[06] - INTERRUPTED MEET UP.

2815 Words
CHAPTER 06 – INTERRUPTED MEET UP. GAIL'S POV Naiayos ko na lahat ng gagamitin para sa contract signing kay Mr. Gonzales, ito na lang kasi ang pwede kong itulong kay Lance, ilang gabi na siyang puyat para matapos lang yung propose building at ayokong masayang yung pagod na pinaghirapan niya. Alam ko ring madalas silang mag-away ng Papa niya dahil una pa lang ayaw na ng Papa niya na tumira siya dito sa Cebu pero dahil na rin sa pagmamatigas niya walang nagawa ang Papa niya. Ginusto ko rin naman 'to kasi hindi ko rin kayang mamuhay mag-isa, baka mabaliw ako pag nangyari yun. Napakalungkot ang mag-isa at hindi ako sanay sa gano'ng buhay. 1:00 PM pa naman ang schedule namin kay Mr. Gonzales dahil after lunch pa daw ang dating ng business partner niya galing Manila. Sumilip ako sa suite ni Lance, alam ko naman kasi ang code ng suite niya, eh. Tulog pa rin siya at dahil sa pinilit niyang matapos yung propose building sa working table na rin siya nakatulog. Pasaway talaga 'tong taong 'to hindi pa humingi ng tulong sa akin kahit obvious na nahihirapan na, kumuha na lang ako ng kumot sa kwarto niya para ikumot sa kaniya. Ito lang naman kasi yung mga bagay na kaya kong gawin para sa kaniya, sa dami ng nagawa niya para sa akin tingin ko tama lang na kahit kaunti masuklian ko ang lahat ng yun. Nakikita ko naman sa kaniya na ginagawa niya ang lahat at nakikita ko ring nape-pressure siya sa ginagawa ng Papa niya sa kaniya. Bumalik ako sa suite ko para magluto ng kakainin niya pag-gising. 7:30 AM pa lang naman kaya mahaba ang itutulog niya, di ko alam kung ano'ng oras na siya nakatulog pero sigurado akong umaga na yun. Naghihiwa na ko nga bawang ng makaramdam na naman ako ng sakit ng ulo kasunod no'n ay ang pagsakit ng dibdib ko, this time mas masakit siya kaysa dun sa mga nauna. Kinapa ko ang papuntang bathroom, dahil sigurado akong dun ko nailagay yung gamot ko. Nasa pinto pa lang ako ng mas sumikip yun. "ARGHHH!" Kasunod noon ay ang tuluyang pagdidilim ng paningin ko. LANCE' POV Nagising ako dahil sa lakas ng tunog ng cellphone ko, tinignan ko muna kung anong oras na bago ko sagutin yun, 6:30 na kasi ako nakatulog kaya masakit din ang ulo ko ngayon. Si Papa lang naman yung tumatawag sa akin, sinagot ko yun para iwas gulo. "Naayos mo na ba lahat ng dapat mong ayusin ha, Lance?" tanong agad niya sa akin. "Okay na lahat, Pa." Mag-aalas otso pa lang naman kaya sigurado akong marami pa akong oras, natapos ko naman kanina lahat, ang gusto ko lang ngayon ay ang magpahinga. "Mabuti kung gano'n, tandaan mo na kailangan bago mag ala-una nandoon ka na para wala silang masabi sa'yo." Lagi na lang ganito, di naman 'to yung unang beses na makikipag-business deal ako. "Naiintidihan ko, hayaan niyo na muna akong magpahinga," iritadong sabi ko, di pa siya nagsasalita pinatay ko na agad yung telepono. Matutulog na, sana ulit ako ng mapansin ko yung kumot na nakakumot sa akin. Sigurado akong si Gail may gawa no'n, magagalit na naman sa akin yun sa oras na nalaman niyang nagpuyat na naman ako. Kailangan ko ng tumayo para hindi niya mahalatang wala pa akong tulog. Nagbihis lang muna ako bago ako lumipat sa suite niya, nakasanayan na naming laging sabay kumain kaya sigurado akong nakapaghanda na ng pagkain ngayon yun. Nakailang door bell na ko pero hindi pa rin niya binubuksan yung pinto, di naman siya gano'n dahil isang door bell ko lang bukas na agad yun kaya kinabahan ako na hindi ko alam kung saan nanggaling, nag-enter agad ako ng code para makapasok, mas kinabahan ako nung pagpunta ko ng kusina na sa semento yung kutsilyo. "GAIL!" Malakas na tawag ko sa kaniya pero walang sumasagot, pumasok ako sa nag-iisang kwarto dun, wala rin tao. "GAIL, NA SAAN KA BA?" Papunta pa lang ako ng bathroom  nung makita kong may mga paang nakalabas mula doon, mas kinabahan ako kaya tumakbo ako palapit sa kaniya. "GAIL!" Wala na siyang malay at punong-puno ng dugo ang ulo niya. Mabilis ko syang binuhat at sinakay ng sasakyan ko. Wala akong pakialam kahit mahuli pa ako at makasuhan ng over speeding, hindi ko alam kung ano'ng kalagayan ngayon ni Gail at natatakot akong baka kung anong mangyaring masama sa kaniya. Pagdating namin ng hospital pinasok agad siya sa Emergency Room. "Sir, bawal na po sa loob." Sabi nung nurse sa akin dahil balak ko pa sanang pumasok sa loob. Kinakabahan ako, ano ba kasing nangyari, Gail? Bakit ba lagi na lang nangyayari sa'yo yung gan'yan? 30 minutes din ang lumipas bago lumabas yung Doctor sa Emergency Room, sinalubong ko agad siya. "Ano na pong lagay niya, Doc?" "You don't need to worry dahil okay na naman siya, gagawa lang kami ng further examinations para ma-sure na walang internal damage. Sa palagay ko pagkadulas ang sanhi ng sugat sa ulo niya, pero para makasigurado gagawin namin yung mga test kaya kailangan pa niyang mag-stay dito ng 1 to 2 days then pagsigurado na tayo na walang ibang complications pwede na siyang lumabas." Nakahinga naman ako ng maluwag dahil okay na soya. "Thank you, Doc." "Sa ngayon ipapalipat ko na siya sa available room. Pumunta na lang po kayo do'n sa may Nurse Station para po sa information nung pasyente," pag-iinstruct niya sa akin bago ako tuluyang talikuran, sinunod ko naman yung mga sinabi niya. Pero bago ako pumunta sa designated room para sa kaniya bumili muna ako ng ibang supply para sa kaniya. Pagkabili ko bumalik ako kaagad nando'n na siya sa room pagpasok ko, wala pa rin siyang malay. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ko yung kamay niya. ALDEN'S POV "Okay ka lang ba?" tanong ko kay Louise dahil hanggang ngayon tahimik siya. "Oo naman." Nakatingin lang siya sa labas ng eroplano, papapunta na kasi kaming Cebu ngayon pero simula nung atakihin siya ng sakit niya naging iba na yung pakikitungo niya sa akin at parang palaging malalim yung iniisip niya. "May problema ka ba, Louise?" tanong ko sa kaniya, hindi naman siya natural na ganito kaya naninibago ako. "Wala naman, mukha ba akong may problema?" Balik na tanong naman niya sa akin, di ko alam kung anong dinaramdam niya pero alam kong may problema siya. Sasagot na sana ako nung tumunog yung cellphone ko, si Astin lang naman. "Oh, hello?" "Na saan ka na, pare? Baka ma-late ka pa sa contract singing natin with Mr. Salcedo," sabi agad niya sa akin.  "On flight na ko, pare. Sigurado ka bang magaling 'yang nakuha mong construction firm? Baka pumalpak yan." "Hindi, pare, sila ang pinaka sikat sa buong Pilipinas lalo na dito sa Cebu buti nga nakuha pa natin sila sa dami ng gusto komuntrata sa kanila. Tinapatan ko na nga lang ng malaking halaga para mapapayag ko sila, eh." "Sige, pare, malapit na kaming lumapag, salubungin mo na lang kami sa Heaven's Dale Hotel." "Kami? Don't tell me may kasama ka na namang chicks? Akala ko ba hindi mo ipagpapalit yung asawa mo?" "Basta, pare." Yun lang ang sinabi ko sa kaniya bago ko binaba yung phone. Ilang sandali pa palapag na yung sinasakyan naming eroplano. Palabas na kami ng Airport nung hawakan ko yung kamay ni Louise alam kong napatingin siya sa akin pero diretcho lang ako sa paglakad pagtapos pumara ako ng taxi hanggang sa makasakay kami hawak ko lang yung kamay niya. "Manong, sa Heaven's Dale Hotel po tayo," sabi ko sa driver, di naman kalayuan yung hotel doon kaya ilang minuto lang nando'n na kami. Papasok palang kami ng restaurant nung hotel ng salubungin kami ni Astin. "Wow, pare! Ang tinik mo talaga sa chicks," sabi agad niya sa akin paglapit, inakay naman niya kami isang table for five. Doon na rin kasi namin gagawin yung contract singing. "Bakit wala pa sila?" tanong ko naman. "Parating na yun, wala ka bang balak ipakilala sakin 'tong maganda kasama mo, pare." Napatingin naman ako kay Louise, tahimik pa rin siya. "Ah, siya si Louise, pare, girlfriend ko," pareho silang napatingin sa akin dahil sa sinabi ko pero seryoso ako dun, alam ko naman na yun ang dahilan kung bakit ganyan si Louise hindi sya sigurado sa katayuan niya sa buhay ko pero tulad ng pangako ko sa kaniya at sa sarili ko tutuparin ko yun. "Congrats, pare. Finally, you were getting back on your way," masayang sabi naman sa akin ni Astin, ngumiti lang ako sa kaniya, napatingin naman ako sa wrist watch na suot ko. Mag-aala una y media na wala pa rin sila.  "Bakit ang tagal nila, pare?" tanong ko kay Astin. "Sige, teka, tawagan ko," sabi naman niya sabay tayo at tumayo dun sa di kalayuan, di naman siya nagtagal at bumalik na rin siya. "Sorry, pare, mukhang hindi sila makakarating, nagkaroon daw kasi ng emergency kaya hindi sila makakarating pero nagpadala naman daw sila ng representative at parating na daw yun," sabi naman nito. "Ano'ng emergency naman?" inis na tanong ko. "Easy ka lang, pare kilala ko si Lance hindi niya ipagpapalit yung trabaho niya kung hindi talaga yun emergency. Hintayin na lang natin yung representative na pinadala nila, mapagkakatiwalaan naman yung mga yun," sabi naman nito, maya-maya isang babae naman ang lumapit sa amin. "Excuse me,is this Mr. Gonzales' table?" Tanong nito, tumango naman si Astin, "Yes, I'm very sorry if Ms. Gail and Sir Lance won't make it on time, that's why they sent me here for the contract signing and for you to see the propose building structure of our firm." Ms. Gail and Sir Lance, yun lang yung tanging nag-register sa utak ko. "Pakiulit nga yung sinabi mo?" sabi ko. "Pinadala po ako dito para sa contract singing at para makita niyo yung propose building namin." "HINDI 'YON! ULITIN MO YUNG MGA SINABI MO!" Sigaw ko, nagulat naman silang tatlo sa akin. "Ano bang problema mo, 'Den?" sabi sa akin ni Astin. "SABI KO PAKIULIT YUNG SINABI MO!" sigaw ko ulit, wala kong paki kahit nakatingin na sa akin lahat ng tao do'n sa restaurant, mukhang na-shock na rin yung babaeng nasa harap ko. "Pare, ano ba? For now let's postponed this contract singing pakisabi kay Lance na, ire-reschedule na lang namin. Sige na, pwede ka ng umalis." sabi nito sa babae at nagmamadali namang umalis yung babae sa harap namin. Hindi ko pwedeng magkamali Lance at Gail ang binanggit niyang pangalan. Hindi pwedeng si Gail yun at si Lance na nakilala namin 1 years ago pa, Lance Salcedo. Tumayo ako at hinabol ko yung babae para itanong kung tama ba yung hinala ko, kung tama ako ng iniisip. "ALDEN!" Narinig kong tawag sakin ni Louise pero hindi ko pinansin. Paglabas ko pasakay na yung babae ng taxi. "MISS!" Tawag ko sa kaniya, lumingon siya pero nagmamadali lang siyang sumakay sa taxi dahilan para hindi ko na siya maabutan. "MISS, SANDALI LANG!" Hinabol ko pa rin siya kahit nakasakay na siya sa taxi pero hindi yun tumigil. LOUISE' POV "Pwede ko bang malaman yung address ng office nung construction firm na yun?" tanong ko kay Astin, kung tama ang hinala ko si Gail at si Lance nga yun at nakilala sila ni Alden kaya siya nagkakagano'n, kailangan kong makausap si Lance, kailangang hindi matuloy yung contract singing nila, hindi pwedeng magkita si Gail at si Alden. Hindi ako papayag na mangyari yun. "Ha? Bakit?" balik tanong naman niya. "Basta, pakibigay na lang sa akin" Sinulat naman niya sa isang papel yung hinihingi ko, alam kong nagtataka siya pero ibinigay pa rin niya sa akin. "Pwede wag mo na lang sabihin kay Alden kung saan ako pupunta, ako na lang ang bahalang magsabi sa kaniya." He just nodded. "Maraming salamat," sabi ko bago ako tuluyang lumabas ng restaurant na yun, nakita ko pa si Alden habang hinabol yung taxi. Ganoon ba talaga niya kamahal si Gail? Bakit? Ano bang mayroon si Gail, bakit hindi niya 'yon kayang kalimutan dahil obvious naman na nakalimutan na siya ni Gail. Pumara rin ako ng taxi bago pa ako makita ni Alden, pinakita ko na lang sa driver yung address na sinulat ni Astin, di naman kalayuan yun sa hotel kaya nakarating ako kaagad do'n. Bumaba ako agad at umakyat sa second floor tulad ng nakalagay sa address binati naman ako nung receptionist. "Good afternoon, Ma'am, what can I do for you?" "Nandyan ba si Mr. Salcedo? Gusto ko sana siyang makausap." tanong ko agad sa kaniya. "Naku! Pasensya na po, Ma'am, wala po kasi si sir dito, may Emergency po kasing nangyari dinala nila sa ospital si Ms. Gail kaya wala po sila ngayon dito," sabi naman niya sa akin. "Saang ospital siya dinala?" Kaya pala hindi sila nakarating, bakit kaya? "Naku, sorry po, Ma'am, dahil hindi namin yun pwedeng sabihin sa kahit sino." "Kaibigan nila ako kahit tawagan mo pa sila. Gusto ko lang dalawin si Gail sa ospital," mariing sabi ko obviously nagdadalawang isip pa siyang ibigay sa akin yung address pero sinabi rin naman niya sa akin. Nagmamadali naman akong pumunta dun, dumeretcho agad ako sa nurse station pero dahil hindi ko alam kung anong fullname ni Gail nahirapan akong alamin kung anong room number siya. Napasandal na lang ako sa Desk ng Nurse Station. Pagtingin ko sa entrance ng hospital papasok si Lance. "LANCE!" Tawag ko sa kaniya, napalingon naman siya sa akin. "Paano mo nalamang nandito kami?" tanong agad niya sa akin. "I really need to talk to you, Lance." Sabi ko in hurry voice, nagtaka naman siya pero inaya niya kong lumabas at doon kami sa may garden ng hospital nag-usap, bumili muna siya ng coffee para sa aming dalawa. "Ano ba yung gusto mong sabihin sa akin?" tanong naman niya sabay abot sa akin nung dala niyang coffee. "Hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa, Lance, gusto ko sana wag mo ng ituloy yung contract signing mo with Mr. Astin Gonzales." Halata namang nagulat siya sa sinabi ko. "I don't get your point, Louise, you came here at very unexpected time just to told me na wag ko ng ituloy yung contract signing sa kanila. Ano bang dahilan mo?" "Si Alden yung business partner ni Astin at alam kong alam mo na may nakaraan si Gail at si Alden at ayoko na sanang magkita pa sila ulit. Ngayon pa ng girlfriend na ako ni Alden, hindi ako papayag na mangyari yun at ikaw, alam kong mahal mo si Gail kaya sigurado akong yun din ang gusto mong mangyari kaya nga di ba nung na sa beach tayo inaya mo agad siya pauwi dahil nakita mong palapit si Alden sa atin, tama ako, hindi ba? Kaya wag mo ng ituloy yung contract singing para sa'yo din 'to at para sa kin." "Nagkakamali ka Louise, oo, nung oras na yun alam kong palapit si Alden sa atin pero hindi ko yun ginawa para sa akin, ginawa ko yun para kay Gail dahil tulad ng sabi mo boyfriend mo na siya, ayoko lang na masaktan na naman siya ulit pero that time nakita rin naman siya ni Gail, at hindi ko rin napigilan yun mga dapat mangyari. Kung destiny nilang dalawa ang magkita let it be dahil kung talagang sigurado kang mahal ka ni Alden hindi ka matatakot sa multo ni Gail sa buhay niya." "Yun na nga alam kong hanggang ngayon mahal pa rin niya si Gail kaya ayokong magkita sila dahil sa oras na mangyari yun pwedeng mawala siya sa akin, kaya nakikiusap ako sayo, Lance. Wag mong hayaang magkita pa sila." "Kung ganoon mahal pa rin pala nila ang isa't-isa? Isn't it that enough sign, na dapat mag-give up ka na sa kaniya? Bakit di na lang natin hayaan na magmahalan sila? Marami ng sakit na pinagdaanan si Gail at alam kong gano'n din si Alden siguro this is the right time para maranasan naman nila ang maging masaya. Don't be so selfish, Louise, dahil you can't call that one as love." "Bakit ba napakadali para sayo na pakawalan si Gail? Hindi ba mahal mo siya?" "Dahil nga mahal ko siya, kung saan siya masaya do'n din ako magiging masaya. Ikaw ba masaya ka ba na na sayo nga si Alden pero alam mong hindi ikaw ang mahal niya? Masaya ka ba na nagiging dahilan ka ng pagiging malungkot ng ibang tao?" "If you don't want to help me I can do it alone. Thanks for your timt." Sabay talikod pero nilingon ko ulit siya, "For the last time pwede ko bang makita si Gail?" tanong ko sa kaniya. "Room 309 in the left wing." Sabi naman ntya sa akin, I just nodded then pumasok ulit ako ng hospital para makita siya, pagpasok ko naman gising na siya. Then she smiled at me. "Paano mo pala nalamang nandito ako?" tanong agad niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD