‘Too many of us are not living our dreams because we are living our fears.’ – Les Brown -Scarlett’s POV- “Are you sure that it’s her?” tanong pa niya kaya naman napailing ako. Well, honestly, hindi rin talaga ako sigurado. Medyo malayo kasi ang pwesto niya kaya naman hindi ko masyadong nakita ang mukha, pero ramdam ko na si Abigail ‘yon. Kaya lang ay tama siya, hindi naman ako sigurado talaga. Isa pa, ang alam ko ay nasa ibang bansa siya at do’n na nag-aaral kaya imposible nga na siya ‘yon. Ang tagal ko na rin kasing walang naririnig tungkol sa kanila kaya naman hindi ako sigurado. Basta ang huling nalaman ko lang ay nasa Paris si Abigail habang si Mark naman ay tinanggap ang offer sa kanya sa California. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin nalilimutan si Abigail. Hanggang ngayon p

