IKA-ANIM NA KABANATA

2357 Words
           “BINIBINI!” sabay-sabay nilang tawag sa kin ng biglang nanlambot ang aking mga binti at mapadaus-dus na lamang ako ng kusa.            Mabuti na lamang at agad akong nasambot ni Sanura at na i-upo sa isang silya.            “Binibini, ayos ka lamang ba? Minerva! Tubig!” agad na bungad sa kin ni Sanura. Tumango ako sa kan’ya bilang tugon habang sapwan-sapwan ko pa ang aking noo at na nanatiling nakahawak ang kanan kong kamay sa balikat ni Sanura.            “Binibini, huwag mong masyadong pagurin ang iyong sarili sa pag-iisip. Hindi ‘yan maganda sa iyong kalusugan,” paalala naman ni Virginia.            “Ito po ang tubig mo, binibini,” pagkukuha ni Minerva sa aming atensiyon. Kinuha ko ang maligamgam na tubig atsaka iyon ininom.            Salamat sa Diyos at nahimasmasan ang pakiramdam ko.            “Kamusta, binibini? Kailangan ka ba naming dalhin sa paggamutan?” balisang tanong ni Virginia kaya umiling ako.            “Ayos lamang ako,” ani ko.            “Mas mabuti pa, binibini, ay matulog ka na lamang muna. Huwg kang mag-alala walang makapapanakit sa ‘yo,” paninigurado ni Natalia.            Lumapit sa akin si Karmila at agad nitong minasahi ang aking sintido hanggang sa hindi ko na lamang namalayan na nakatulog na ko nang mahimbing.   Dos’ POV               “Uno! Anong nangyari?” aligagang saad ni Tres ng mapansin n’yang napangiwi si Uno habang hawak-hawak ang kan’yang dibdib.             Mabilis akong lumapit sa kinauupuan ni Uno at agad na hinawakan ang kan’yang mga kamay. Isinatinig ko ang ilang engkantasyon upang mawala ang anumang sakit na kan’yang nararanasan.             “Uno, ayos ka na ba?” usisa ko pa bago binitawan ang kan’yang mga kamay. Bumuntong hininga ito nang malalim atsaka umayos ng upo at pumikit.             Nagkatinginan kami ni Tres sa naging asal ng aming pinuno. Hindi naman nagtagal n’ong muli itong nagmulat ng mata at nagsalita.             “Nanghihina siya kaya bigla rin akong nakaramdam ng p*******t ng aking dibdib. Salamat sa pagbabalik ng aking lakas, Dos,” anito.             Ang babaeng mortal ba ang tinutukoy n’ya?             “Tres, pumunta ka sa silid pahingahan nina Alegria at Amador, tignan mo kung anong sitwasyon nila roon,” utos nito.                       Ang babaeng mortal nga.            Hindi na sumagot pa si Tres sa halip at agad itong tumakbo paalis ng silid na aming kinaroroonan dahil sa angkin n’yang bilis, wala pang isang minuto ay nawala na siya sa kan’yang kinatatayuan.            “Anong meron sa mortal na ‘yon, Uno?” usisa ko sa aking pinsan.            “Ang mortal na iyong tinatawag ay may ngalan, Joaquin,” naninigas ang banggang na turan nito sa kin.            “Ni Pilipina,” labag man sa loob ay binanggit ko na lamang ang kan’yang pangalan.            “Hindi ko rin alam. Ngunit,” tumayo siya mula sa prenting pagkaka-upo.            “Ngunit?” tanong ko pa.            “Simula n’ong araw na nahulog ang loob ko sa kan’ya alam kong nagsanib na ang aming mga katawan. Isa na kaming dalawa,” seryoso nitong tugon.            “Anong ibig mong sabihin? Nilagdaan mo na siya?” ani kong hindi makapaniwala.            Hindi ko inaasahan na lubos pala siyang nahulog sa mortal na ‘yan.            “Mahal ko siya,” aniya.            “Ngunit! Alam ba ito ng lolo at lola? Magagalit ang mga iyon sa ‘yo! Lalo na at mukhang nais ka nilang ipakasal sa anak ng mga Escudero,” pagpapaliwanag ko.            “Hindi ko naman ‘yon gusto, kung gusto mo, ikaw na lamang ang magpakasal sa babaeng iyong tinutukoy,” tugon nitong akala mo ay wala man lang katakot-takot sa magiging reaksiyon ng aming mga ninuno.            “Mag-iingat ka sa iyong mga tinuturan, pinsan. Baka may makarinig sa ‘yo,” babala ko na lang.            “Hindi ako magpapakita sa kan’yang ina kung hindi ako seryoso sa nararamdaman ko para sa kan’ya, Joaquin,” matapang nitong saad. Hindi na ako nakakilos pa dahil binaggit na n’ya ang aking ngalan sa ikalawang pagkakataon, mahirap na baka paglamayan ang kaguwapuhan ko ng wala sa oras.            Tinutukoy n’ya ang aming naging lakad nitong tanghalian.   (Pagbabalik tanaw)              “Uno, pinatawag mo raw ako?” panimula ko nang makapasok ako sa tanggapan ng aming presidente.            “Sumama ka sa kin,” anito. Nalukot ang aking noo sa kan’yang mabilis na tugon.            “Saan?” pagtatanong ko na. Lalo na at naghahanda na ito upang makaalis. Hindi siya sumagot sa halip ay tumayo’t lumapit sa aking gawi.            Sa angkin n’yang katangkaran ay hindi na ako naninibugho na hanggang balikat n’ya lang ako.            Tinignan ako nang diretso sa aking mga mata bago nagbitaw ng pautos na mga kataga.            “Sumunod ka na lamang,” anas nito bago ako tapikin sa aking balikat at lagpasan.            Tahimik kaming dalawa sa loob ng kalesa hanggang sa naalarma ako n’ong binabaybay na namin ang daan palabas ng unibersidad.            “Aalis tayo? Saan tayo tutungo?” paghuhumirintado ko.            “Sa Intramuros,” sagot ni Uno.            “Maari bang malaman kung bakit?” tanong kong muli.            “Malalaman mo rin iyon mamaya, maghintay ka na lamang,” pinapatuloy n’ya ang pagbabasa ng dala-dala n’yang libro kaya hindi na ako muling umimik pa.            Si Uno ay ang aking nakakatandang pinsan. Siya ay anak ng aking Tiyo Napthali at Tiya Elizabeth ngunit maaga siyang naging ulila simula n’ong pinagtangkaan ng gobyerno ng Filipinas ang buhay ng aking pinsan lalo na at siya ang bampirang nakalimbag sa propesiyang magtataglay ng angking galing at hindi matatawarang lakas. Malamang sa takot na magapi ng aming lahi ang kanilang lahi ay minarapat nilang pagplanuhan ng masama ang aking pinsan.            Tuso ang mga mortal. Kaya hindi talaga ako sa kanila nagtitiwala.            Nanatili itong tahimik hanggang sa tumigil ang aming sinasakyang kalesa sa tapat ng maliit na bahay-kubo.            “Mukhang hinihintay na siya ng kan’yang ina,” ani ni Uno.            Sino naman?            Bumaba ang aking pinsan at agad na lumapit sa babaeng kanina pang tumitingin-tingin sa daan na animo’y may hinihintay at balisa pa.            Kilala n’ya ang ginang na iyon?            “Ginang, magandang tanghali,” bati ng aking pinsan kaya agad naman nitong nakuha ang atensiyon ng ginang. Pareho n’ya kaming sinipat bago gumuhit ang pagtataka sa kan’yang mga mukha.            Huwag kang mag-alala ginang, kapareho mo ay nagtataka rin ako.            “Magandang tanghali rin, hijo. Ano ang atin? Naliligaw ba kayo? Kailangan n’yo ba ng tamang direksiyon?” sunod-sunod na ani ng ginang.            “Sa katunayan po ay kayo talaga ang aking sadya,” sagot naman ng aking pinsan na mas lalong nagpagulo sa ekspresiyon ng ginang.            “Ha? Ngunit ngayon ko lamang kayo nakadaupang palad,” anito na papalit-palit pa ang tingin sa aming dalawa. Minabuti kong ngumiti na lamang at baka matakot pa o ‘di naman kaya’y mapagkamalan n’ya pa kaming mga manloloko.            “Ang inyong anak na si Pilipina ay aking kakilala, ginang. Maaari po ba kaming tumuloy? Mas mainam siguro kung sa loob po natin ito pag-usapan,” suhestiyon ni Uno. Mabuti pa nga at nararamdaman na ng aking mga balat ang kaalinsanganan sa paligid. Mabuti na lamang at hindi tirik na tirik ang araw kung nagkataon ay maaagaw namin ang atensiyon ng mga mortal.            “Gano’n ba, ang totoo nga n’yan ay siya rin ang aking hinihintay,” aniya.            “Huwag n’yo na po siyang hintayin pa. Naparito po kami para roon.”             Hindi ko alam kong ako lang ba ang walang kaalam-alam ngunit batay sa pananalita nitong aking pinsan ay alam na alam n’ya ang kan’yang ginagawa.            Ni hindi ko nga kilala ang ginang na ito at kung sino mang santa ang kan’yang anak.            Ano ba ‘tong pinasok ko? Tama bang naririto ako?            Para akong sumabak sa paligsahan ng takbuhan na hindi alam ang puno’t dulo ng aking tatakbuhan.            Ang importante ay mahalaga. Guwapo ko talaga.            “Ganoon ba? Pumasok na muna kayo sa loob.” Sa wakas! Akala ko’y habambuhay na lamang kaming magtatalastasan sa labas.            Pagkapasok namin sa kanilang mumunting bahay ay tahimik lang kaming umupo ni Uno sa matigas nilang upuan na gawa pa siguro sa dayami.            “Anong nais ninyo, mga ginoo? Nais n’yo ba ng maiinom? Tsaa? Tsokolate? Kape?” pagprepresinta ng ginang. Lumawak ang ngiti sa aking mga labi ng marinig ko iyon. Meron kaya silang ng paborito kong tsaa na gawa sa bulaklak ng krisantemo?             Hinihintay kong sumagot ang kasama ko, siniko ko pa siya ngunit mukhang wala siyang balak na sumagot.            “Ah, tsaa na lamang po, ginang,” kaya ako na lamang ang sumagot. Ngumiti ito bilang tugon bago kami tinalikuran.            “Tamang-tama po at nauuhaw na ako,” dugtong ko pa bago n’ya kami tuluyang iwanan.            Tahimik kaming naghihintay sa kanilang loob bahay habang ang kasama ko ay dumekuwatro na. Mukha siyang naiinip na ewan.            Buti na lamang ako at pinanganak talagang ubod ng guwapo. Ang aangal, tatamaan ng kidlat.            Lalong lumawak ang ngiti ko n’ong lumabas ang ginang mula sa kusina at may dalawang baso na bitbit, umuusok pa ito. Ngunit, teka?            Bakit mukhang walang kulay? Gano’n ba ang tsaa nila rito? Walang kulay?            “Ah, eh, mga hijo, pasensiya na naubusan na pala kami ng tsaa. Pwede bang maiinom na tubig na lamang?” Halos bumagsak ang dalawa kong balikat sa kan’yang binalita.            Kaya naman pala walang kulay, tubig lang pala talaga.            “Ha! Ha! Ha! Ayos lamang ho, ginang. Masarap po ang tubig sa panahon ngayon,” ani ko sabay kuha ng inilapag n’ya sa aming harapan na dalawang basong may tubig. Muntikan pa akong mabilaukan dahil mainit-init pa pala.            “Dahan-dahan lamang, hijo. Maligamgam ‘yan, nilagyan ko kasi ng asin upang mas lalong mapahaw ang inyong uhaw,” aniya. Asin? Uhaw?            Ginang, pwede ba magtanong? Mukha ba kaming may sakit sa paningin mo?            Magsasalita pa sana ako nang biglang tumikham si Uno. “Ah, ginang, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Kami ay galing sa tanggapan ng Unibersidad ng Maynila at ang inyong anak po ay natanggap sa aming paaralan,” diretsahang saad ng aking kasama.            “Natanggap? Sa pagkakaalam ko ay hindi naman siya…” Hindi na naituloy ng ginang ang kan’yang sasabihin pa dahil biglang ginamit ni Uno ang aking kapangyarihan na maaring makagawa ng pekeng ilusyon sa isip ng mga mortal o bampira. Kaya pala n’ya ako isinama rito.            Gumawa siya ng pekeng memorya na nag-uusap ang mag-ina at masayang kinukuwento ng kan’yang anak na nagpasa siya ng dokumento upang makapag-aral sa pangarap n’yang eskuwelahan, ang Unibersisdad ng Maynila. Ayon pa sa ginawang memorya ni Uno ay nagbibigay ng libreng pag-aaral ang aming unibersidad at hindi lang iyon dahil bibigyan pa raw ng puhunan ang pamilya ng masuwerteng mag-aaral. Na ibinibida ng dalaga na siya raw gagamitin nilang mag-ina upang makabayad sa kanilang pagkakautang sa pamilyang Enrile kapag siya ay natanggap.            Magaling, pinsan. Maari ka nang maging direktok ng pelikula.            “Ay! Oo nga pala, nabanggit ng aking anak ang tungkol sa inyong programa. Nagagalak akong nakapasa na pala ang aking anak. Kung gano’n totoo rin ba na bibigyan n’yo rin kami ng tulong pinansiyal?” ani ng ginang. Naninibago man sa kan’yang tinuran ay nanatili na lamang itong nakangiti.            “Kaya po kami naparito upang sabihin na nasa unibersidad na po namin ang inyong anak. At isusunod na rin po naming puntahan ang casa ni Ginang Enrile, nasabi po kasi sa amin ng inyong anak na may utang daw po kayo sa ginang,” ani ng aking pinsan. Ako lang yata talaga ang walang alam.            “Ah, opo, tama kayo. Ano naman ang magiging kapalit nito? Wala ba kaming babayaran ni sintimo?” tanong ng ginang.            “Wala po itong kapalit na pera. Ngunit hindi po basta-bastang makakauwi ang inyong anak. Huwag po kayong mag-alala dahil sa panahon pong siya ay makapagtapos maari na po siyang malayang makauwi rito. Kailangan n’ya rin po kasing magtrabaho para sa unibersidad, iyon na rin po kasi ang magsisilbing kabayaran ng aming pagpapaaral sa kan’ya,” mahabang paliwanag ni Uno.            Hindi ko alam na kaya n’ya palang makipagtalastasan ng gan’yan kahaba sa ibang tao. ‘Pag sa kin napakadalang lang kung hindi naman ay napaka-ikli, may kinikilingan ‘tong pinsan ko.            “Gano’n ba, ngunit paano ang kan’yang mga kasuotan at pagkain? Walang dalang kahit na ano ang aking anak, hijo,” nag-aalalang ani ng ginang.            “Huwag po kayong mag-abala pa patungkol doon. Ang unibersidad na po ang bahala. Pinapasabi po pala ng inyong anak na maayos na po ang kan’yang kalagayan sa unibersidad kung kaya’y kumain at alagaan n’yo raw po ang inyong sarili.” Matapos n’ya iyong sabihin ay may inabot siyang litrato sa ginang. Isang magandang dalaga na nakangiti at nakasuot pa ng asul na saya.            Ang ganda n’ya.            Ngunit nabigla na lamang ako n’ong magtama ang aming tingin ni Uno. Agad n’ya akong tinapunan ng masamang tingin. Anong ginawa ko?            “Akin na ‘yan, dumistansiya ka kung ayaw mo mabalian. Hindi ka sasantuhin ng kapangyarihan ko kahit pinsan pa kita,” bulong n’ya pa. Ah! Seloso.             “Ang saya tignan ng aking anak. Ngayon ko lamang siya nakitang ngumiti ng ganito katingkad,” nakuha ng nananangis na ginang ang aming atensiyon na dalawa.            “Pasensiya na kayo at ako’y naluluha. Masaya lamang akong masaya na ang aking unica hija. Kayo na ang bahala sa kan’ya. Marami pa siyang pangarap na gustong abutin,” pagsasalaysay ng ginang.            “Pangarap ko rin pong ipadala sa kan’ya ang aking apelyido,” Pffft! Ano raw? May tinatago palang katamisan sa katawan ‘tong pinsan ko.            “Ha? Ano ‘yon, hijo?” gulat na gulat na tanong ng ginang.            “Po? Wala po. Hindi na po kami magtatagal pa. Maraming salamat po.” Tumayo na si Uno kaya gano’n na rin ang ginawa ko.            “Salamat po sa mainit-init na tubig na may asin. Huwag po kayong mag-alala malusog po kami,” natatawa kong pagpapaalam.   (Pagtatapos ng pagbabalik tanaw)               Hindi na ako nagsalita pa at nanatili na lamang na walang imik nang bigla namang bumukas ang pinto ng silid at pumasok si Tres.            “Mukhang napagod lamang ang Binibining Pilipina, Uno. Ngayon ay napatulog na siya nang maayos at mahimbing ng pangkat nila Sanura,” pagbabalita nito.            Ngumiti naman ng tipid si Uno.            “Mabuti kung gano’n. Umayos na kayong dalawa at pag-uusapan na natin ang mangyayari sa nalalapit na paligsahan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD