Chapter 24

2118 Words
‘Don't judge each day by the harvest you reap but by the seeds that you plant.’ – Robert Louis Stevenson -Scarlett’s POV- Naging mabilis ang paglipas ng mga araw at simula na ng bakasyon namin kaya naman nagsisimula na rin akong ayusin ang magiging plano ko ngayon. Ang original plan ko talaga ay magta-trabaho ako during vacation para mas maka-ipon din ako. Pero mukhang hindi rin naman masusunod dahil may mga pagbabago. Kailangan ko munang unahin na matupad ‘yong kahilingan nila Eleanor at Jackson. Isa pa ay ako rin ang isa sa inaasahan ni auntie na magbantay at tumingin-tingin kay Amber dahil ako lang naman ang kinakausap niya. Kinausap pa nga niya ako na dito na lang ako sa bahay para bantayan si Amber babayaran na lang niya ako pero tumanggi ako. Kapamilya ko naman sila kaya ayos lang. At saka ayoko kasing isipin ni Amber na kaya lang naman ako nakikipag-usap sa kanya ay dahil binabayaran ako ng mama niya. Minsan kapag maraming ginagawa si Manang ay ako ang sumasama sa kanila ni Auntie Amanda. Pumayag na kasi si Amber na magpatingin sa doctor, tuwing linggo rin ay pumupunta kami sa psychiatrist niya. Hindi naman nababaliw o nasisiraan ng ulo si Amber. Pero sabi ng doctor ay na-trauma siya ng dahil sa nangyari kaya naman laking pasasalamat na lang din ni auntie na pumayag magpagamot si Amber. Mabuti na lang din at naging maayos ang mga nakaraang buwan ko, pagkatapos kasi ng sunod-sunod na problema ay naging maayos na rin ang lahat. At sana ay magtuloy-tuloy. “Eleanor, nasaan ka?” tawag ko sa kanya ng makarating ako ng kusina. Ngayon kasi ang usapan namin na tutuparin ko ang kahilingan niya. Sinakto ko rin kasi sa araw na kumpleto kaming lahat para naman matikman nila ang iluluto. Sakto rin kasi may good news ako kila Auntie kaya naman sobrang excited ako ngayong araw. “Eleanor?” muling tawag ko sa kanya. Hindi ko pa siya nakikita pero alam ko na naririnig naman niya ako. At ilang segundo lang din ay nagpakita na siya sa akin. Nitong mga nakaraang araw napapansin ko na para bang pagaan nang pagaan ang loob ko sa kanya. Saka ang weird lang kasi parang nakakaramdam ako ng familiarity sa kanya. Na para bang matagal ko na siyang kakilala kaya naman sobrang komportable ko kapag kasama ko siya. “Scarlett?” pagkuha niya sa atensyon ko kaya naman kaagad akong napatingin sa kanya. Masyado na naman akong nalulunod sa mga iniisip ko. Kaya tuloy minsan ay pakiramdam ko ang lutang ko dahil ang dami kong iniisip. ‘Yong mga gusto ko ring sabihin ay minsan naiiwan lang sa isip ko at hindi ko na nasasabi. “Mukhang maganda ang araw mo,” panimula niya kaya ngumiti lang ako. “Simulan na natin,” she said at nagsimula na kaming magluto. Ang weird lang kasi hindi naman siya totally nakasapi sa akin pero ‘yong mga kinikilos ko ngayon ay base sa gusto niyang gawin. Hindi naman kasi talaga ako marunong magluto kaya naman kapag nakikita ako ni Manang o kaya ni auntie na nagluluto ay nagugulat sila na parang ang dami kong alam. Ito kasi ang pangalawang pagkakataon na magluluto si Eleanor gamit ang katawan ko. Pero ewan ko ba kay auntie, sa tuwing magluluto si Eleanor ay enjoy na enjoy siya sa pagkain, tapos parang naluluha pa siya. Ewan, ang weird lang. Pero mabuti na rin ‘yon dahil ganadong kumain si Auntie Amanda kapag gano’n. Habang isa-isa kong hinahanda ang mga sangkap na kailangan ay tinatandaan ko rin ito. Gusto ko rin kasing matuto talagang magluto para naman hindi puro de lata o noodles ang kinakain ko. Pansin ko kasi na mas makakatipid din talaga kapag nagluluto ng ganitong ulam dahil pwedeng umabot ng ilang araw. At dahil may gusto akong i-celebrate ay nagsabi na ako kay Eleanor ng mga putahe na gusto kong iluto sana ngayong araw, mabuti na lang din at alam niyo ‘yong mga putahe na ‘yon kaya naman gusto kong matutunan. Nagsabi na rin pala ako kay Auntie Amanda kahapon kung pwede akong mag-celebrate. Dean’s lister ulit kasi ako this semester kaya naman gusto ko siyang i-celebrate. No’ng mga nakaraang semester kasi ay hindi ako nakakapag-celebrate dahil mag-isa lang din naman ako. Pero kapag may pera naman ako kumakain ako sa fast food kaya ayos na rin sa akin. Kaya naman ngayon ay hindi mapagsidlan ‘yong saya na nararamdaman ko. Mabuti nga rin at pumayag si auntie na maghanda ako, sinabi ko rin naman kasi sa kanya na ako nang bahala sa mga sangkap kaya kahapon pa lang ay nagpasa na ako kay Manang na mamalengke. Pero dahil makulit si auntie ay nagbigay pa rin siya ng pera pamalengke. Tinanggap ko na lang din dahil pumayag naman siya na magluto ako. Isa pa ay may surprise talaga ako sa kanila ni Aaron. Kaya double celebration din ang mangyayari. “Scarlett, gusto mo bang tulungan kita?” narinig kong sabi ni Aika kaya naman tumango ako. Kailangan ko rin kasi ng tulong dahil medyo marami rin pala ‘yong lulutuin. Matapos maihanda ang mga sagkapa ay nagsimula na kaming linisin at hiwain ang mga ‘yon para naman kapag nagsimulang magluto ay madali na lang. Habang abala si Aika sa paghihiwa ng mga sangkap ay una ko nang hinanda ang noodles na gagamitin para sa lasagna. Gusto ko kasi talagang matutong magluto nito kaya naman nag-search pa ako ng mga pagkain na pwedeng ihanda for small celebrations. “For this recipe, we are essentially making a thick, meaty tomato sauce and layering that with noodles and cheese into a casserole,” paliwanag ni Eleanor habang inaayos ang mga sangkap. “Let’s start by making the sauce.” At inilatag ko na ang mga sangkap na kailangan sa paggawa ng sauce. Ang galing. Hindi ko maiwasang ma-amaze sa sitwasyon namin ni Eleanor ngayon. Paano ba naman kasi, kahit na nakakausap ko siya ay ‘yong katawan ko ay parang may sariling buhay na kumikilos. Kung titignan tuloy ay para bang bihisang-bihasa akong magluto kahit hindi naman talaga. “First, cook the sausage, ground beef, onion, and garlic over medium heat until well browned. And then, stir in crushed tomatoes, tomato paste, tomato sauce, and water,” paliwanag niya na kaagad ko namang ginagawa. Dapat pala ay sinusulat ko ang mga sinasabi niya o kaya ay nire-record para pwede kong maaral ulit. “Aika, pakuha naman ng kaserola, please,” utos ko sa kanya habang inaayos ko ang lasagna noodles na gagamitin. Matapos magpakulo ng tubig ay nilagay ko na ang noodles at saka ko sinimulan ang paggawa pa ng toppings. Ngayon ko lang na-realize na medyo ma-trabaho nga pala ang pagluluto. Pero fulfilling naman siya sa pakiramdam kapag nagustuhan at nasarapan naman sila sa niluluto mo. Sunod naman na hinanda ko ang mga cheese. Mukhang kailangan kong damihan dahil mahilig silang lahat sa cheese. Mukhang nasa lahi na ata namin ang mahilig sa cheese. For the cheese, I’m using ricotta, shredded mozzarella, and parmesan. Ito na ang una naming niluto dahil medyo ma-trabaho siya. Mabuti na lang at tinutulungan ako ni Aika. Nang maluto ang lasagna noodles ay sinumulan ko nang ayusin ito. Yay! This is my favorite part. Kapag nanonood kasi ako ng mga recipe videos regarding this ay parang ang satisfying ng pagle-layer ng noodles and sauces. Buti na lang pala may magagandang lagayan si auntie. Nang makapili ng gagamitin ay sinimulan ko na ang paglalagay ng sauce at saka ko sinunnod ang noodles at cheese at sauce ulit. Paulit-ulit ko lang ‘yong ginawa hanggang sa maubos ‘yong noodles at sauce. “Wow!” narinig kong wika ni Aika ng matapos ang pag-aayos sa lasagna. “Ang galing mo nang magluto Scarlett, san mo natutunan ‘yan?” tanong ni Aika kaya hindi ko tuloy alam kung anong isasagot sa kanya dahil hindi pa naman talaga ako marunong magluto ng mga ganito. “Natutunan ko lang sa mga napapanood ko na video,” palusot ko. Well, half-truth naman kasi nanonood lang naman talaga ako ng mga cooking tutorial. Minsan kapag may oras o kaya wala akong pasok ay sinusubukan kong magluto sa apartment at okay naman dahil nakukuha ko naman ‘yong tamang luto. Hindi lang siguro katulad sa iba na masarap talaga pero pwede naman na. Naalala ko pa no’ng nagluto ako ng nilaga ay pinatikim ko kina Britney at Brenda ‘yong niluto ko at nagustuhan naman nila. Well, isa ‘yon sa mga proud moments ko. Ang matutong magluto through cooking videos. Nang maayos ang lasagna ay tinakpan ko na ito ng foil at sinimulang i-bake. Aabutin pa kasi ng halos isang oras bago siya tuluyang matapos dahil pagkatapos i-bake ay iba-bake ulit siya. ----- Ilang oras pa ang tinagal namin sa pagluluto dahil medyo ma-trabaho pala ‘yong mag putahe na gusto kong iluto. Buti na lang at naging matiyaga sa akin si Aika at tinulungan niya ako hanggang sa matapos. “Ihanda na natin ‘to, baka maya-maya ay nandito na rin sina Auntie,” sabi ko at sinimulan ng ihanda ang mga pagkain. Isang buwan na lang kasi ay magpapasko na kaya naman naisipan ni Auntie na mamili ng mga dekorasyon dito sa bahay. Masyado kasing maraming nangyari no’ng mga nakaraang buwaan kaya ngayon pa lang kami makakapag-decorate. May mga nasimulan naman na kaming isabit kagaya ng mga Christmas lights at iba pang Christmas décor. Ayos naman na ang mga décor dito sa bahay pero gusto kasi ni Auntie ng bagong Christmas tree para naman daw maging maganda ang pasok sa amin ng pasko at bagong taon. Alas-onse na rin naman na kaya binilisan na namin ang paghahanda ng pagkain. Pinagpa-pahinga ko na nga muna si Aika kasi alam kong napagod siya sa pagtulong sa akin pero ayaw naman niya kaya hinayaan ko na lang siya. Natutuwa rin naman kasi ako sa mga ginawa namin kaya hindi ko pa nararamdaman ang pagod. Sana lang ay magustuhan nila ang mga inihanda naming pagkain. “Ayan! Ayos na,” masayang wika ko ng matapos naming ayusin ang mesa. Ang gandang tignan ng mga pagkain. Para tuloy pasko na dahil sa mga putahe na nakahanda. Gusto ko pa nga sanang gumawa ng leche plan pero saka na lang. Parang ang over the top na kasi ng simple celebration na gusto kong mangyari. “Magpahinga ka na muna Aika, alam ko napagod ka. Maliligo lang din muna ako,” I said. “Sige ayos lang, maligo ka na, nakaayos naman na ang lahat ng ‘to.” “Magpahinga ka ah,” bilin ko pa sa kanya bago ako dumiretso sa kwarto. Pagpasok ko sa loob ay naabutan ko sina Eleanor, Mr. Julian, at Jackson na naghihintay sa akin. Napangiti tuloy ako ng makita ko sila. Two down, one more to go. Kaunti na lang ay matatapos ko na ang mission ko at malalagay na rin sa tahimik ang mga kaluluwa nila. “Maraming salamat,” wika ko kay Eleanor at nginitian naman niya ako pabalik. Lumuhod naman ako sandali para magkapantay kami ni Jackson. Sa kanilang tatlo kasi ay siya na lang ang hindi ko pa natutupad ang kahilingan. Hindi pa kasi ako nakakahanap ng tyempo kung kailan mas okay mag-picnic “’Yong wish mo naman ang sunod kong tutuparin,” nakangiting wika ko sa kanya at ngumiti lang din siya sa akin. Hanggang ngayon pala ay hindi ko pa rin alam kung paano sila namatay. Kapag nagtatanong naman ako ay hindi nila ako sinasagot o kaya naman minsan ay bigla-bigla silang mawawala kaya naman hinahayaan ko na lang. Simula no’n ay hindi na rin naman na ako nagtanong kasi pakiramdam ko ay ayaw nilang sabihin sa akin. Sayang lang dahil mukha pa naman silang mabubuting tao. Si Jackson pati, kahit na bata pa lang ay kitang-kita na ang ka-gwapuhan. Siguro kung nabubuhay pa siya ay maraming magkakagusto sa kanya. Bigla tuloy akong nalungkot dahil sa mga naiisip ko. No, bawal malungkot ngayon. Dapat masaya lang, Scarlett. Tatanungin ko pa lang sana sila kung anong balak nilang gawin ngayong pasko pero bigla na silang nawala kaya naman dumiretso na lang ako sa banyo para maligo. Ano mang oras ay dadating na rin sina auntie kaya naman binilisan ko nang kumilos. At dahil hindi naman ako matagal mag-ayos ay natapos din kaagad ako. Paglabas ko ay dumiretso kaagad ako sa kwarto niya para tignan kung nakahanda na siya. Hindi naman naka-lock ang pinto kaya naman nakapasok ako kaagad. Nang makita ko siya na nag-aayos ay hindi ko maiwasan na mapangiti. Masaya ako para sa kanya. Sana lang ay magtuloy-tuloy na ‘to at maging maayos ang lagay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD