‘Success is not final, failure is not fatal: it is the courage to continue that counts.’ – Winston Churchill -Scarlett’s POV- Nang makalabas si Amber ay kaagad naman niyang sinara ang pinto at lumapit sa akin. “For you,” nahihiyang wika niya at saka inabot sa akin ang bulaklak na hawak niya. Tinanggap ko naman ‘yon ay pinaupo ko siya para naman hindi siya nakatayo lang. “Thank you,” nakangiting sabi ko sa kanya kaya naman tumingin siya sa akin. “Thank you for saving me. Thank you for coming into my life.” Alam kong hindi sapat ang pasasalamat ko pero gusto kong malaman niya na kung hindi dahil sa kanya ay baka wala na rin ako rito. Kung hindi siya ang nakakita sa akin ay paniguradong baka kung ano na ang nagawa ko sa sarili ko. Kaya naman hindi sapat ang pasasalamat. “Ginawa ko lang

