IKA-LABING DALAWANG KABANATA

3478 Words
           “NANDITO na tayo, maari ka na ring magpahinga, salamat sa masarap na hapunan!” nakangiti kong saad noong tumigil kami sa harapan ng gusali ng aming silid pahingahan.            “Umakyat kana at pumasok, gusto kong nakikita kang nasa loob na para sigurado akong ligtas ka,” aniya kaya napayuko ako habang parang timang na ngingiti-ngiti.            “Sigurado ka ba? Pero wala naman ng magtatangka sa kin dito, ilang hakbang na lang at nasa loob na ako,” nahihiya kong banggit habang parang uod na hindi mapakali sa aking kinakatayuan.            “Ina, sige na. Hindi ako aalis dito hanggang hindi ka nakakapasok,” seryoso niyang ani na animo’y si Inay Pilar na nais akong pasunurin. Napabuntong-hininga ako bago sa kan’ya tumingin.            “Sige, mauuna na ako. Salamat sa muli at mag-iingat ka sa iyong pag-uwi,” wika ko. Nakapamulsahan ito habang nakatayo ng tuwid at pinagmamasdan ang susunod kong galaw. Tumango siya kaya labag man sa aking loob ay humakbang ako sa hagdan.            Pagkatapak ko sa unang baitang ay nilingon ko siyang muli. Palipat-lipat ang tingin ko sa kan’ya at sa nilalakaran ko hanggang sa nakatatlong hakbang na ako n’ong maramdaman kong humakbang si Uno palapit sa akin at hilahin ang kanan kong kamay pabalik sa kan’ya. Napapikit ako n’ong maramdaman ko ang pagbagsak ko ngunit yinakap n’ya lang pala ako.            “Makakatulog na ako ng mahimbing,” bulong n’ya sa aking tenga. Napamulat na ako at doon ko na lamang napagtanto na muli na akong nasa baba ng munting hagdan na paakyat ng aming silid pahingahan.            “Ah, eh,” atubili kong tugon bago n’ya ako binitawan.            “Salamat din sa araw na ito,” nakangiti n’yang saad at ibinalik ang kan’yang dalawang kamay sa magkabilaan n’yang bulsa.            “Mauuna na ako,” ngiti ko sa kan’ya. Ngayon hindi ko na siya nililingon ngunit siya naman itong sinabayan ako sa pag-akyat.            “Bakit ka pa sumunod? Dapat ay nagsimula ka na ring maglakad pabalik,” saad ko noong nasa harapan na kami ng aming pinto. Nakatalikod na ako sa mismo naming pintuan. Mukhang nasa loob na rin naman si Virginia.            “Hindi ko naman kailangang maglakad pa,” aniya. Nga naman! Bampira ‘yang kausap mo, Pilipina. Baka nakakalimutan mo.            “Sabi ko nga at bampira ka. Oh, siya, ako ay papasok na,” pagpapaalam ko sa hindi ko na alam kung pang-ilang pagkakataon. Pipihitin ko na sana ang hamba ng pinto ng may bigla namang bumukas ng aming pinto mula sa loob. Mas malakas siya sa kin kaya nadala n’ya ako na siyang nagpa-atras sa kin patungo kay Uno.            Nanlaki ang mga mata ko at napa-uwang ako ng aking bibig ng maramdaman kong dikit na dikit ang katawan namin sa isa’t isa. Sa kakamadaling makalayo sa kan’ya ay wala akong pakundangang pumaharap na parang maling posisyon pa rin naman dahil mas dumikit ang aming mga katawan at nararamdaman ko na ang paghinga n’ya. Sa hindi ko malamang dahiln ay naitaas ko ang aking mga mata habang siya naman ay nakatingin sa kin sa baba. Ilang pulgada na lamang ang naging pagitan ng aming mga mukha n’ong ginalaw ni Uno ang kan’yang mukha pababa rin sa aking mukha habang diretsong nakatingin sa aking mga labi.            Ha-halikan n’ya ba ako? Diyos ko po, Panginoong mahabagin! Isusuko ko na po ba…             Ang aking labi!             Mas lalo n’yang inilapit ang kan’yang mukha sa akin hanggang sa isang pulgada, kalahati sa isang pulgada, ayan na!            “Binibini! Nandiyan na pa-la po ka-kayo,” nauutal na saad ni Virginia habang nakatingin sa aming posisyon. Agad kong iniwas ang aking mukha kay Uno at humakbang papalayo sa kan’ya.            Tumikham ako habang inaayos ang aking saya at ngumiti kay Virginia.            “Ah, oo! Kakarating lang din namin, halikana, Virginia, pasok na tayo,” dali-dali kong hinila ang mga kamay ni Virginia bago nginitian si Uno at mabilisang pumasok sa aming silid pahingahan.            Hay!   Dos’ POV               “Pinsan, muntik na sana! Naging bato pa, buti na lang talaga at guwapo kong nilalang,” bulong ko kay Uno matapos isinira ni Pilipina ang pinto ng kanilang silid pahingahan.            “Tangina mo, gago!” naninigas ang bagang ni Unong winika bago ako tinalikuran at pumailanlan.            Hindi kasi nakahalik ang gago, mataas ang presiyon!            “Kunting-kunti na lang sana, pinsan! Dapat kasi tinuklaw mo na agad!” pahabol ko pa.            “Tigilan mo ako, Dos,” inis n’yang sambit.            “Ano? Parusahan na ba natin ‘yong Alegria? Sinira diskarte mo, pinsan!” dugtong ko na naman.            “Dos, isa pa,” muli n’yang pagbabanta.            “Pinsan, diskarte mo kasi bulok!” saad ko na sinundan ng tawa ko hanggang sa na-ubo na lang ako dahil sa sakit ng tiyan dala ng walang humpay na halakhak.            “Mabulunan ka sana at matuluyan, gago!” pahabol ni Unong nakangisi na ngayon bago nawala.            “Hoy! Teka, hintay naman, pinsan!” hiyaw ko sa hangin.            “Gagong ‘yon gusto pa yatang mabawasan ang guwapong bampira, pwe!”   Virginia’s POV                 “Uy, binibini! Ano ‘yong nakita ko po, ha? Eh! Kayo po ha!” panunukso ko kay Binibining Ina na napasandal na lamang ngayon sa pintuan namin habang hinahabol ang hininga.             “Anong? Ano? Wala ‘yon!” pagtatanggi n’ya ng mahimas-masan siya at naglakad pa-upo sa kan’yang higaan na nasa tabi lamang ng aking kinatatayuan ngayon.            “Wala nga po ba, binibini? Eh? Ano po ang ibig sabihin n’yang nangangamatis mong pisngi?” muli kong tukso. Dali-dali naman n’ya itong hinawakan gamit ng kan’yang dalawang palad.            “Nasaan?! Namumula na naman ba? Ano kasi maalinsangan sa labas, oo!” aniya habang nagmamadaling hanapin ang salamin sa kan’yang aparador at tignan ang kan’yang mukha.            “Saan ang namumula, Virginia? Wala naman ah!” aniya habang tinatapik-tapik pa ang magkabila n’yang pisngi.            “Binibini, hindi po ‘yan mawawala ng basta-basta, sabi mo nga po hindi ba? Huwag ipilit ang ayaw,” mapanundyo kong ani habang nakangiti.            “Hay! Ikaw naman kasi Virginia! Bakit ka labas ng labas, hindi mo ba alam na baka may tao o bampira tapos matamaan mo!” daing nito habang abala pa ring tinitignan ang kan’yang mga pisngi.            “Hahahaha! Bakit parang naging kasalanan ko pa po, binibini? Ayaw mo po n’on? Muntik na po kayong maghalikan ni Uno!” muli kong tukso sa kan’ya.            “Ahhhh! Muntikan na nga kaming maghalikan! Ahhhh!” bulalas nito habang nagpagulong-gulong sa kan’yang higaan.            Ginang Elizabeth, ang anak n’yo po may hinahalikan na.   Pilipina’s POV               Magulong buhok, maitim na ilalim ng mata at hikab ng hikab. Gan’yan ako ngayon habang naglalakad kami ni Virginia papunta sa aming silid aralan.             Ewan ko ba, pero hindi ako nakatulog ng maayos, naman kasi! Bakit naman kasi ganoon si Uno! Kasalanan n’ya ‘to! Hindi n’ya tinuloy ‘yong halik ay este! Binalak n’yang halikan ako.             Tamad na tamad akong umupo sa aking upuan at inaayos ang aking mga aklat sa ilalim ng aking upuan.             “Hindi ka po ba nakatulog ng mahimbing kagabi, binibini?” tanong ni Virginia n’ong mas pinili kong ipatong ang aking kamay sa mesa ng aking silya at doon inihiga’t ipahinga ang aking ulo.             “Hindi, eh, nakakabagot nga. Palipat-lipat na ako ng posisyon ngunit ayaw pa rin,” daing ko.            “Naku, binibini, paano ba ‘yan? Ang atin pa namang asignatura ngayon ay patungkol sa mga pelikula. Sigurado akong may ipapanood na sine sa tin si maestro, baka makatulog ka po, ayaw pa naman n’on na tinutulogan siya ng kan’yang estudyante,” ani ni Virginia na nagpabalikwas sa kin.            “Talaga ba? Naku! Patay na ako nito,” atubili kong sagot bago muling ihiga ang aking ulo sa aking kamay.            Hindi na nasundan ang aming pag-uusap ni Virginia dahil sinubukan kong ipikit kahit sandali ang aking mga mata.  Ngunit bigla namang umingay ang labas ng aming silid aralan.            Bakit naman ang ingay? May gustong maka-idlip, oh! Kintal ng aking isipan.            “Binibini? Bakante ba ang silyang ito?” tanong ng isa kong kamag-aral, itinaas ko ang aking mukha atsaka siya tinanguan.            “Maari po bang tumabi ako sa inyo?” aniya.            “Oo naman, walang problema,” nakangiti kong tugon. Naghilamos ako gamit ang aking mga palad atsaka inayos ang aking buhok. Minasahe-masahe ko ang aking mukha upang tuluyang magising.            “Si Uno! Parating!” dinig kong sigaw mula sa labas. Hindi ko na iyon pinagtuonan pa ng pansin dahil baka nadaan lang naman siya. Mas malaki ang magiging problema ko kapag hindi ko nagawang gisingin ang aking diwa, lagot na lagot ako sa aming maestro.            “Binibini, si Uno raw po, oh!” tukso ng katabi kong si Virginia kaya nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.            “Ano naman ngayon?” natatawa kong daing.            “Naku, binibini! Huwag mo na pong ipagkaila na ikaw ay nagagalak kapag narinig mo ang ngalan ng Panginoong Uno,” dugtong n’ya pa sa kan’yang panunukso.            “Ay naku, Virginia! Ako ay iyong tigilan na sa kakatukso,” anang ko sa kan’ya.            Biglang nagkagulo ang aming mga kamag-aral ng biglang pumasok si Uno sa aming silid aralan. Dire-diretso siya sa puwesto ko na animo’y siya ang batas at lahat ng gusto n’ya ay masusunod na lamang.            “Anong ginagawa ni Uno rito? / Sila na kaya ni Ina? / Bakit kaya naririto si Uno? / Kamag-aral na ba natin si Uno? / Hala! Ang guwapo talaga ni Uno!” dinig kong iba’t ibang komento ng mga kamag-aral ko.            Tumigil si Uno sa harapan ng lalaking naka-upo sa silyang nasa tabi ko.            “Alis,” seryoso n’yang anas sa lalaki na ngayon ay nakatingala na sa kan’ya.            “P-po?” sagot n’ong kaawa-awang lalaki na nagpaalam pa sa kin kanina kung pwede siyang umupo.            “Ikaw. Umalis ka d’yan, uupo ako,” sa muli seryoso si Uno at halos naninigas na ang kan’yang bagang.            “Bakit mo ba siya pinapaalis? Wala namang naka-upo diyan eh,” singgit ko na sa kanilang usapan.            “Uupo ako, bakit, ayaw mo?” baling n’ya sa kin.            “Teka, bakit ka naman galit? Kalmahan mo nga bagang mo, Uno,” balik kong sagot sa kan’ya bago ko binalingan ang katabi kong hindi ko alam ang ngalan.            “Ah? Maari bang lumipat ka na lamang ng upuan? Hindi ko kasi alam na may bampirang mainit ang ulo ang bigla-bigla na lang susulpot dito at makiki-upo, salamat,” mahinahon kong wika sa katabi ko.            “Ah, sige po, pasensiya na po, Uno,” huling saad bago binitbit ang mga kagamitan n’ya at lumipat ng upuan.            “Tsk, aalis din naman pala,” anito. Bago inub-ob ang ulo sa dalawa n’yang balikat na ipinuwesto n’ya sa mesa upang makahiga siya ng maayos.            “Ayos ka lang ba?” pabulong kong tanong habang ang mga mata ay nakatingin sa aming mga kamag-aral na gulat na gulat pa rin dahil nandirito si Uno sa aming silid aralan.            “Ayos naman,” bahaw n’yang tugon sa kin.            “Parang hindi naman, mainit yata ulo mo? May nangyari ba?” muli kong tanong sa kan’ya.            “Wala,” tipid nitong sagot.            “May nangyari nga, siya nga pala bakit ka naririto? Wala ka bang klase?” muli kong tanong sa kan’ya. Ngunit hindi na siya nakasagot pa n’ong pumasok ang aming maestro at agad natuon ang atensiyon kay Uno na nanatili sa puwesto n’ya kanina.            “Uno, may maestro na,” bulong ko sa kan’ya, hindi naman na siya umangal pa at umayos na lamang ng upo.            “Panginoong Uno, tama ba ang balita kong nagpalipat ka sa klaseng ito?” panimula n’ong aming maestro.            “Nag-nagpalipat?” gulat na gulat kong ani.            “Nagpalipat, binibini. Simula sa araw na ito si Panginoong Uno ay magiging kamag-aral n’yo na,” nakangiting ani ng aming maestro at maingat na n’yang pinuwesto ang maliit na telebisyon sa aming harapan.            “Nagpalipat ka?” baling kong tanong sa katabi ko, binaling n’ya ang kalahati ng kan’yang mukha sa kin atsaka tumango.            “Pero bakit?” bulong kong muli.            “Lumapit kayo sa harapan upang makita n’yo ng maigi ang aking ipapalabas, pagkatapos ng sine na ito ay gagawa kayo ng inyong repleksiyon kung ano ang natutunan ninyo sa sine,” panimula ng aming maestro. Nagkumahog naman ang iba naming mga kamag-aral sa likod na lumapit sa harapan. Meron na sumalampak na lamang sa sahig upang magkaroon ng magandang puwesto.            “Bakit nga kasi?” muli kong bulong kay Uno.            “Gusto kitang makasama, bakit? Masama?” napa-iling ako sa naging sagot n’ya.            “Ang dami mo talagang alam,” nanahimik na kaming dalawa n’ong mag-umpisa na ang pinapalabas.            Tungkol sa isang babaeng nalulong sa bisyo ang naging sine. Nakababagot siya lalo na at napakahina ng mga boses na animo’y iniimbetahan ako upang lalong makatulog. Paulit-ulit kong minamasahe ang aking pisngi upang manatiling nakamulat nang maramdaman kong mas nilapit ni Uno ang kan’yang silya sa akin. Ipinulupot n’ya sa aking kamay ang kan’yang mga kamay.            “Uno, ano ba?” daing ko habang sinusubukang tanggalin ang pagkakahawak n’ya sa aking mga daliri ngunit mas malakas siya kaysa sa kin. Si Virginia naman na natiling nakangiti habang pinagmamasdan kami.            Wala na akong nagawa pa ng kusa ng pinahilis ni Uno ang ka’yang ulo sa aking balikat. Mukhang baliktad pa yata ang nangyari, isip ko. Hindi ba at dapat ako ang gagawa sa kan’ya n’yan?            Hindi na ako umimik pa at mas minabuting ituon ang aking atensiyon sa aming pinapanood na sine. Inayos ko na lamang ang aking pagkaka-upo upang kahit papaano ay hindi naman manakit ang leeg ng isang ito.            Ilang minuto pa ang lumipas at hindi pa nga kami nangangalahati ng maramdaman kong tahimik si Uno na nakahilig ang ulo sa balikat ko. Maingat ko siyang tinignan gamit ang aking mga mata at doon ko napagtanto na nakatulog na pala siya.            “Nakatulog siya, Virginia,” bulong ko sa aking katabi. Tinignan siya ni Virginia at pasimpleng ibinalik ang atensiyon sa aming pinapanood na sine.            “Baka tulad mo po, binibini, ay hindi rin siya nakapagpahinga kagabi ng maayos,” natatawang wika ni Virginia kaya mahina kong pinalo ang mga kamay n’ya.            “Virginia, naman eh!” daing ko pa. Nakuha n’ya pang manukso.            Nahagip ng aking mga mata ang mga kamay naming nanatiling magkahawak pa rin hanggang sa nadapo ang aking tingin sa kan’yang mga labi, sa kan’yang matangos na ilong hanggang sa kan’yang mahahabang pilik mata.             Napansin kong may mga nakakalat na mumunting hibla ng kan’yang buhok sa mukha nito kaya maingat ko iyong inayos.            “Napagod ka yata ng lubos,” bulong ko.            Hinayaan ko na lamang si Uno at mas minabuting intindihin ang sine dahil baka wala akong ipasang aktibidad sa maestro mamaya. Ilang oras din ang tinagal ng sine at saktong natapos ito noong ganap na ring tanghalian pero itong katabi ko ay mahimbing pa rin ang tulog.            “Binibini, paano po kayo? Gigisingin na po ba natin si Panginoong Uno?” tanong ni Virginia kaya umiling ako.            “Mauna ka na lamang sa kantina, Virginia, hihintayin ko na lamang siyang magising,” ani ko. Konsensiya ko pa kung naistorbo ko ang tulog n’ya, mukha kasing kailangan n’ya ng pahinga.            “Sige po, binibini, mauuna na po ako ha? Pasensiya na po, gutom na po talaga ako,” natatawang sambit ni Virginia habang hawak-hawak pa ang kan’yang tiyan. Nakangiti akong tumango sa kan’ya hanggang sa mabilis nga siyang nakalabas ng aming silid aralan.            Unti-unti na ring naubos ang mga kamag-aral ko habang pinapasadahan pa kami ng tingin ng tulog na si Uno. Hanggang sa natahimik na lamang ang paligid dahil ako na lamang at itong tulog na tulog na si Uno ang natira rito.            “Anong nangyari sa ‘yo? Ang himbing naman yata ng tulog mo,” bulong ko habang inaayos pa ang mga hibla ng kan’yang buhok.            “Ang ganda ng kulay ng buhok mo, bagay na bagay sa ‘yo, hindi na ako magtataka kong maraming gustong pumatay sa akin sa kani-kanilang mga utak,” natatawa kong bulong.            “Tulad ko rin ba ay hindi ka rin nakatulog ng maayos? Ayan kasi! Bakit mo kasi ako muntik na mahalikan? Pero hindi! Kasalanan ito ng pintuan kung hindi siya binuksan ni Virginia hindi naman tayo magkakalapit eh!” muli kong bulong habang maingat pa ring inilalagay sa gilid ng ang mga mumunting buhok.            “Ay! Hala, saan nanggaling itong balahibo na nasa labi mo? Kunin ko lamang ha? Huwag kang gumalaw at baka magkahalikan na tayo ng tuluyan,” ani ko matapos kong maingat na inilapit ang aking mukha at mga daliri upang kunin ‘yong ligaw na balahibo. Nakuha ko naman ng maayos pero bigla na lamang minulat ni Uno ang kan’yang mga mata, nanlaki ang mga mata ko bago ko siya mahinang naitulak palayo sa kin.            “Sabihin mo na lamang kung gusto mo ng halik, aking binibini, hindi ko naman ipagkakait ‘yon sa ‘yo,” pilyo n’yang saad atsaka nag-ayos ng sarili.            “Ano ka sinusuwerte? Hindi pa nga tayo eh!” protesta ko naman.            “Pfft! Nasaan na ang mga kamag-aral natin? Bakit wala na?” aniya habang nililibot pa ang kan’yang paningin sa aming silid aralan.            “Wala na, kumain na sila,” simple kong sagot at nag-umpisang magligpit ng mga gamit pero ang daliri naming dalawa ay nanatiling magkahawak.            “Ganoon ba? Bakit hindi mo na lamang ako ginising? Matagal na ba akong nakatulog?” sunod-sunod n’yang tanong.            “Mahimbing tulog mo eh, kaya hindi na kita ginising. Oo, matagal naman. Halos tatlong oras,” sagot ko.            “Tatlong oras? ‘Yon na yata pinakamatagal kong tulog,” bulong n’ya. Pero pasensiya siya dahil matalas pa ang aking pandinig.            “Pinakamatagal? Bakit naman? Hindi ka ba nakakatulog ng maayos?” usisa ko.            “Hindi lang talaga ako makatulog ng maayos simula n’ong yumao ang aking inay,” simple lamang ang pagkakasabi n’ya noon ngunit alam kong may laman.            “Paumanhin kung gano’n,” ani ko na lamang.            “Wala ‘yon, ano nagugutom ka na ba? Halika, kumain na tayo,” tatayo na sana ito n’ong hilahin ko siya pabalik sa upuan gamit ang kamay naming magkahawak pa rin.            Ang lambot ng mga kamay n’ya at talagang komportable ang kamay namin sa isa’t isa parang ginawa talaga para sa bawat isa.            Oh, baka naman, ako lang ang nag-iisip n’on.            “Busog pa ako, huwag mo akong alalahanin, ang pag-usapan natin ngayon ay ikaw, may problema ka ba? Mainit yata ang ulo mo kanina?” muli kong binalikan ang inasta n’ya kanina sa harap ng lalaki.            Bumuntong hininga siya bago pumaharap sa akin. “Wala naman, ang aga-aga kasi kanina ay pinagalitan na ako ni lolo at lola. Nalaman kasi nilang kasama kita kahapon kaya hindi ako nakapunta upang samahan silang lumuwas ng Intramuros at pumunta sa gobyerno ninyo,” aniya.            “Ha? Bakit mo naman kasi ginawa ‘yon? Pwede mo na lamang ipagliban ang lakad nating dalawa at sumama ka na lamang sa iyong lolo at lola,” bulalas ko naman.            Umiling ito. “Hayaan mo na ‘yon, kaya naman kasi nila sa katunayan ay wala naman akong halos partisipasyon kung sumama man ako,” sabi n’ya. Mukhang ayaw naman n’ya pag-usapan ang paksang iyon kaya hindi na ako nagpursigi pa.            mga kamay.            “Alam mo ba, hindi na ako nakatulog ng ganoon kahimbing simula n’ong yumao ang aking mga magulang,” basag n’ya ng aming katahimikan.            “Ano bang nangyari? Bakit sila namaalam?” tanong ko naman na may pag-iingat sa mga ginagamit kong kataga.            “Pinagtangkaan ng gobyerno ng Filipinas ang buhay ko. Nais nila akong patayin ngunit sa halip ay ang aking mga magulang ang napuruhan sa aksidente matapos nilang mas piliin na protektahan ako at yakapin, lalo na ng aking inay,” malungkot n’yang saad.            “Kung malakas lang sana ako noong mga araw na iyon eh ‘di sana nailigtas ko ang aking mga magulang, lalo na si inay,” aniya na may halo pang galit sa kan’yang tinig.            “Hindi ko alam ang buong kuwento ngunit baka naman nawala sila upang mas maging matapang ka, baka naman nawala sila kasi tapos na ang kanilang misyon sa mundo. Ngunit ganoon pa man ay sana makatulog ka pa rin ng mahimbing at makapahinga na ng maayos. Wala ng makakapanakit pa sa ‘yo ngayon lalo na at isa ka na sa bampirang makapangyarihan. Hindi nanaisin ng iyong mga magulang na makita kang nagkakagan’yan, hindi ka naman mag-isa nandito pa ang iyong ibang pamilya at sigurado ako ang iyong ama at inay ay nandiyan pa rin upang gabayan ka, kaya hindi ka nag-iisa,” mahaba kong paliwanag.            “Alam mo ba may nakapagsabi na rin sa kin n’yan noon, ngunit alam mo rin ba?”            “Alam ang alin?” takha kong wika.            “Na makakatulog na talaga ako ng mahimbing simula ngayon, salamat kasi nand’yan kana, alam kong hindi na ako nag-iisa.”   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD