bc

Ghosts with Me

book_age12+
114
FOLLOW
1K
READ
family
goodgirl
independent
inspirational
student
heir/heiress
drama
mystery
city
spiritual
like
intro-logo
Blurb

Scarlett Avery Carter is an orphan and a college student who’s working countless part-time for a living. Because of over-fatigue from working and lack of rest, she suddenly fainted and during her stay in the hospital, she meets three ghosts.

With that, the ghosts continue following her to her apartment and even at work. She tells the ghosts to go away and even blames them for her misfortunes.

Will she able to live just like a normal teenager even if there's a ghosts who's continuously following her?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
‘Having somewhere to go is home. Having someone to love is family. And having both is a blessing.’ -Scarlett’s POV- “Scarlett, baka gusto mo naman linisan ‘yong mga hugasin? Nakatambak na lahat sa lababo, para naman may maitulong ka sa pamamahay na ‘to,” sigaw ni Auntie Amanda sa labas. Napabuntong hininga na lang ako at saka iginilid ang mga libro ko. Katatapos ko lang maglinis kanina at hindi pa sila tapos kumain kaya naman pumasok muna ako sa kwarto para tapusin ang mga projects ko. Nang makalabas ay naabutan ko si Auntie Amanda na nakataas ang kilay habang naka-pamewang. Masama ang mga tingin niya habang papalapit ako sa pwesto niya. “Balak mo bang takasan ang mga gawain mo?” mataray na tanong nito. Umiling naman ako dahil hindi naman ‘yon ang balak ko. “Hindi pa po kasi kayo tapos kumain kanina kaya pumasok muna ako sa loob.” “Sinasabi mo ba na mabagal kaming kumain? Gano’n ba ‘yon Scarlet?” “Hindi po, auntie,” gustuhin ko man na magsalita pa ay hindi ko na ginawa dahil sasabihin niya lang na nagdadahilan ako. “Wala ka namang binibigay dito sa bahay na ‘to kaya matuto kang kumilos! Anong akala mo, pagsisilbihan ka namin? Bilisan mo at hugasan mo ‘yang mga hugasin, pagkatapos ay maglinis ka sa sala at matutulog na kami,” wika nito at dumiretso na sa kanyang kwarto. Wala naman na akong nagawa pa kaya dumiretso na ako sa kusina. Naabutan ko pa sa sala si Amber na nanonood habang kumakain ng ice cream. Napailing na lang ako habang naglalakad. Mukhang madadagdagan pa ang linisin ko mamaya. Hindi naman ako pwedeng mag-reklamo dahil tama naman si Auntie Amanda, wala naman akong nabibigay dito sa bahay at simula pagkabata ay sila na ang gumastos sa akin. Kahit na gustuhin kong mag-trabaho ay wala rin akong mapapasukan dahil wala pa ako sa legal na edad. Habang naglalakad patungong kusina ay natatanaw ko na kaagad ang tambak ng mga plato sa lababo. May dalawang kasambahay talaga rito pero nag-day off dahil may emergency sa kanila habang ang isa naman ay binisita sa ospital ang kanyang ina. Kaya naman ako rin ang kumilos at naglinis ngayong araw. May dalawang anak si Auntie Amanda pero hindi naman sila kumikilos dahil spoiled kaya lahat ng gusto ay napagbibigyan. Nagsimula na akong maghugas para naman matapos din ako kaagad. Marami rin kasing activity na iniwan kahapon kaya kailangan kong tapusin ‘yon dahil sa lunes na ang pasahan. Mabuti na lang at sabado ngayon kaya naman may mahigit isang araw pa ako para matapos ang mga ‘yon. Ngayon ay apat lang kami rito sa bahay. Hindi gano’n kayaman ang pamilya ni Auntie Amanda pero nakaluluwag naman sila kumpara sa ibang residente rito. May dalawang palapag din ang bahay at may garahe kaya naman tingin ng iba ay mayaman sila. Nasa ibang bansa ang asawa ni auntie, ofw si tito kaya naman bihira lang umuwi. Engineer siya ro’n kaya naman malaki rin ang napapadala niya rito kaya naman sa private school nag-aaral sina Amber at Aaron. Mas matanda si Aaron habang kasing edad ko lang si Amber. Ako naman ay sa public school nag-aaral, gusto ni tito na same school na lang ako kina Amber pero ako na ang umayaw dahil nakakahiya na rin naman. Isa pa, scholar naman ako kaya kahit papano ay may natatabi akong allowance. Kinupkop lang din naman kasi ako nila auntie dahil bata pa lang ako ay patay na ang mga magulang ko. Hindi ko matandaan kung anong nangyari pero sabi nila ay nagka-amnesia raw ako kaya wala akong maalala. Ang alam ko lang tungkol sa mga magulang ko ay base sa kwento nila. Ayon kay auntie, nasunog daw ang tinitirhan naming bahay, ang sanhi raw ng sunog ay naiwan na bukas ang stove. Nakaligtas daw ako dahil kaagad akong nailabas ni daddy ng bahay pagkatapos no’n ay bumalik siya sa loob para kunin sina mommy at ang kapatid ko. Pero bago pa man sila makalabas ay sumabog ang tangke ng gas kaya naman nadamay sila sa pagsabog at hindi na nakaligtas pa. Na-ospital ako no’ng bata ako at hindi ako nakapagsalita kaagad kaya naman pinagamot ako ni tito sa mga psychiatrist. Gumaling lang ako no’ng seven years old ako kasi may nakakasalamuha na akong mga bata. Simula rin no’n ay dito na ako tumira kasama sina auntie at pagkatapos ng isang taon ay pumunta nang ibang bansa si tito para ro’n mag-trabaho. Aware naman ako na hindi ako gusto nina auntie, wala lang din siyang magawa dahil kapatid niya si mommy at matalik na kaibigan ni tito ang daddy at mommy. Mas malapit ang loob ko kay tito kaya naman minsan kapag umuuwi siya ay palihim niya akong binibigyan ng allowance. Kaya naman bilang kapalit ay tumutulong ako sa mga gawaing bahay kahit na may mga kasambahay naman. Minsan ay tinutulungan ko rin sina Aaron at Amber sa mga school works nila. Grade 10 na kaming parehas ni Amber habang grade 11 naman si Aaron. Kaagad naman akong napatingin sa likuran ko ng maramdaman ko na may tao. “Hoy Scarlett, pagkatapos mo r’yan maghugas linisin mo ‘yong sala, kung hindi lagot ka kay mommy.” “Okay Amber, ako na ang bahala,” sagot ko at saka muling pinagpatuloy ang pagbabanlaw. Patapos na rin naman na akong maghugas kaya malilinisan ko ‘yon kaagad. Napansin ko naman na umakyat na siya kaya nakahinga na ako ng maluwag. Mas okay din pala kapag nandito sina Manang Lordes at Aika kasi may nakakausap ako. Sila lang din naman kasi ang nakakasundo ko rito sa bahay. Hay, matapos na nga ang mga gawain para matapos ko na rin mga school works ko. Puro activities lang naman 'yon kaya naman paniguradong matatapos ko rin ang lahat ngayong araw para naman bukas ay magbabasa na lang ako. Ang tagal ko na rin kasing hindi nakapagbasa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.2K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.0K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

His Obsession

read
74.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook