NAALIMPUNGATAN akong madilim na sa labas. Sunod kong nakita ang lima na nagkakasayahan habang naglalaro pa ng sungka sa may mesa na aming kinakainan ni Virginia. Hindi pa pala sila nakauwi mula kanina. “Ang daya n’yo talaga! Bakit kasi hindi ako kasing talino ni Sanura! Lagi na lang namumula ang aking noo sa kakapitik ninyo!” parang batang reklamo ni Minerva bago siya isa-isang pinitik sa noo ng kan’yang mga kaibigan. Nagtatawanan sila. Ngunit mukhang kailangan ko iyong putulin kahit sandali. “Virginia, Sanura, Karmila, Minerva, at Natalia, maari ko ba kayong makausap?” untag ko. Hindi naman na nila hinintay ang aking pagpapaliwanag dahil kusa silang lumapit sa aking kinaroroonan. “Tungkol po saan, binibini?” malumanay na tanong ni Karmila

