Virginia’s POV
“ANG dami mo talagang alam, Minerva! Kahit ubusin mo pa ang salapi na meron ka hindi ka pa rin makakakita ng katulad ni Uno! Nag-iisa lang ‘yon kaya huwag ka ng umasa. Atsaka sigurado akong may itinakda naman ang tadhana para sa ‘yo kung wala, eh ‘di samama ka na lamang sa mga kagagalang-galang na mga madre ng simbahan,” sagot ko naman na ikinalisik ng mga mata n’ya. Tinaasan n’ya ako ng kilay bago n’ya marahas na kinain ang hawak-hawakn n’yang pahabang monay.
“Maghunos dili ka naman, Minerva! Hindi ba naawa sa tinapay na ‘yan? Dinudurog mo na! Hindi naman ‘yan ang kaaway mo,” sita sa kan’ya ni Binibining Ina kaya muli kaming nagtawanan.
“Binibini naman kasi! Pagalitan mo nga ‘yang si Virginia! Nang-aasar na naman, ako na naman ang kinontra n’ya!” parang batang nagsusumbong sa nanay n’ya ang mukha ngayon ni Minerva.
“Minerva, mabuti naman kung ganoon ang ginawa mo ngunit dapat taus puso mo iyong ginagawa upang kahit may bumalik man o wala ay masaya ka pa rin. Darating din ang pag-ibig na ‘yan sa tamang panahon, Minerva, at alam kong mas maganda pa kaysa sa min ang inyong magiging pag-iibigan,” malumanay na payo ni Binibing Ina kay Minerva.
Sasagot pa sana si Minerva ngunit nabigla kami sa pagtayo ni Sanura at agad itong lumapit sa harapan ni Binibining Ina na parang prinoprotektahan n’ya ito sa ano mang maaring mangyari.
“Mabuti naman alam mo dahil hindi naman magtatagal ang kahibangan mo, malandi kang babae ka!” Isang hiyaw na nagpatayo sa ming apat. Nagtataka pa si Binibining Ina ng tumayo ito at tinignan ang pinaggalingan ng hiyaw.
“Kung sakaling hindi mo ako kilalang babaeng malandi ka! Ako! Ako si Hiyas Escudero ang papakasalan ni Uno! Kaya layuan at tigil-tigilan mo ang kakalandi sa mapapangasawa ko dahil hindi ko sasantuhin ang buhok mo!” galit na galit na ani ni Binibining Hiyas at nasa likod pa nga n’ya ang dalawa n’yang kaibigan na pinagkaisahan namin ni Sanura kanina na kapuwa na pagbihis na sa kanilang panibagong mga saya.
“Binibining Hiyas, hindi po kami naghahanap ng away. Tanggapin n’yo na lamang po ang naging desisyon ng mga hurado. Alam naman po natin kung paano maging pantay ang mga kataas-taasan sa ating lahat kaya huwag na po nating kuwestiyunin ang kanilang pasya,” mahabang pagpapakalma ni Sanura sa kan’ya ngunit mukhang hindi n’ya naman iyon narinig dahil pinapalabas na n’ya ang kan’yang pangil.
Unti-unti na kaming nagsilapitan kay Binibining Ina at sigurado naming lima na hindi siya maabot ni Binibining Hiyas.
“TUMAHIMIK KA SANURA AGRAVANTE! ANONG AKALA MO SA KIN WALANG ALAM? HINDI MO NA KAILANGANG IPAALALA SA KIN ANG MGA BAGAY NA ‘YAN! MATAGAL NA AKONG NANINIRAHAN SA LUGAR NA ITO KAYSA SA MALANDING ‘YAN KAYA ALAM NA ALAM KO NA YAN! BOBO!” galit na palahaw na naman ni Binibining Hiyas pero hindi naman kami natinag doon. Mas masakit at mas marami ng kung ano-anong masasakit na kataga ang narinig namin kaya hindi na kami basta-bastang maririndi sa simpleng salita na ‘yan. Nanlilisik ang mga mata ko habang nakatingin sa dalawa n’yang mga kaibigan dahil kung makaasta sila ngayon ay akala mo naman pati sila ay nanalo na sa min. Wala pa nga, eh. Nag-uumpisa pa nga lang ang sagutan akala naman nila sila ang mananalo? Hindi ‘no!
“Binibining Hiyas, habang mahinahon pa po kaming nakikipag-usap sa inyo ay mas mabuti siguro kong pati kayo ay huminahon din dahil hindi po natin maayos ang problema na meron kayo kay Binibining Ina kung mainit po ang ulo ninyo. Siguro po ay alam n’yo rin namang nakakawalang modo sa mga katulad sa antas ninyo ang sumugod ngayon dito ng galit na galit dahil lang sa hindi n’ya nakuha ang korona ng gabi,” sagot na naman ni Sanura na siyang nagpalaki sa mga mata ni Binibining Hiyas. Sabi ko sa inyo, eh, hindi pa nga nag-uumpisa ang laban. Sanay na yata kaming makipagdebatihan sa kahit na sino man.
“Sa-sanura! Sana ay naririnig mo ang mga pinagsasabi mo! Maari mo ‘yang ikatalo ngayon! Alam mo kung gaano kalayo ang agwat ng mga antas natin lalong lalo na ‘yang mortal na ‘yan!” aniya na naman at nagsimula na siyang duro-duruin si Binibining Ina na nanatili lamang na kalmado at nakatingin kay Binibining Hiyas na nag-aapoy na ngayon sa galit.
“Sana alam mo rin na ang mga pinagagawa mo ngayon sa harapan ng mga katulad naming nasa mababang antas lamang kong ikokompara sa antas mo ay isang halimbawa po ng pagkawalang modo, binibini. Wala ka pong karapatan na duro-duruin ang kahit na sinong nilalang mapabampira man o mortal. Napagdaan mo nama po siguro ang asignatura para sa tamang pagkilos, binibini, hindi ba?” muling pagtutuya sa kan’ya ni Sanura. Natigilan si Binibining Hiyas sa mga sinabi ni Sanura kaya natagalan ito bago nakasagot muli. Lumunok pa siya at muling nagsalita.
“Wala akong pakialam! Lalo naman at nasa katwiran ako! ‘Yang babaeng mortal na ‘yan ang may kasalanan dito!” muli n’yang diin kaya napa-iling ako at napatawa. Kaawa-awang nilalang. Kahit gaano pa n’ya takpan ng mga magagarang kasuotan, nagkikinangang mga alahas at napakababangong mga pabango ang kan’yang mga insekuridad sa katawan ay mangangamoy at mangangamoy pa rin ito.
“Mawalang galang na, Binibining Hiyas, ngunit sa pagkakatanda ko ay ngayon lamang tayo nagkatagpo. Hindi nga kita kilala, kung hindi pa nga sa aktibidad na ito ay hindi ko pa masisilayan at malalaman na ikaw pala si Binibining Hiyas kaya paano naman ako sa ‘yo nagkaroon ng kasalanan? Wala akong matandaan na nagkasalubong o nagkabangga stayo bago ang araw na ito,” inosente namang sagot ni Binibining Ina. Halata mo talagang malinis ang kan’yang konsensya at itong si Binibining Hiyas ang naghahanap ng away.
Ngumisi si Binibining Hiyas bago nagsalita. “Ang dami mo namang sinabi! Ang dami-dami mong palusot! Hindi ka lang pala malandi at mang-aagaw isa ka ring mapangkunwaring babae! Ano nagbabait-baitan ka ngayon sa harapan ko dahil alam mong may mali kang ginawa sa kin? Hindi mo ako makukuha sa pagganyan mo! Hindi ako katulad ng iba d’yang madali mo lang mauuto, mapanlinlang ka!” muling banat nito na nginitian lang ng malapad ni Binibining Ina na siya namang nagpapula sa mukha no Binibining Hiyas dahil sa galit.
“Tapos ka na ba sa mga pambibintang mo? Wala akong nilandi, wala akong inaagaw sa ‘yo at mas lalong hindi ako nagkukunwari. Kung anong nakikita mo ngayon ‘yon talaga ang totoo kong pagkatao. Anong ikinagagalit mo? Na ang isang katulad ko na mortal at bagong salta sa unibersidad ninyo ang nakatalo sa ‘yo? O hindi naman ay dahil sa nakita mo kung paano ako pahalagahan ni Uno? Ano sa dalawa?” sarkastikong saad ni Binibining Ina na siyang mas napangisi sa kin.
“ANONG PINAGSASABI MONG BOBO KA!”
“Ah? Mukhang ‘yong panghuli ang ikinagagalit mo. Hindi ba ganoon kalambing sa ‘yo ang mapapangasawa mo? Paumanhin na ngunit baka naman kasi ikaw lang ang nag-iilusiyon ng mga bagay na iyan. Baka naman isa ka lang sa mga babaeng pinapangarap si Uno. Pero hayaan mong linawin ko sa ‘yo ang mga bagay-bagay, para lang naman malinaw sa ‘yo at hindi ‘yang gan’yan ka nagagalit sa wala,” dugtong na naman ni Binibining Ina.
“TUMIGIL KA NA! TIGILAN MO NA ‘YANG KASINUNGALINGAN MO!”
“Bakit ako titigil? Hindi pa nga ako nag-uumpisa. Una, wala akong nilalandi dahil sa kung hindi mo alam si Uno ang unang lumapit sa kin, si Uno ang nagdala sa kin dito at higit sa lahat si Uno ang may gusto sa kin. Hindi mo ba alam ‘yon? Ako nga pala ‘yong babaeng matagal na n’yang hinahanap. Sana alam mo ‘yon, ‘Binibining Hiyas’.” Ayan ang Binibining Ina ko! Ilaban mo ‘yan! Nasa iyo ang korona kaya dapat naman talagang ipaglaban! Wala namang binabat ‘yang si Binibining Hiyas kung ayaw naman talaga sa kan’ya ni Uno! Bakit n’ya ipipilit ang sarili n’ya sa bampirang ayaw naman sa kan’ya! Kung may natitira pa siyang hiya at respeto sa sarili n’ya dapat lang n’yang ilugar ang sarili n’ya.
“HINDI KO NAGUGUSTUHAN ANG MGA LUMALABAS NA KATAGA SA BIBIG MO, MORTAL! HINDI KA BA KINAKABAHAN SA PINAGSASABI MO? PURO KASINUNGALINGAN! NAHIHIBANG KA NA YATA! HUMANDA KA NANG KAININ ‘YANG MGA SINASABI MO DAHIL LALABAS AT LALABAS ANG KATOTOHANAN. ALAM MO ANG KATOTOHANAN ‘YON KUNG ALIN? NA ISA KANG SINUNGALING NA TAO! MALANDI! MAPAGKUNWARI! MANG-AAGAW!” hiyaw n’yang halos pati ang mga ugat n’ya sa lalamunan ay malalagok na. Galit na galit? Gustong mapanakit? Pasensya siya kami ang nasa katwiran.
“Baka ikaw ang dapat maghanda. Alam mo sa sarili mo kung sino ang nagsasabi sa atin ng totoo, kitang-kita mo kanina, kitang-kita ng lahat ang katotohanan. Hindi ako gumagawa-gawa lamang ng kuwento, anong makukuha ko kapag ginawa ko ‘yon? Hayaan mong ipagpatuloy ko ang pagpapaliwanag ko sa ‘yo. Inasahan kong makikinig ka ng mabuti, Binibining Hiyas, baka kasi sa ganoong paraan ay maunawaan mo ang totoong nangyari sa ‘yong paligid. Hindi naman kasi lahat ng inaakala mo na totoo ay siya talagang totoo, minsan may mga inaakala ang mga bampira na tulad mo na mananatiling akala dahil sarili lamang nila mismo ang may gawa-gawa noon,” sambit na naman ni Binibining Ina. Huwag kang magpadaig sa babaeng ‘yan, binibini! Hindi hamak na mas maganda ka at mas mabait sa babaeng ‘yan! Hindi ‘yan nababagay kay Uno at mas lalong hindi siya karapat-dapat na maging kabiyak ni Uno.
“SUBUKAN MONG ITULOY ANG MGA KASINUNGALINGAN MONG ‘YAN AT MATITIKMAN MO ANG BATAS NG LUGAR NA ‘TO! ISA KA LAMANG MORTAL KAYA HUWAG KANG UMASTA AT UMASANG KAKAMPIHAN KA NG BATAS SA LUGAR NA ITO! HINDI MO ITO TERRITORYO KAYA KUNG AKO SA ‘YO TUMIGIL KA NA!” muli n’yang banat kay Binibining Ina ngunit hindi do’n natinig ang binibini sa halip ay mas lalo pa siyang ngumiti na parang mas lalo pa ngang nakakasakit sa damdamin ng babaeng nasa aming harapan at nag-aamok.
“Pangalawa, wala akong inaagaw na kahit na ano sa ‘yo. Bakit? Sana tinanong mo muna sa sarili mo kung sa ‘yo nga ba talaga kasi baka akala mo lang meron ‘yon naman pala ay wala. Hinding-hindi ko sa ‘yo aagawin si Uno, kahit kailan wala akong inagaw sa ‘yo dahil malinaw pa sa buwan na walang namamagitan sa inyong dalawa. Sinong kausap mo? Ay hindi! Sinong kausap ng pamilya mo? Hindi ba at ang pamilya n’ya hindi siya. Kaya paano mo naman nasisiguradong mahal ka nga n’ya? Na papakasalan ka nga n’ya? Tandaan mo ito. Wala akong inagaw sa ‘yo dahil simula at sapul ako ang gusto n’ya hindi ang iba at mas lalong hindi ikaw.” Matigas na ani ni Binibining Ina na nagsisimula na ring mapuno at magalit. Umabante sa papunta kay Binibining Ina ang grupo ni Binibining Hiyas kaya mas lalo naming prinotektahan si Binibining Ina.
“Ang tapang-tapang mo naman kung magsalita. Bakit hindi ka lumabas d’yan sa pagkukubli sa ‘yo ng mga nagaalaga sa ‘yo para malaman natin kung hanggang saan ang tapang mo. Ipakita mo sa kin, ipakita mo sa min ang tapang mo! Ang pagiging mapagkunwari mong babae ka!” sumbat na naman n’ya ng hindi siya makalapit dahil nakaharang kami sa harapan ni Binibining Ina. Anong akala n’ya hahayaan lang naming saktan n’ya si Binibining Ina? Hindi kami bobo katulad ng tingin at inaakala n’ya sa min.
“Hindi ko kailangang bumaba sa antas mo. Kung hanggang d’yan ka lang, kung gan’yan kagaspang ang ugali mo ibahin mo ako sa ‘yo. Hindi ako parang bata na katulad mo na magrereyna-reyna at maghahanap ng away sa mga taong wala namang ginawang masama sa kan’ya. Hindi ko kasalanan kung gan’yan ka-importante sa ‘yo ang titulong ‘to pero sana nagsabi ka para naman maibigay ko sa ‘yo ng kusa. Hindi naman kasi ako katulad mo na kayang ibaba ang katauhan n’ya sa simpleng titulo,” muling sagot ni Binibining Ina sa kan’ya. Mas lalo akong nabibilib kay Binibining Ina habnag tinitignan ko ito ngayon. Sana lang talaga kapag dumating ang panahon ay mananatili siyang gan’yan, na kahit ano man ang mangyari o mangyayari ay mananatili lamang siyang si Ina na mapagmahal at kayang ipagtanggol ang sarili n’ya sa iba. Sana nga kahit lumipas ang mga araw mananatili pa rin kaming lahat na ganito.
“Hayop kang babae ka! Talagang ginagalit mo talaga ako! Gustong-gusto kitang sakmalin! Gustong-gusto kong sirain ‘yang pagmumukha mo hanggang sa mawalan ka na nang pagpipilian kundi ang manghiram ng mukha sa aso! Lintik kang babae ka! Humanda ka talaga kapag nalaman ‘to mga magulang ko at lalong-lalo nan g lolo at lola ni Uno! Sa tingin mo gugustuhin ka nilang maging asawa ng apo nila?! Sa tingin mo talaga nababagay kang maging susunod na reyna ng unibersidad na ito?! HINDI! HINDING HINDI! KAHIT ANONG GAWIN MO! KAHIT MALIGO KA PA NG KOLORETE SA MUKHA HINDI KA NABABAGAY SA LUGAR NA ITO! SAMPID!” halos hinahabol na n’ya ang kan’yang hininga at nanginginig na ito sa galit. Halos pamumula na nga ng kanyang mukha ang aking nakikita. Mabuti nga sa ‘yo! Akala mo naman makakaya n’yang kalabanin ang lahat ng nilalang na nandito! Hindi naman kasi bago sa kaalaman ng lahat na ginagamit n’ya rin ang antas na meron ang pamilya n’ya upang manakot at makuha ang mga gusto n’ya, kung sa madaling salita nagkukubli siya sa saya ng kan’yang angkan. Wala naman ‘yang binatbat kung siya lang din mag-isa.
Nabigla kami ng hawakan ni Binibining Ina ang kaliwang balikat ko at ang kanang balikat ni Sanura. Tumango ito sa min. “Padain n’yo na muna ako, Sanura at Virginia. Pagbibigyan ko ang bampirang ito sa kan’yang kakulitan,” anito. Pareho naming tinignan siya ni Sanura ng may pagtanggi kahit ang tatlo ay mahinang nangsasabi na “Huwag na po, binibini!”
“Padaain n’yo siya, mga halang! Tignan natin kung saan hanggang ang tapang ng isang ‘to! Bilis!” singgit naman ni Binibining Hiyas.
“Sige na, Sanura at Virginia. Hindi naman siguro siya kasing galing ng Estomata na ‘yon ‘di ba? Hindi naman ako magagalusan ng babaeng ito,” biro pa sa min ni Binibining Ina at unti-unti nang humakbang para pumaharap at harapin talaga si Binibining Hiyas na ano mang oras ay gusto ng manakit.
“Mabuti naman natuto kang lumabas sa pagkukubli at proteksiyon ng iba, hindi ka naman pala isang duwag na mortal. Pinalaki ka naman palang matapang ng nanay mong mortal.”
Tumawa si Binibining Ina nang nakakaasar. “Hindi naman kasi ako katulad mo,” tumigil ito sa pagsasalita at tinignan si Binibining Hiyas mula ulo hanggang paa nito.
“Hindi ako katulad mong halata mo namang nakakubli sa mga magulang. Hindi mo ba kayang ipagtanggol ang sarili mo ng mag-isa at kailangan mo pang tawagin at gamitin ang pangalan ng mga magulang mo at ng angkan mo para magtagumpay sa isang argumento? Gan’yan ba ang ugali at karakter ng isang tao na ‘karapat-dapat’ para maging kabiyak ng isang Zacarias Pslam Gervacio? Gan’yan bang mukhang kailangan pang bihisan ng mga magulang dahil hindi naman kayang tumayo gamit ang sariling mga paa?” aniya ni Binibining Pilipina at talaga pa ngang kan’ya itong nilalapitan na siya ring nagpaatras sa grupo ni Binibining Hiyas. Wala pala kayo, eh!
“Hiyas Escudero, ang ganda ng pangalan mo, eh. Hiyas, sana ganoon din ‘yong bampira, hiyas ng pamilya n’ya kasi may magandang mukha, may magandang ugali at matapang na kayang ipagtanggol at tumayo sa sariling mga paa. Sana ganoon ka rin, Hiyas. Sana maging hiyas ka nga nga ng pamilya mo. Kasi kung mananatili kang gan’yan, kung mananatili kang talunan at duwag sa tingin mo magiging epektibo kang susunod na reyna ng unibersidad na ito? Maari ‘po’ ba na bago ka magsalita at manglait sa iba siguraduhing mo ring ang sarili mo ay hindi kalait-lait, salamat,” huling saad ni Binibining Ina at tinaasan n’ya ito ng kilay. Tatalikuran na sana n’ya si Binibining Hiyas ng hinatak n’ya ito at inambang sasampalin ngunit nasalo ito ni Binibining Ina. Nagtagisan silang dalawa ng lakas hanggang may malakas na enerhiya ang nagpatilapon kay Binibining Hiyas, napaatras siya at napalayo kay Binibining Ina.
Pilipina’s POV
Agad akong napatingin sa pinanggalingan ng malakas na enerhiya dahil baka ako naman ang sunod na tirahin n’on ngunit naibaba ko ang kamay kong nasa ere pa rin ng makita ko si Uno lulan ng kabayo dahil nga puwesto namin kanina ay malayo na sa entablado at wala ng bubong ay madali lamang siyang nakalapit sa min kahit lula pa siya ng isang kabayo. Bumaba siya roon at lahat kami ay gulat na gulat na nakatingin at naghihintay siya sa susunod n’yang gagawin.
Mabilis siyang nakalapit sa kin at agad n’ya akong pinalikod sa kan’ya. Hawak-hawak na n’ya ngayon ang aking pulsuhan habang nakatingin sa grupo ni Binibining Hiyas na hindi rin makapaniwala sa ginawa ni Uno. Kahit naman ako ay nagulat, kahit naman kasi sabihin nating masama siyang babae ay maari n’ya pa ring maging asawa ang bampirang iyan. Malaki ang porsyento na hindi man ngayon ay baka susunod na mga panahon ay magkatotoo ang sinasabi ni Hiyas na maging mag-asawa sila ni Uno. Galing kasi siya isang makapangyarihan na angkan habang ako ay ito lamang.
“Uno! Anong ibig sabihin nito?! Tinangka mo akong saktan?! Paano kung hindi lang ito ang inabot ko?! Talaga bang makakaya mong manakit ng babae para lamang sa mortal na ‘yan?! Para lang sa sampid na ‘yan? Hindi mo ba alam na nilalandi ka lang n’yan para gamitin ka sa personal n’yang pangangailangan? Alam mo rin bang inaagaw ka n’ya sa kin para sa kapangyarihan dahil uhaw na uhaw siya sa magarbong pamumuhay? Higit sa lahat sana alam mong mapangkunwari ‘yang babaeng ‘yan! Nagbabait-baitan lang ‘yan at ikaw naman itong nagpa-uto sa kan’ya! Uno, nahihibang ka na ba? Gamitin mo naman ang talas ng utak mo! Huwag mong hayaang gamitin ka ng babaeng galing sa lahi ng mortal nating kaaway!” Hindi ko alam kung ano ang mukha ngayon ni Uno lalo pa at nakatayo siya sa unahan ko at madilim pa. Naramdaman ko na lamang na mas lalo n’yang ma-ingat na hinawakan ang pulsuhan ko.
“Uno! Hindi ba at mahal mo ako? ‘Di ba tayo naman talaga ang ikakasal? Nangako ang pamilya ninyo sa pamilya ko hindi ba?” nagsusumamong saad ni Hiyas. Sinusubukan pa sana n’yang hawakan si Uno sa mga kamay n’ya ngunit kinakabig n’ya ito at inilalayo kay Hiyas.
“Uno! Itigil mo na ang pagkukunwari mong gusto mo ang babaeng ‘yan! Hindi ba at sabi mo sa mga ninuno mo na hindi mo siya totoong mahal? Na ginagamit mo lamang siya para mapabag—“
“TUMIGIL KA, HIYAS!” galit na galit na hiyaw ni Uno. Ngunit ano ang gustong sabihin ni Hiyas. Anong ginagamit n’ya lang ako? Saan? Para saan? Anong meron?
“ZACARIAS! TIGILAN MO NA ‘TO! IPAKITA MO SA BABAENG ‘YAN NA AKO ANG MAHAL MO AT HINDI SIYA! NGAYON NA! UTOS ‘TO NG MAPAPANGASAWA MO KAYA SUNDIN MO AKO! MAKINIG KA SA KIN!” nagsimula na siyang umiyak at sinusubukan pa ring hawakan si Uno ngunit hindi n’ya ako binibitawan at nilalayo n’ya lang ang kamay n’ya kay Hiyas. Walang nagawa si Hiyas kundi ang yakapin si Uno ngunit hindi ibinalik ni Uno ang yakap n’ya, napansin din ni Hiyas na hawak-hawak pa rin ni Uno ang pulsuhan ko.
“ZACARIAS! BITAWAN MO NGA ANG KAMAY NG BABAENG ‘YAN!” muli n’yang hiyaw ngunit hinawakan ni Uno ang balikat n’ya at inilayo n’ya ang katawan ni Hiyas sa katawan n’ya. Nanatili itong tahimik at sa pakiradam ko ay nagpipigil na lang din siya ng galit.
“ANONG IBIG SABIHIN NITO! ISUSUMBONG KITA SA LOLO AT LOLA MO! HINDI MO DAPAT GAWIN SA KIN ‘TO!” sobrang lakas n’yang sigaw. Mabuti na lang talaga at walang halos na mamayan ang nandito at abala pa silang nagsasayaw sa may entablado kung saan sobrang lakas din naman ng tugtug kaya sigurado akong hindi alintana ang mga hiyaw nitong si Hiyas. Para siyang batang umiiyak.
“Hindi mo ba nakikita? May mga mata ka naman kaya intindihin mo. Kung gusto mong magpakasal, pakasalan mo ang lolo at lola ko tutal sila naman ang may gustong ikasal tayo hindi ba? Tandaan mo at ilagay mo ito sa maliit mong kukute, Hiyas. Hindi kita mahal at hinding hindi ko mamahalin ang babaeng katulad mong tinangkang saktan ang babaeng pinakamamahal ko.”
“HINDI ‘YAN TOTOO! HINDI MAARI, ZACARIAS! BAWIIN MO ANG MGA SINABI MONG ‘YAN! HINDI! HINDI AKO PAPAYAG! WALA AKONG NARINIG!” naghuhumirintado na siya sa aming harapan.
“Wala akong pakialam kung hindi mo ako naririnig pero gusto ko pa ring sabihin sa harapan mong hindi ikaw ang papakasalan ko dahil ang babaeng papakasalan ko ay ang babaeng nilalapastangan mo ngayon! Subukan mo siyang saktan sa uulitin at sisiguraduhin ko nang kikitilin ko ang hininga mo kahit sino ka pa, kahit sino pa ang mga magulang mo o kahit ano pang antas ang meron ka. Hindi ka nararapat sa pangalan na meron ka. Sayang ka, Hiyas, sayang na sayang ka.”
Hinila ako ni Uno palapit sa kan’yang kabayo at nang malapit na kami sa harapan ng kabayo n’ya ay napatingin ako sa kan’ya. “Sumakay ka na, aking binibini, may pupuntahan tayo,” anito.
Tinulungan nga n’ya akong maka-akyat sa kabayo bago siya sumunod na sumakay. Pinalo n’ya ang katawan ng kabayo at nagsimula kaming tumakbo. Naiwang nakauwang at gulat na gulat si Hiyas sa sinabi at sa ginawa sa kan’ya ni Uno habang ang mga kaibigan ko naman ay nakangiti sa amin habang kumakaway sa min.
“Hindi ka ba papagalitan? Umalis ka ng hindi pa tapos ang programa?” tanong ko ng nakalayo-layo na kami sa lugar. Binagalan n’ya ang pagpapatakbo sa kabayo hanggang sa huminto na ito sa kalagitnaan ng daan.
Gamit ang isa n’yang libreng kamay ay pinalihis n’ya ang mukha ko at inilapit sa kan’ya muli n’yang nilapatan ng halik ang aking noo. “Pasensya na kung kailangan mo pang marinig at mapagdaanan ang pang-aalipustang ‘yon ni Hiyas."
Ngumiti ako sa kan’ya. “Ngunit hindi mo naman sinagot ang aking tanong, ayos lamang ba na umalis tayo?” pag-uulit ko ng aking tanong.
“Abala na sila kaya hindi na nila mapapansin na wala na pala roon. Mas importante at mas maganda ang pupuntahin nating ito,” iyon ang huli n’yang wika bago muling pinatakbo ang sinasakyan naming kabayo.
Nakatingin lamang ako sa dinadaanan namin nagbabakasaling alam ko ngunit hindi na naman. Bago na naman ang daang aming tinatahak na ito.
Ngayon lang din naman ako nakaramdam ng kirot sa pinagsasabi sa kin ni Hiyas kanina. Mabuti na lamang at hindi ako naiyak o nabiyak ang aking boses n’ong narinig ko ang pangalang ni inay matapos ‘yong sabihin ni Hiyas. Sa totoo kasi ay sa paglipas ng mga araw dito ay mas lalo akong nangulila sa aking Inay Pilar. Kamusta na kaya siya? Sana talaga ay maayos lamang siya at hindi siya magkasakit dahil wala siyang kasama roon at walang mag-aalalaga sa kan’ya.
“Ha!” anang ni Uno kaya mas lalog bumalis ang pagtakbo ng kabayong aming sinasakyan at pagbalik ko sa realidad.
“Saan ba kasi tayo pupunta? Nasaan na ang lugar na ito?” tanong ko sa kan’ya. Ngunit tumawa lamang siya ng mahina.
“Sa lugar kung saan ako lang ang nakakaalam,” sagot naman n’ya kaya napa-iling ako.
“Mukhang wala ka namang planong sabihin sa kin kung saan tayo pupunta, eh!” pagrereklamo kong mas nagpatawa pa sa kan’ya. Parang kanina lang galit na galit pa siya kay Hiyas ngayon naman patawa-tawa na siya. Naku!
“Maghintay ka na lamang kasi, malapit na rin naman tayo roon.”
Hindi na ako nagsalita at nanatili na lamang na tahimik habang pinipigilan ang sarili kong lamigin dahil sa malamig na samyo ng hangin na tumatama sa mukha at sa katawan ko. Mabuti na lang talaga at medyo makapal ang suot kung saya.
“Sabi ko naman sa ‘yo malapit na tayo,” anang ni Uno ng unti-unti ng bumagal at pagpapatakbo n’ya sa kan’yang kabayo. Tuluyan itong tumigil at tumambad sa akin ang parte ng kagubatan na kulay-dalandan may maliit pang kubo sa hindi kalayuan at may isang malaking tela na nakalatag kung saan may nakahanda pang bulaklak at mga pagkain.
“Hinanda mo ‘to?” ani ko ng inunahan n’ya ako sa paglalakad at agad n’yang ibinigay sa akin sang bulaklak, isa iyong kumpol ng mga pulang rosas.
“Hmm. Para sa ‘yo. Ah! Meron pa pala,” anito atsaka may kinuhang pabilog na kordon at may nakasulat doong ‘Reyna ni Uno’.
“Pfft! Ano naman ‘to? Sinong naka-isip ng bagay na ito?” natatawa at hindi ko makapaniwalang saad. Napahilamos siya ng kan’yang pisngi at nagsimula na ring matawa.
“Sabi kasi ni Dos gusto raw ng mga kababaehan ang ganitong uri ng bagay. Hindi ko naman alam kung totoo dahil hindi naman ako nagtangkang manligaw noon kaya naniwala na lang ako. Ngunit mukhang ngayon alam ko na ang sagot, hindi ko talaga dapat pagkatiwalaan si Dos,” anito at aalisin na sana sa pagkakasuot sa kin ang kurdon ngunit pinigilan ko.
“Nagustuhan ko,” nakangiti kong saad. Kaya napangiti rin siya lalo.
“Umupo na tayo? Mukhang gutom ka na rin,” anito kaya tumango ako at na-upo ng maayos sa telang nakalatag sa lupa.
Nagsimula akong kumuha n’ong mansanas at iyon ang una kong kinagat. “Sa ‘yo rin ba ang bahay kubo na iyan?”
“Ah, oo. Minsan kasi ay dito ako natutulog.”
“Talaga?! Bakit naman? Ang ganda at ang laki ng kuwarto at bahay mo, ah! Bakit ka nagtitiis d’yan?”
“Minsan kasi kapag nanatili ako sa bahay namin ay mas naalala ko sina ama at inay. Kaya minsan minamabuti ko na lamang na umalis upang malinaw ang aking pag-iisip.”
“Alam mo alam ko kung gaano kahirap na mawalan ng mga magulang ako nga n’ong nawala ang aking ama ramdam na ramdam ko ang kakulangan sa buhay ko. Ang daming mga bagay na mas magagawa sana kung nandito at buhay pa si ama. Mga bagay na siya lamang ang makakapuno. Kaya ako ay nagagalak na ang tapang mong bampira dahil nakaya mong manatiling maging matatag. Dati sa tuwing nangungulila ako sa aking ama alam mo bang gumagawa ako ng napakaraming papel na barko tapos pupunta ako sa ilog na malapit sa amin tapos ipapaanod ko ‘yon? Tapos! Pfft! Natatawa na lang talaga ako sa tuwing naalala ko ang mga ginagawa ko noon.”
Nakangiti siya sa king nagtanong habang kumakain na rin siya ng mansanas. “Bakit? Ano bang pinaggawa mo?”
“Kasi ‘yong papel na ginagawa kong barko ay sinusulatan ko ng lahat ng gusto kong sabihin kay ama. Ang laki talaga ng paniniwala ko roon na kapag pinaanod ko ang papel na barko na iyon ay mababasa iyon ng aking ama. Pero ngayon kapag naalala ko iyon mas natatawa ako sa sarili ko kasi bakit hindi ko naisip na kapag nabasa ‘yong papel ay paano pa ‘yon mababasa ni ama. Ang lakas lang ng imahinasiyon ko minsan kaya pati ang mga bagay na halata namang palpak ay hindi ko pa napapansin,” natatawa kong pagsasadula.
Natahimik siya habang nakangiting nakatingin sa kin kaya binalingan ko rin siya. “Ikaw ba? Anong ginagawa mo kapag nalulungkot ka at nangungulila sa iyong mga magulang?”
Nilunok n’ya muna ang kinakain n’ya atsaka umupo ng maayos. “Gumagawa rin ako ng papel na eroplano. Iyon ‘yong umpisa kaya natuklasan ko ang lugar na ito. Ilang araw din kasi noon na mas pinili ko na lamang na magkulong sa aking kuwarto at magsulat na lamang nang magsulat ng mga nais kong itanong, sabihin, gawin at pabilhin sa mga magulang ko. Mahilig kasi kaming maglarong tatlo n’on, nagpapataasan kami ng lipad ng gawa naming eroplano kaya naisip ko na baka pwede ko rin iyon gawin upang maipaabot ko ang mga sulat ko sa kanila sa kalangitan,” pagkukuwento n’ya rin kaya napatango ako sa kan’ya.
“Tapos?”
“Naglalakad-lakad ako n’on naghahanap ng lugar na walang kahit na sinong nakakaalam hanggang sa nakaabot ako rito. Dito ko pinapalipad ang eroplanong papel na ginagaw ako. Minsan pa nga ginagamitan ko ng kapangyarihan para mas matayog ang lipad at mas malayo ang maabot. Araw-araw ganoon ang ginagawa ko hanggang sa isang araw may natanggap akong eroplanong papel. Siguro malapit lang dito ‘yong lugar n’ong nagsusulat sabi n’ya isa siyang batang babae pero nagpapasalamat ako sa batang iyon dahil sa kan’ya unti-unti kong natutunan na makihalubilo ulit.”
“Dapat pala pasalamatan mo ‘yon! Siguro ay ibinigay talaga sa ‘yo ‘yon ng tadhana para tulungan ka.”
“Nakatago pa nga lahat ng sulat n’ya d’yan sa loob ng bahay kubo. Kapag nalulungkot ako tapos nag-iisa ako rito binabasa ko ‘yon ulit kahit nga ngayon minsan ginagawa ko pa rin ‘yon buti na lang at dumating kana kaya ngayon hindi ko na kailangang pagtiisan na basahin ang sulat n’yang uutal-utal pa,” natawa pa siya kaya napatawa rin ako.
“Bata nga ‘di ba! Magulat ka kung matalino siya agad. Palibhasa kasi ikaw pinanganak na matalino agad!”
“Bakit parang galit ka? Ikaw ba ‘yong bata?”
Tadhana nga naman.