Chapter 26

2218 Words
‘Tell me and I forget. Teach me and I remember. Involve me and I learn.’ – Benjamin Franklin -Scarlett’s POV- “Ayos lang ba na hawakan ko ang kamay mo?” tanong niya kaya naman natigilan ako. I mean, ano pa bang isasagot ko? Kanina niya pa naman hawak ang kamay ko. Pero hindi ko alam kung anong kaharutan ang sumapi sa akin at tumango ako. Lalo naman lumawak ang ngiti niya at mas hinawakan mabuti ang kamay ko. Ngayon lang may humawak sa kamay ko kaya naman hindi ko alam kung bakit nagugustuhan ko. At hindi ko rin talaga alam kung anong mayro’n sa akin at nagugustuhan ko ang ginagawa namin. Bahala na nga. Kahit ngayong araw lang, maging masaya naman ako para sa sarili ko. “This is my first time here,” napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya. “So I’m not really familiar with the place. Well, where do you want to go? What do you want to do?” Bago sumagot ay nilibot ko muna ang tingin ko sa buong lugar para maghanap ng pwedeng gawin. Akala ko kasi ay puro kainan lang ang mayro’n dito pero pagdating namin sa dulo ay may mga palaro. Malawak kasi ang buong lugar kaya naman kahit maraming tao ay hindi gano’ng siksikan. “Wanna play?” tanong ko sa kanya sabay turo sa mga laro. Tumango naman siya kaya naman nagtungo kaagad kami sa pinakamalapit na pwesto. ‘Yong mga mini-games kasi na nadito ay parang katulad no’ng sa Enchanted Kingdom. May mga dart games, firing games, ring games and others, hindi ko alam ang tawag actually kaya ganyan. Kaagad naman na dumalo sa amin ‘yong manong na nagbabantay at pinaliwanag niya kung ano ‘yong mechanics ng game. Matapos niyang magpaliwanag ay inabutan na niya kami ng tig-tatlong piraso ng dart. Medyo nataranta tuloy ako kung paano ang gagawin ko dahil hindi naman ako marunong maglaro ng ganito. Ang sabi kasi ni manong ay kailangan lang naming matamaan ‘yong mga balloons. Then each balloons na magpa-pop ay may different prices na naka-attach, habang ‘yong iba naman ay bokya. So may three chances lang kami para makakuha ng price. Kaso parang ang daya naman, kasi sobrang layo no’ng board kung saan nakadikit ‘yong mga balloons. So mababa lang din ‘yong chance na manalo ka. Bet ko pa naman sana ‘yong teddy bear na keychain, ang cute kasi. “Gusto mong mauna?” tanong niya kaya tumango naman ako. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako kahit game lang naman ‘to. Ang bilis tuloy ng t***k ng puso ko. Hindi ko talaga alam kung paano ‘to kaya bahala na. Ang layo-layo naman kasi ng board, kainis. Hinawakan kong mabuti ‘yong isang dart at pumwesto na ako para ibato ‘yon sa board. Binigay ko ang buong concentration ko at nag-focus sa isang lobo. May mga nakita naman na akong naglalaro nito sa lugar namin kaya alam ko kung paano nila ibato ‘yong dart. Nang sigurado na akong tatama sa lobo ‘yong dart ay buong lakas ko itong binato. But expectation and reality happened. ‘Yong dart na inaasahan kong tatama sa lobo ay sa sahig tumama. OMG! Nakakahiya. Bigla tuloy akong napatakip sa mukha ko. Mabuti na lang kami pa lang ‘yong tao sa game na ‘to. Pero nakakahiya pa rin. Pag-angat ko ng mukha ko ay napansin ko na naiiling pa si manong habang dinadampot ‘yong dart na nasa sahig. “Ayos lang ‘yan, hindi ka naman kasi marunong. Halika, tuturuaan kita,” he said. Agad naman akong umayos ng tayo at sinunod ‘yong sinasabi niya. Diniretso ko ang katawan ko at muling nag-focus sa lobo na gusto kong tamaan. Nang maayos ko ang anggulo ng dart ay ibinato ko na ‘to. “Wow!” gulat na wika ko ng tumama sa lobo ‘yong dart. “Ang galing!” masayang sabi ko kay Mark na nakatingin naman pala sa akin. Kaagad naman tinignan ni manong ‘yong papel ng natamaan kong lobo kaso X mark lang ang nakalagay kaya ibig sabihin ay bokya. At dahil isa na lang ang dart na hawak ko ay isa na lang din ang chance ko na manalo. Sana makuha ko ‘yong keychain. Kagaya kanina ay sinunod ko ‘yong tinuro sa akin ni Mark. And then, boom! May natamaan ulit ako. Nice! Napapalakpak naman ako sa tuwa dahil nagawa ko ulit. Agad na tinignan naman ulit ni manong ‘yong papel. Nang mabasa niya ang nakasulat ay inabutan niya ako ng isang cute na hairclip kasama ‘yong papel sa balloon kanina. “Thank you,” nakangiting sagot ko sa kanya at kinuha ‘yong hair clip. Sayang hindi ko nakuha ‘yong teddy bear na keychain, pero at least may cute na hair clip ako. At dahil may salamin sa gilid ay kaagad kong sinuot ‘yong hair clip na napanalunan ko. Mabuti na lang at butterfly ‘yong design kaya okay gamitin. Napangiti naman ako ng mailagay ko ‘yong hair clip sa buhok ko. Ang ganda niyang tignan. Matapos ayusin ay muli na ulit akong bumaling sa kasama ko ng saka ko lang napansin na kanina pa pala siya nakatingin sa akin. Ano ba ‘yan nagiging lutang na naman ako. “Ang ganda,” seryosong sabi niya habang nakatingin sa akin. “Bagay sayo,” dagdag niya pa nang tignan ang hair clip. “Thank you,” nahihiyang sagot ko sa kanya. At para maiba ang usapan ay bumaling na lang ako kay manong para magtanong. “Manong, binebenta mo rin po sila?” tanong ko sa kanya sabay turo sa teddy bear na keychain. Super cute kasi nila, kaya kahit bilhin ko na lang ayos lang. “Hindi eh, premyo lang talaga siya rito,” sagot naman niya. Bigla tuloy akong nalungkot sa sinabi niya. Kahit sana bilhin ko na lang kasi gusto ko talaga sila. Super cute naman kasi. “Gusto mo ba no’n?” tanong ni Mark kaya napatango ako. “Sige, I’ll win that for you.” Na-touch naman ako sa sinabi niya. Pero ganito pala ‘yong pakiramdam kapag may isang tao na handang gawin ‘yong isang bagay para lang mabigay ang gusto mo. Nang tignan ko siya ay mukhang seryoso talaga siyang makuha ‘yong keychain kaya naman gumilid ako para hindi makaabala sa kanya. Saglit lang siyang umayos ng pwesto at kaagad na ibinato ‘yong dart na hawak niya. And yes, asintado, walang mintis. Hindi ko tuloy maiwasang mamangha sa kanya. Wala ata siyang hindi kayang gawin. Nakalimutan ko na athletic pala siya. Nang kunin ni Manong ‘yong papel ay kinuha niya ‘yong bracelet na nasa gilid. Nang iabot niya sa amin ‘yong nakuha ni Mark ay saka ko lang napansin na couple bracelet pala siya. ‘Yong palawit kasi is lock and key. Mukhang hindi niya pa nakikita ‘yong napanalunan niya dahil pumwesto ulit siya at magkasunod na binato ‘yong dart at parehas na tumama sa mga lobo. And this time, bigla naman akong na-excite dahil napansin ko na kumuha ng isang teddy bear keychain si manong. At hindi nga ako nagkamali. Napanalunan ni Mark ‘yong keychain! Sayang lang ‘yong isang balloon dahil walang price. Pero pwede na rin dahil dalawa ‘yong price na nakuha niya out of three. “Galing mo bata, asintado,” puri pa ni manong sa kasama ko pagkaabot niya sa keychain. “Here,” nakangiting wika niya at inabot naman sa akin. Hindi tuloy maalis ‘yong ngiti ko. “Thank you, sobra,” I said at kinuha mula sa kanya ‘yong keychain. Ang cute talaga niya at ang lambot pa kaya ang sarap pisilin. Natigil lang ako sa paglalaro sa keychain na hawak ko ng maramdaman ko na sinusuot niya sa akin ‘yong bracelet na napanalunan niya. Nagtataka man ay hinintay ko na lang na matapos niyang masuot ‘yong bracelet bago ako gumalaw. “Bakit sa akin mo sinuot, napanalunan mo ‘to hindi ba?” nagtatakang tanong ko sa kanya at saka inangat ang kamay ko na pinaglayan niya ng bracelet. “Yeah, and I’m already wearing mine,” sagot niya at saka inangat din ang kamay niya na may bracelet. Ngayon ko lang napansin na suot na rin niya pala. At nawala sa isip ko na couple bracelet nga pala ‘yong napanalunan niya. Medyo nailing tuloy ako kasi pang-couple ‘yong suot namin na bracelet. Ibinaling ko na lang sa iba ang atensyon ko para mawala ‘yon sa isip ko. Matapos namin do’n sa dart game ay sinubukan pa namin ‘yong ibang mga laro. Mayro’ng basketball at nakuha namin ‘yong major price na teddy bear. Paano ba namang hindi, captain ng basketball team ‘yong kasama ko kaya naman lahat ng tira niya ay pasok. Pagkatapos ‘yon ay ang dami pa naming nilaro kaya naman hindi namin napansin ‘yong oras. Natigil lang din kami ng biglang may mag-announce na bukas na ang ferris wheel at may iilan na ring nakapila. Nagsisimula na rin kasing dumilim kaya naman bumukas na ang mga ilaw na mas nakapag-paganda sa lugar. “Gusto mo bang sumakay?” tanong niya kaya naman tumango kaagad ako. Hindi pa kasi ako nakakasakay sa ferris wheel. Wala rin naman kasi akong oras dati na pumunta sa mga ganitong lugar. Hindi nga ako nakakapasyal dati dahil puro trabaho lang ang ginagawa ko. Isa pa ay gusto ko na rin maupo, medyo napagod din kasi ako sa mga ginawa namin. Mabuti na lang at malapit lang kami sa ferris wheel kaya nakapila kami kaagad. Sakto rin at hindi pa gano’n kahaba ang pila kaya naman mabilis din kaming nakasakay. Pagpasok ay naupo kaagad ako dahil nasa mababang pwesto pa lang naman kami. Medyo mabagal din kasi ang ikot dahil nga pinupuno pa ang ferris wheel. Kaya naman sinulit ko muna ang buong paligid. At dahil unti-unti na kaming umaangat ay mas nakikita ko na ang kabuuan ng lugar namin. At isa lang ang masasabi ko, ang ganda. Ang ganda nilang tignan dahil nakaka-relax. Nang makarating kami sa tuktok ay mas namangha pa ako dahil pakiramdam ko ay mas abot ko ang buwan. Ang ganda rin ng baba dahil makikita mo ‘yong mga tao at buong lugar. Napansin ko naman na tumayo si Mark pero nanatili lang akong nakaupo. Mukhang gusto niyang mas masulit ang tanawin. Ngayong alam ko na ‘tong lugar na ‘to ay paniguradong may pupuntahan na ako kapag kailangan kong mag-isa. “Gusto mo bang tumayo?” tanong niya pero umiling lang ako. “Bakit?” “Natatakot ako,” mahinang sagot ko sa kanya dahil nahihiya ako. Ang lakas ng loob kong pumayag na sumakay sa ferris wheel pero ako naman pala ‘tong matatakutin at hindi makatayo. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya kaya napakunot ang noo ko sa kanya. Mukhang napansin naman niya ‘yon dahil tumigil na siya sa pagtawa. “Here,” at iniabot niya sa akin ang kamay niya. “Hold my hand. Aalalayan kita.” Ilang segundo pa siyang nakalahad ng kamay bago ako nagpasya na abutin ‘yon. Natatakot kasi talaga ako sa sobrang taas na lugar kaya naman hindi ko magawang tumayo. Idagdag mo pa na umaalog ‘yong cabin na sinasakyan namin kaya naman kinakabahan ako. At kagaya nga ng sinabi niya ay inalalayan niya ako. Nang tuluyan akong makatayo ay mahigpit kong hinawakan ang kamay niya ng maramdaman ko ang mahinang pag-alog ng sinasakyan namin. Habang hawak niya ang isang kamay ko ay inalalayan niya ako sa may bewang kaya naman naging mas madikit ang pwesto namin. Gustuhin ko mang umusog ay natatakot ako dahil sa mahinga pag-uga. Nalagpasan na kasi namin ‘yong pinakatuktok kaya naman dahan-dahan na kaming bumababa kaya umaalog din ‘yong sinasakyan namin ngayon. Nabaling na lang din ang tingin ko sa tanawin. Mas maganda pala silang tignan kapag nakatayo ka dahil mas kita mo ‘yong buong lugar. Ang ganda ring tignan no’ng mga tao at ilaw sa baba. Lahat maganda. At talaga namang nakaka-relax. “How was it?” “Ang ganda,” ‘yon na lamang ang nasabi ko dahil maganda naman talaga ‘yong lugar. Sobrang nagustuhan ko. “Ikaw, ba—“ Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil nang tangkain ko na lumingon sa kanya ay bigla kong naramdaman ang labi niya sa pisngi ko. Nalimutan ko na halos magkadikit nga pala kami. Mabilis ko namang inilayo sa kanya ang mukha ko. Nakakahiya, bakit ba naman kasi bigla-bigla akong humaharap. Ayan tuloy. Nakakahiya. Hindi tuloy ako makaharap sa kanya. Paano ba naman, parehas kaming nagulat sa nangyari. Bigla na tuloy akong nailang. “Uhm, mauupo na ulit ako,” mahinang sabi ko at inalalayan naman niya ako papaupo. Pagka-upo niya ay binalot na kami ng katahimikan. Ang awkward na tuloy, hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Nakakahiya naman kasi. Mabuti na lang at hindi ko na kailangan pang mag-isip ng sasabihin dahil sakto naman na malapit na kaming lumabas. Ilang minuto lang din ay nakarating na kami sa baba kaya naman nauna na akong lumabas sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD