalulungkot ko na iisa lamang ang mag-uuwi ng titulo ngayong gabi, nakakalungkot man dahil lahat naman ay nanggandahan ngunit iisa lang ang makakatanggap at napili,” naririnig ng aking dalawang tenga ng malinaw ang pinagsasabi ng lalaki sa entablado. Nanatiling madilim ang paligid at tumutugtug pa rin ang mga musikero’t musikera. Unti-unti inilayo ni Uno ang kan’yang mga labi sa kin ngunit ang mga titig n’ya sa akin ay nanatiling nand’yan humihiyaw ng pagmamahal.
Matagal n’ong kami ay nagkatinginan na may maliit lamang na pulgada ang distansiya sa aming mga mukha. Ang palad nito ay nanatiling nakahawak sa aking pisngi. Nginitian ko siya ng kay tamis na siya ring kan’yang ibinalik. Gumalaw ito at muling hinalikan ako sa aking noo.
“At ang hihiranging paraluma ng gabi na siyang makakapareha ng Panginoong Uno sa sayawan ngayon dito sa gitna ay walang iba kundi si Binibining,” tumigil ito sa pagsalita kaya nabaling ang aking atensiyon sa lalaking nagsasalita sa entablado ngayon.
“Mapapalitan na ba ang binibining laging nanalo kapag ang araw na ito ay dumating o hindi naman kaya ay muli n’yang maiuuwi ang titulo sa panglimang pagkakataon?” muli nitong pagsasalita. Naramdaman kong tumayo si Uno sa aking tabi habang ang kan’yang mga kamay ay naka-ekis na sa kan’yang harapan.
Pumaharap din naman ako ng kunti sa entablado habang tinitignan si Hiyas Escudero na nakatayo na ngayon sa baba ng entablado at taas noong kumakaway-kaway sa mga nilalang na naririto. Hindi naman maikakaila ang kan’yang kagandahan at ang kagarahan ng kan’yang kasuotan ngayon. Halos mula ulo hanggang paa nito ay kumikinang talaga, siguro ay gan’yan naman ang lagi n’yang ginagawa upang masiguradong siya ang magiging pinakamaganda sa lahat. Sunod kong hinahanap sina Virginia, Minerva, Karmila, Natalia pati na rin si Sanura at nakatayo nga sila sa hindi kalayuan habang nakatingin din sa akin at nakangiti. Tumatalon-talon na si Minerva na animo’y inaasahan na pangalan ko na ang tatawagin na siyang magiging paraluma ng gabi ngunit mukhang malabo naman iyon lalo’t nakikita ko na kung gaano naghahanda si Hiya Escudero upang muling kunin ang titulo.
Binalingan ko si Uno na prenti lamang na nakatayo sa aking tabi at nakatingin sa lalaki sa entablado. ‘Di hamak na babagay naman si Hiyas sa guwapong nilalang na ito, ano nga ba ang aking laban sa kan’ya? Siya ay nanggaling pa sa isang mayaman at makapangyarihang angkan na siya ring may angking nag-uumapaw na kagandahan idagdag mo pa ang katotohan na hindi siya isang mortal hindi katulad ko. Isa siyang bampira na siya lang din nababagay sa lalaking nasa aking tabi.
“Hindi ko na papatagalin ang paghihintay ng lahat lalo’t alam na alam kong ang lahat ng nandirito ay nais ng magsaya nang magsaya. Ang paraluma ng gabi at siyang makakapareha ng Panginong Uno ay walang iba kundi si…” binuksan ng lalaki ang isang maliit at eleganteng sobre na mukhang naglalaman ng pangalan ng nanalo. Bahagya pa itong natigilan ngunit agad din namang nakabawi at ngumiti.
“Ang bagong nating paraluma ng gabi! Ang siyang binibining lumamang sa lahat ng mga kababaehan natin dito, si Binibining Pilipina Amador! Masayang-masaya akong hinihirang ang hari at ang reyna ng gabining ito! Si Panginoong Zacarias ‘Uno’ Gervacio at si Binibining Pilipina Amador!” Maging ako ay nagulat na ang aking pangalan ang tinawag ng nilalang na taga-anunsiyo na ‘yon. Mas lalo hindi ako makapaniwala ng may ilaw ang nakasentro sa min ngayon ni Uno. Ma-ingat na kinuha ni Uno ang aking kamay at tinulingan nitong ako ay makatayo.
“Hindi sila nagkamali na ikaw ang kanilang pinili, sa wakas, madadama ko na ang tunay na kasiyahan ngayon habang ako ay nagsasayaw sa gitna ng lugar na ito,” komento ni Uno habang malugod n’yang kinuha at pinulupot ang aking kamay sa kan’yang balikat.
“Ngumiti ka, aking binibini, ikaw naman talaga ang pinakamaganda sa lahat sa aking mga mata,” muli nitong anang kaya napangiti na lamang ako habang nag-uumpisa ng mamula ang aking mga pisngi. Habang naglalakad kami mula sa aming kinaroroonan kanina ay nakakaramdam ako ng kuryenteng nananalaytay sa aking katawan mula sa mga haplos at hawak sa kin ni Uno.
“Hindi ba parang nakakahiya? Hindi hamak naman na mas magarbo ang suot sa kin ni Binibining Hiyas,” nahihiya kong bulong habang naglalakad kaming dalawa at matatalim ang tingin sa kin ng Hiyas na ‘yon. Maari naman siyang magsabi na lamang kung gusto n’ya talagang maging paraluma ng gabi maari ko naman iyong ibigay sa kan’ya ng taus puso hindi naman ako pala away na tao. Mabilis lamang akong kausap at maiintindihan ko naman kung hahangarin n’yang siya na lamang ang makikipagsayaw kay Uno kaysa sa kin.
“Huwag mo siyang pansinin. Wala sa garbo ng suot o sa kinang ng mga bagay na isusuot sa ‘yo ang basehan ng kagandahan. Lilitaw at lilitaw ang tunay mong kagandahan kahit ano man ang iyong isuot, katulad mo, aking binibini,” tinignan n’ya ako ng sabihin n’ya iyon kaya mas lalo akong natigilan.
Huminto kami sa kalagitnaan ng aming paglalakad. Pinaharap n’ya ako sa kan’ya at inaayos nito ang mga hiblang nakakalat sa king mukha. “Huwag ka ng mag-alala, maniwala ka sa kin ikaw ang pinakamaganda,” anas nito at muli akong hinalikan sa aking noo na siyang nagpasinghap sa lahat.
Hindi ko alam kung ano ang nararapat na reaksiyon na aking ipataw sa king mukha lalo na at ang daming matang nakatingin sa min ngayon. Lahat ay nagtataka at nagulat sa ginawang iyon ni Uno sa harap pa ng lahat. Iba-iba ang naririnig at nakikita kong reaksiyon ng mga nandirito maraming nakangiti, nagkakatiyawan, humahagikhik ngunit iba ang naging reaksiyon ni Binibining Hiyas at lalo na ng mga bampira na nasa taas ng entablado. Masama ang tingin sa min ng dalawang mga bampirang nasa entablado kaya sa hindi sinadadya ay naitulak ko si Uno ng mahina.
“May problema ba?” tanong n’ya ngunit ngumiti ako at umiling. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa gitna. Ngumiti ito sa kin bago nito unti-unting kinuha ang aking mga kamay, ipinatong sa kan’yang balikat ang isa at ang isa ay sa kan’yang bewang. Sinusundan na lamang ng aking mga mata ang kan’yang ginagawa. Ang kan’yang mga hawak at haplos na ubod ng lumanay, punong-puno ng pagmamahal at respeto.
“Hi-hindi kasi ako marunong sumayaw. Kinakabahan akong baka masaktan pa kita o hindi man ay mapahiya pa tayo sa madla,” medyo nahihiya ko pang turan. Ang totoo kasi n’yan ay parehong kaliwa ang aking mga paa kaya ako ay nahihiya’t natatakot na baka maapakan ko pa si Uno at mapagtawanan pa kaming dalawa. Sentro pa naman kami sa lahat ng mga mata mapabampira man o mapamortal.
Inilibot ko ang aking mga mata sa aking paligid at hindi nga ako nagkamali dahil ang kanilang mga mata ay nakatutok sa min. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ni Uno ngayon ngunit gamit ang kan’yang kanang kamay ay unti-unti n’yang inangat ang aking mukha upang tignan siya ng direkta. “Kahit kailan hindi ako masasaktan kung ikaw lang naman. Kahit paulit-ulit mo pang maapakan ang aking mga paa kaya ko iyong indahin kung para sa ‘yo lang naman,” seryoso nitong saad. Nakuha n’ya ang aking atensiyon kung kaya’t nanatili akong nakatingin sa kan’yang kahali-halinang mga mata. Pinulupot n’ya ang kan’yang kaliwang kamay sa aking bewang at hinawakan ang aking kaliwang kamay gamit ang kan’yang kanang kamay.
Ikinagulat ko na lamang ang bigla n’yang pagtaas sa aking katawan. Itinapak n’ya ang aking dalawang mga paa sa kan’yang paa. “Uno! Anong ginagawa mo? Nahihibang ka na ba!” bulahaw ko. Hindi ba n’ya na-iisip na maari siyang masaktan o ‘di naman kaya ay magkasugat lalo pa sa aking suot na bakya? May mataas itong tapakan kaya alam kong masakit iyon idagdag mo pa na kahit hindi naman ako ganoon kalakihang babae ay kabigatan pa rin ang aking mga buto.
“Sabi mo hindi ka marunong sumayaw kaya ito, ako mismo ang magpapasayaw sa ‘yo,” anang nito.
Umiling ako at akmang baba sa pagkakatungtong sa kan’yang mga paa. Nililingon ko ang iba lalo na ang mga bampirang naka-upo ngayon sa entablado. Hindi naman na ako nagbigla na hindi na maipinta ang kanilang mga mukha, sino ba naman ako upang pahirapan ang gagasan ang katawan ng itinakdang bampira sa propesiyang meron sila. “Uno, ibaba mo na lamang ako. Mas lalo itong nakakahiya, ang pagbibigay sa ‘yo ng galos ang kahuli-hulihang bagay na nanaisin kong matamo mo mula sa kin,” muli kong ani na nag-aalala na. Baka bukas o sa makalawa makakatanggap na ako ng matinding sermon mula sa kanila.
Naging mas determinado akong makababa mula sa kan’yang mga paa ngunit mas malakas siya sa kin kaya nakuha n’yang mas lalo pang ipinulupot ang kan’yang kamay sa aking bewang. “Hindi ka na makakawala sa kin, Ina,” iyon ang huli n’yang saad bago siya nagsimulang i-ugoy ako sa isang mabagal na mga galaw.
Mga kamay na magkahawak at nakapilipit sa isa’t isa. Ang kan’yang mga kamay na nasa aking bewang ang mga noo naming magkalapat sa isa’t isa. Napangiti na lamang ako habang unti-unting napapapikit at ninanamnam ang napakaragang musika na nagmumula sa mga kilalang musikero at musikero.
“Sa muli, bigyan natin ng masigabong palakpakan ang hari at reyna ng gabing ito. Ang paralumang binibini at ginoo na siyang bukod tanging inangkin ang atensiyon ng lahat dahil sa kanilang taglay na kagandahan at kaguwapuhan. Panginoong Zacarias ‘Uno’ Gervacio at ang ating pinakabagong paraluma ng gabi si Binibining Pilipina Amador.
Nagpatuloy kami sa pagsayaw ng mabagal habang magkahawak kamay. Hindi ko na nga namalayan na napapasunod na lamang ang buo kong katawan sa pag-ugoy ng katawan naming dalawa ni Uno. Habang ninanamnam namin ang tugtugin ay nanatili lamang na nakadikit ang aming mga pisngi. Damang-dama at dinig na dinig ng aking tenga ang paghinga ni Uno pati na rin ang malalakas ng pagtambol ng aking dibidib ay nanamayani ngayon.
“Sana hindi mo naririnig ang napakalakas na kabog ng aking dibdib,” pagbibiro ko habang tinatapik-tapik ang kan’yang bewang kong saan nakahawak ang isa kong kamay kasunod sa tiyempo ng musikang ngayon ay namumutawi sa buong lugar.
Isa-isa na ring nagsilapitan ang iba pang magkasintahan at nagsimula ring magsayaw sa sentro ng lugar. “Pfft! Bakit kinakabahan ka pa rin ba na baka tayo ay mapahiya dahil hindi ka marunong sumayaw?” tugon naman ni Uno na mas lalo pang idiniin ang pagkakalapit ng aming mga mukha.
“Hindi, kanina pa iyon ngunit ngayon ay sigurado akong hindi na ‘yon mangyayari,” tugon ko naman.
“Kung hindi ganoon ay maaring kinakabahan ka dahil sa baka kung ano ang sabihin ng mga mamayan? Ina, hindi naman kita minahal sa kung anong meron ka, minahal kita kasi ikaw si Ina. Tuldok. Hindi mo naman kailangang magkaroon din ng mataas na antas o katungkulan sa buhay upang mahalin kita. Hindi na ‘yon kailangan dahil una pa lang nakuha mo na ang aking atensiyon,” masamyo n’yang ani habang nakatitig na ngayon sa aking mga mata.
Muli akong umiling habang malapad ding nakangiti. Kahit kailan talaga ay napakadulas ng kan’yang dila. Ang daming kaalaman upang mukuha ang puso ng isang katulad ko. “Hindi. Alam kong namulat ka sa katotohanang ikaw ay matalino at may angking galing sa pagsuri sa mga bagay-bagay ngunit ikinalulungkot kong sabihin na mali ka sa pagkakataong ito, Uno,” aniya ko naman. Napa-iling ito habang nakatingin sa kin ang kan’yang mga mata nang patanong.
“Malakas ang t***k ng aking puso hindi dahil ako ay kinakabahan na mapahiya, bakit ako kakabahan kung may isang tulad na sinubukang buhatin ako para lamang ako ay makasayaw? Hindi rin naman dahil sa kinabahan ako sa maaring sabihin ng iba, bakit ako mangangamba dahil kahit ano mang gawin ko may masasabi pa rin naman sila, hindi ba? Ang importante ngayon ay masaya ako. Malakas ang t***k ng puso ko dahil ‘yon sa ‘yo,” balik kung pagbanat sa kan’ya ng mga kaani-aninang na mga kataga. Napangiti ito ng kay lapad at kay tamis.
“Nagagawa mo laging ako ay pawindangin. Ganito ang aking nararamdaman dahil iyon kasama kita,” muli kong saad na siyang lalong nagpailing sa kan’ya. Napayuko ito habang pinipigilan ang kan’yang pagpapakita ng pagkakilig kaya mas lalong kuminang ang aking ngiti. Anong akala n’ya? Siya lamang ang maari at pwedeng maging madulas ang dila? Kaya ko rin naman.
Ngunit hindi ako nakahanda ng muntik n’ya akong hilahin para sa isang nanunuot na yakap. Hindi ko agad naiproseso ang kan’yang ginawa kaya naging diretso ang aking tingin. Naabot ng aking tanaw si Binibing Hiyas Escudero na nakatayo ngayon sa hindi kalayuan sa min at nakapamewangan habang ang mga mata ay nanlilisik. Napadiin tuloy ang aking pagkakahawak sa bewang ni Uno.
“Lagi mo talaga akong sinusurpresa, hindi ka rin nauubusan ng pakulo. Kaya mahal kita,” sambit ni Uno na siyang muling nagpabaling sa king atensiyon mula sa nag-apoy at mukhang nagiging tigre ng si Bibining Hiyas patungo sa aking kasayaw na si Uno.
Hinalikan ni Uno ang gilid ng aking mata kaya mas lalo pa akong napangiti.
Virginia’s POV
Nang makaramdam ako ng pagod sa pakikipagpataasan ng enerhiya kina Minerva, Karmila at Natalia ay napagpasiyahan kong bumalik sa aming mesa kanina at magpahinga muna saglit. Ikinagulat ko na nandoon pa rin si Sanura at nakaupo lamang habang nakatingin sa malayo. Sinundan ko ang kan’yang tingin at nakatuon iyon kay Binibining Ina at kay Panginoong Uno na masayang nagsasayaw ngayon. Bagay na bagay talaga sila sa isa’t isa.
“Bakit nandiyan ka pa rin, Sanura? Hindi ka ba nakisali sa sayawan? Dapat kahit minsan ay magsaya ka rin naman! Hindi naman maganda ‘yong lagi ka na lamang seryoso at nagmumukmuk sa tabi,” pagkagagalit ko rito. Ang saya-saya ng paligid tapos ang mukha n’ya ay daig pang namatayan o nawalan ng malaking salapi.
Hindi n’ya ako sinagot kaya kumuha na lamang ako ng makakain atsaka umupo sa kan’yang harapan. Nanatiling tahimik si Sanura habang nakatuon pa rin ang mga mata kina Binibing Ina at Panginoong Uno kaya nanatili rin akong nakatitig sa kan’ya. Ganoon na ba kaganda at nakakaibig ang pagkakasayaw ng dalawa at hindi man lang n’ya matanggala ng kan’yang tingin sa mga ito?
“Hoy! Sanura? Narinig mo ba ang sinabi ko o nakikita mo man lang bang nandito ako sa iyong harapan? Ano bang meron kina Binibining Ina at Panginoong Uno na hindi mo talaga makuha-kuha ang iyong tingin sa kanila?” tanong ko na naman ng ilang minuto na ang nakalipas at wala pa rin siyang naging tugon sa kin.
“Sabagay hindi naman kita masisi kung matatagalan ang iyong pagkakatitig sa kanila lalo na at kaaya-aya silang tignan. Bagay na bagay talaga sila na animo’y ginawa talaga sila ng mga Bathala at ng kalangitan para sa isa’t isa. Kailan din kaya darating ang lalaki na nakatakda para sa kin, ano? Nakaka-inggit naman kasi tignan sina Binibining Ina at Panginoong Uno,” pagkukuwento ko na naman habang kumukuha na naman ng isang masarap na mamon sa mesa.
Nagkasalubong na aking dalawang kilay ng wala man lang siyang naging reaksiyon sa kin. Ni hindi man lang n’ya ako nakuhang tapunan ng tingin o kahit matipid na sagot lamang. Ano bang nangyayari rito kay Sanura?
“Sanura! Hoy! Ano ba! Kinakausap kaya kita! May problema ka ba? Masama ba ang iyong pakiramdam? Anong nararamdaman mo? Gusto mo ba ay dalhin kita sa paggamutan o umuwi na lamang tayo?” tanong ko na naman sa kan’ya. Napatayo na ako ng wala pa rin siyang sagot aakayin ko na sana siya ng tanggalin n’ya ang kan’yang tingin sa dalawa at itaas ‘yon upang tapunan ako ng masamang tingin. Napaatras naman ako at tahimik na napabalik sa aking pagkakaupo at aking pagkain. Kilala ko ‘yang si Sanura kapag gan’yan siya ibig sabihin seryoso siya kaya mas gugustuhin n’yang huwag mo siyang pakialaman.
“Huwag ka ngang magulo, Virginia, hindi ka nakakatulong sa iniisip ko,” madiin n’yang ani. Nagkibit balikat ako at itinuloy na lamang ang pagkain ng hawak-hawak kong mamon.
“Nagaalala lang naman ako sa ‘yo. Akala ko ay may masakit na sa ‘yo kaya hindi ka nagsasalita at nakatuon lamang ang tingin sa hari at reyna ng gabi,” aniya ko naman habang nginunguya ang kinagat kong parte ng mamon.
“Sa tingin mo ba ay nandito pa ako kung masama ang pakiramdam ko? At isa pa kung masama ang pakiramdam ko hindi naman ako isang mangmang na titingin na lang sa kawalan at hintayin ang aking kamatayan sa halip na hanapan ng lunas ang aking nararamdaman. Ano ba namang klasing pag-iisip ang meron ka, Virginia?” singhal n’ya sa kin kaya napanguso naman ako ng kunti.
“Ang sama mo naman sa kin, Sanura! Bawal na bang mag-alala sa ‘yo ngayon? Aba malay ko ba kung ano ang nararamdaman mo! Kaya nga kita tinatanong ‘di ba? Ano ring bang pag-iisip ang meron ka, Sanura?” balik na asar ko rin sa kan’ya kaya inirapan ako nito.
Natahimik na naman kaming dalawa kaya pinagpatuloy ko na lamang ang aking pagkain ng dumaan sa gilid namin ang dalawang babaeng malapit na kaibigan ni Binibining Hiyas. Nagbubulungan sila.
“Bakit hindi si Hiyas ang nanalo? Hindi hamak na mas maganda, mas mahahalin at mas handa naman si Hiyas kaysa d’yan sa Pilipina na ‘yan. Tignan mo nga nag suot n’ya parang ninakaw lang sa isang mamahaling patahian ng damit.” Napalunok agad ako sa narinig ko. Napahigpit tuloy ang pagkakahawak ko sa kubyertos na malapit sa kin.
“Oo nga! Hindi hamak na mas maganda naman si Hiyas sa kan’ya. Hindi naman siya nababagay kay Panginoong Uno. Tignan mo nga para siyang katulong nito kung titignan. Atsaka ano bang pinagmamalaki ng babaeng ‘yan? Balita ko bagong salta lang ang mortal na ‘yan dito. Akala n’ya naman kung sino siyang maganda!” sagot naman ng isa na siyang lalo pang nagpainit sa ulo ko. Nagpipigil na lamang ako ng aking galit. Sana naman ay umalis na sila sa tabi ko kung ayaw nilang masabunutan ko.
Ngunit hindi nila dininig ang aking hiling dahil nagpatuloy lamang silang nakatayo malapit sa mesa namin at nag-usap habang nakatuon ang panlalait kay Binibining Ina. “Ayon kasi sa mga kuro-kuro ay nagrereyna-reynahan daw ‘yang si Pilipina dahil pinapaboran siya lagi ng Panginoong Uno ngunit nagtratrabaho raw iyan sa silid aklatan ng unibersidad. Hindi naman siya maganda matangos lang ang ilong mukhang ang mga kulot naman sa kan’yang buhok ay hindi naman binigyang pansin kaya hindi naman bumagay sa kan’yang ayos,” sagot na naman ng isang babae kaya nahampas ko ang mesa namin. Hindi yata nila napansin ang pagdadabog ko dahil patuloy pa rin silang nakatayo sa gilid ko. Matalim na ang tingin ko habang natingin na sa kanilang mga likod.
“Oo nga! Tama ka diyan. Pareho nga tayong magaling tumingin ng maganda at hindi. Mas mabuti pa ngang isa na lamang sa atin ang naging paraluma para kahit papaano naman ay napanatili ang kredibilidad ng kompetisyon. Hindi ko alam kung anong gayuma ang pinainom ng bruhang ‘yan sa mga hurado at siya ang napili nila.” Tinawag n’yang bruha si Binibining Ina?! Anong masamang ginawang masama sa kanila ni Bibining Ina upang tawagin n’ya siya ganoong katawagan?!
Magsasalita pa sana ulit ang isang babae bilang tugon ng tumayo na ako at hinila ang dulo ng buhok ng babaeng malapit sa kin. Nagulat na lang din ako ng pareho naming kinaladkad ni Sanura ang dalawang babae palabas ng lugar at sabay pa kaming naglaho at lumitaw sa isang madilim na parte ng lugar.
“SINO KAYO? ANONG SA TINGIN N’YO ANG GINAGAWA N’YO SA MIN?! GUSTO N’YO BANG MAPARUSAHAN!” bulyaw agad sa kin ng babaeng hinila ko ang buhok.
“ANG LAKAS NG LOOB N’YONG DALAWA NA SABUNUTAN AT DALHIN KAMI RITO! HINDI N’YO YATA KILALA ANG BINANGGA NINYO!” hiyaw naman n’ong babaeng hinila ang buhok ni Sanura.
“Hindi kami timang para hindi kayo makilala ngunit mas lalong hindi rin kami timang para matakot sa inyong dalawa! Kaibigan lang naman kayo ni Binibining Hiyas! Akala n’yo naman kung sino kayo kasi kaibigan kayo ng isang babaeng may mataas na antas sa buhay! Kaibigan lang kayo kaya hindi n’ya ibibigay sa inyo ang kayamanan na meron siya!” pagaalburoto ko na.
“SINO KA BANG BABAE KA?! ANG TAPANG-TAPANG MONG MAGSALITA! WALA AKONG GINAWANG MASAMA SA ‘YO! PAPANSIN!” balik na palahaw sa kin n’ong babaeng nakasuot ng sayang lila, siya ‘yong hinatak ko.
“Sa min wala kayong ginawang masama pero sa babeang pinagsisilbihan namin meron. Sino rin kayo para tawaging bruha si Binibining Ina! Akala n’yo nama sino kayong magaganda! Wala kayo sa kalingkingan n’ya!” hiyaw ni Sanura. Nakipagtigasan kami ng tingin sa kanilang dalawa.
“ANO?! AH! MGA ALIPORES PALA KAYO NG NAGREREYNA-REYNAHANG ‘YAN?! PERO HINDI NAMAN KAMI PAPAYAG SA SINABI MONG WALA KAMI SA KALINGKINGAN NG KAGANDAHAN N’YA! MAHIYA NAMAN KAYO SA MGA BATHALA SA PINAGSASABI NINYO!” galit na galit naman sagot n’ong babaeng nakasuot ng dilaw na saya, siya naman ang hinila ni Sanura.
“PARA LANG ALAM MO HINDI NAGREREYNA-REYNAHAN SI BINIBING INA! MAY KARAPATAN SIYANG MAGREYNA-REYNAHAN DAHIL NILILIGAWAN SIYA NI PANGINOONG UNO AT SI PANGINOONG UNO MISMO ANG NAGSABI SA LAHAT NA KUNG SINO MANG KAKALABAN SA KAN’YA AT MANANAGOT SA UNO!” taas noo ko ring hiyaw pabalik. Hinding-hindi ko sila aatrasan. Makikipagkalbohan ako kahit kanino kung kakantiin na nila si Binibining Ina.
“ANO!?” sabay nilang saad na dalawa.
“Hindi n’yo alam? Ang bagal naman pala dumating ng balita sa inyo, mga binibini. Ngunit totoo ‘yon kung hindi n’yo alam mahal na mahal ni Uno si Binibining Ina kaya kung ayaw n’yong si Uno pa sa mismo ang kumalbo sa inyo tulad ng ginawa n’ya kay Binibing Estomata n’ong tinangka n’yang saktan si Binibining Ina. Alam n’yo naman siguro kung paano nagkandalasog-lasog ang mga buto n’ya sa katawan, hindi ba? Alam kong alam n’yo rin kung paano katakot si Binibining Estomata nang magwala si Uno matapos ng ginawa n’ya kay Binining Ina?” pananakot ni Sanura sa kanilang dalawa na mukhang bentang-benta naman. Pareho silang umaatras habang umaabanta naman si Sanura.
Sige pa, Sanura! Takutin mo ang mga lapastangan na ‘yan! Hindi dapat nila ginaganoon si Binibining Ina. “Pfft! Buti nga sa inyo! Mas bruha kayong dalawa! Mga pangit!” asar ko sa kanilang dalawa ng hindi yata nila napansin na may maliit na lubak sa inaatrasan nila. Maputik pa naman doon kaya dumihan ang mga suot nilang mga saya.
“HUMANDA KAYONG DALAWA SA MIN! / MAY ORAS DIN KAYONG DALAWA SA MIN!” sabay pa nilang sigaw pero inirapan lang namin sila pareho ni Sanura bago muling naglaho at umupo sa mesa namin kanina. Wala pa rin ang tatlo roon kay pinapagtuloy ko na lang ang naudlot kong pagkain.
“Kinakabahan lang ako kung tama ba ang ginagawa nating ito. Habang tinitignan ko kasi silang dalawa mas lalo lamang akong naguguluhan,” pabigla-biglang saad ni Sanura habang nakaekis na ang kan’yang mga kamay sa kan’yang harapan habang muli na namang ibinalik ang tingin kina Binibining Ina at Panginoong Uno.
“Sanura, hindi ba at ikaw na mismo ang nagsabi na kailangan natin si Binining Ina? Kailangan nating magtagumpay at alam mong malaking instrumento si Binibining Ina para maisakatuparan natin ang nais nating mangyari. Nandito na tayo, Sanura. Nakaabot na tayo sa puntong ito kaya kailangan na nating ipagpatuloy ito dahil kapag huminto tayo baka mas lalong hindi na natin mapagtagumpayan ang dapat nating gawin.” Mahaba kong paliwanag kay Sanura atsaka ibinaba ang kinakain ko. Nawala na kasi bigla ang gutom ko nang marinig ko ang mga katagang iyon mula kay Sanura.
“Hindi totoong nakagsalubong lang kami ni Binibining Ina kahapon. Nadaanan ko siyang nasa kalye ng mga mortal.” Nanlaki ang mga mata ko sa ibinunyag na ito ni Sanura. Paano natuklasan ni Binibing Ina ang kalyeng iyon.
“Sa kalye nina Isiang? / Sa kalye nina Isiang.” Sabay pa naming turan.
Nagkatinginan kaming dalawa at nakompirma kong iisa lang ang lugar na nasa isip naming dalawa. “Paano? Paano siyang nakapunta roon?” nagtataka kong tanong.
“Iyan din naman ang gusto kong itaong sa ‘yo. Kayo ang laging magkasama kaya paanong nasalisihan ka ng Isiang na ‘yan?” matigas na ani ni Sanura. Napaisip ako lalo.
“Pasensiya na, hindi ko kasi nasundo kagabi si Binibining Ina,” paghihingi ko na lamang ng paumanhin.
“Hindi ito oras na magsisihan pa tayo. Kailangan mong mas lalong bantayan at gabayan si Binibining Ina. Virginia, alam mo naman siguro at natatandaan mo naman siguro ang nangyari sa pagitan natin at sa pamilya nina Isiang hindi ba?” tanong sa kin ni Sanura na siyang tinanguan ko.
“Pabalik na si Binibing Ina. Umayos ka na,” aniya ni Sanura habang nakangiti at nakatingin sa paparating. Lumingon ako at kasama na ni Binibining Ina ang tatlo habang si Minerva ay nakapulupot ang mga kamay sa balikat ni Binibining Ina at mukhang binabati n’ya ito.
“Binibining Ina! Sabi naman namin sa inyo, eh! Maiuuwi n’yo ang korona sa gabing ito!” bulalas ko kaagad ng makalapit sila sa min. Ngumiti si Binibining Ina sa kin kaya nakaramdam ako ng kirot sa aking puso.
“Oo nga, Virginia. Hindi rin naman ako makapaniwalang ako pala ang mananalo! Mas maganda at magarbo naman kasi ang suot ni Binibining Hiyas kaysa sa kin,” aniya at kasabay ng tatlo ay muling umupo sa aming mesa. Naalala ko na naman tuloy ang mga pinagsasabi n’ong dalawang binibining iyon tungkol sa kan’ya. Uminit na naman tuloy ang ulo ko.
“Binabati kita, Binibining Ina! Masaya ako para sa ‘yo,” aniya naman ni Sanura at nanatiling nakatingin ng malalim kay Binibining Ina kaya pasimple ko siyang sinipa sa baba ng mesa.
“Salamat, Sanura! Salamat kamo sa inyong lima! Kundi dahil sa inyo hindi naman ako magiging ganitong kaganda ngayon! Salamat talaga at pinaghandaan n’yo ang araw na ito. Kahit nga ako ay hindi naisip na magiging ganito ako kaganda!” anito habang hinahawakan ang kamay nina Minerva at Karmila na siyang malapit sa kan’ya.
Napangiti naman ako sa kan’ya. “Masaya po kaming nakikita kayong masaya ni Uno, Binibining Ina! Bagay na bagay nga po kayo kanina! Hindi po ako magsasawang tignan kayong dalawa na nagsasayaw ng ganoon!”
“Totoo! Ang ganda n’yo pong pagmasdan na dalawa, binibini! Bagay na bagay po talaga kayo. Parehong maganda at guwapo, parehong mabait at may angkin galing. Naku! Pinagtagpo ng tadhana! Mahihiya na lang po ang tadhana kapag nagkahiwalay kayo!” bulalas naman ni Minerva.
“Nakita n’yo ba ang mga titig ni Binibining Hiyas kanina n’ong nagkakasayaw sina Binibining Ina at Panginoong Uno? Grabi! Halos mangain na siya ng tao sa galit!” sumbong naman ni Karmila na siyang tinawanan naman naming lahat maliban lang kay Sanura. “Oo nga! Napansin ko nga habang nagsasayaw kami kanina ay nanlilisik ang kan’yang mga matang nakatingin sa min ni Uno. Hindi ko naman siya masisi kung ganoon ang magiging reaksiyon n’ya dahil ilang taon na silang dalawa ang magkasayaw ng ganoon at siya ang hinirang na paraluma ng gabi,” sagot naman ni Binibining Ina habang umiinom ng tubig.
“Kinilig po talaga ako n’ong hinalikan ka ni Panginoong Uno kanina sa gilid ng iyong mata, binibini! Sana ako rin may ganoon!” nakangusong sabat naman ni Natalia.
“Kung ako sa ‘yo, Natalia! Tularan mo ako simula n’ong nakita ko kung gaano kamahal ni Uno si Binibining Ina araw-araw na akong tumutulong sa mga nangangailangan! Hindi natin alam na baka isa na pala sa mga natulungan ko ang makakatuluyan ko sa huli katulad nilang dalawa!” pagbibida naman ni Minerva na siyang nagpatawa sa ming lahat. Napahalukipkip naman si Binibining Ina habang nakikinig sa amin.
“Mabuti naman alam mo dahil hindi naman magtatagal ang kahibangan mo, malandi kang babae ka!”