PANIMULA

362 Words
Filipinas Marso 28, 2021. HAPPINESS within yourself, kailan kaya darating ang panahon na titigilan mo na ang kakaisip kung ano ang tingin sa’yo ng ibang tao? Kailan ka kaya hindi maaapektuhan kapag sinusubukan kang hilahin pababa ng mga taong nakapaligid sa’yo? Kailan mo kaya magagamit ang kasabihang, you can’t please everybody then so be it? Kailan kaya darating ‘yong wala ka nang pakialam sa iba, ang importante ikaw, ‘yong sarili mo lang na masaya? Laman ng kabataan natin ang iba’t ibang fairytales na ngayon ay isa-isa ng isinasabuhay ng Disney ngunit alam niyo ba kung bakit sila ginawa? Kung para saan kaya sila isinulat? It is to prove to us that if you’re not happy then it’s not the ending. “A long, long time ago, there was a kind and beautiful girl named Cinderella. Cinderella was always abused by her stepmother and stepsisters. But on one fateful day, she met a wonderful prince and thus, she lived happily ever --” pagsasadula ko sa mga batang nasa aking harapan ngunit hindi pa nga ako nakakab’welo they already stopped me. “Ma’am Ina! Hindi naman po ‘yan ang sinasabi naming ikuwento ninyo eh!” singhal ni Mikay sa kin, siya ay anak ng aming labandera rito sa resort. “Eh? Ano bang gusto mong marinig, Mikay? Ayaw mo ba n’on? Cinderella?” pag-uusisa ko sa bata. “Gusto ko po ‘yong story ninyo ni sir! Gusto ko pong malaman ang ending!” Ginulo ko muna ang kanyang buhok bago ngumiti bilang tugon. Sa hindi ko inaasahang pagkakataon nahagip ng mga mata ko ang aking sariling repleksiyon, ilang dekada na ang nakalilipas ngunit walang pinagbago, mula sa hubog ng aking katawan at mukha pati na rin ang aking minamahal, siya at siya pa rin talaga. --------------- This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD