[05] - DEALING WITH THE PAST.

2521 Words
CHAPTER 05 – DEALING WITH THE PAST. ALDEN'S POV Nahirapan din akong hanapin yung bahay ni Louise, pero nakita ko naman. Di naman niya sa akin sinabi kung saan banda yung kuwarto niya kaya kailangan ko pang tingnan bawat kuwarto, when I finally found it hinanap ko yung traveling bag niya, di na ko namili, pinilit ko na lang pagkasyahin lahat ng damit niya sa dalawang traveling bag na nakita ko. Nasa last pile na ko ng mga damit niya nung hatakin ko yun para ilagay sa bag may nalaglag na maliit na notebook. One quote that caught my attention... Di naman mahirapa ang mag-isa dahil ang totoong mahirap ay labanan yung lungkot ng pagiging mag-isa. That's true, kaya ngayon naiintidihan ko na kung bakit gano'n siya mag-react nung malaman niyang aalis ako. Naranasan na kasi niyang may kasama, kaya natatakot na siyang mag-isa ulit. Di ko alam kung totoong mahal niya ko o nahanap lang niya sa akin yung bagay na hinahanap niya pero kahit gano'n handa akong tuparin sa kaniya yung pangako ko na susubukan ko siyang mahalin at susubukan kong pasayahin siya sa mga natitirang oras ng buhay niya, isang bagay na hindi ko nagawa sa babaeng mahal ko. Kaya siguro ginagawa ko 'to dahil alam ko kahit paano makakabawi ako kay Gail sakaling magawa ko sa iba yung bagay na hindi ko nagawa sa kaniya. Nilagay ko na rin sa bag niya yung hawak kong notebook, saka ko yun binitbit at umalis. Makikita mo sa bahay na yun kung gaano kalungkot ang taong nakatira dun, mukha isang taon nang di nalilinisan. Nasa daan ako nung may makita akong boutique shop ng mga damit, alam kong hindi papayag si Mama na isama ko si Louise sa party ni Megan pero di ko naman siya pwedeng iwan sa bahay ng walang kasama. Kaya para hindi siya makatanggi ibibili ko na ng damit si Louise, magkasukat lang naman sila ni Gail kaya alam ko kung ano'ng sukat niya. "Good morning Sir. What can I do for you?" Bati naman sa akin nung sales lady pagpasok ko. "Kailangan ko ng color beige na gown. Simple but elegant, wala kasi akong alam pagdating sa mga damit ng babae so kindly help me for the choices." "Para po ba sa girlfriend niyo Sir? Ang swerte naman po niya. Ano pong okasyon? Balak niyo na po bang mag-propose?" Sunod-sunod na tanong niya kaya nailang ako, di ko kasi iniisip na aabot ako sa point na magpo-propose ako sa ibang babae. Ngumiti na lang ako, I don't want to say anything. "ito po, sir pili na lang po kayo." May tatlo siyang pinakita sa akin pero tingin ko mas bagay yung una kaya yun na yung kinuha ko. "I take it." Sabi ko, pagkatapos bumalik na ko sa sasakyan ko para umuwi. Pagdating ko sa bahay, nakita ko si Mama sa veranda, nagbabasa lang niliapitan ko siya. "Alam ko na kung anong plano mo, Alden, at kung wala akong magagawa para pigilan ka, wag mo na akong kausapin." Mukhang nakita na niya yung dala kong box na may lamang damit ni Louise para mamaya. Napailing na lang ako, di ko rin naman alam kung ano sasabihin ko sa kaniya. Pumunta na lang ako sa kwarto ni Louise, pagpasok ko nakita ko siya sa may bintana nakatayo dun habang nakatingin sa labas. "Louise." Tawag ko sa kaniya, tumingin naman siya, "Sukatin mo 'tong binili kong damit para sa'yo, susuotin mo 'to mamaya." Tinignan lang naman niya yung hawak ko. "Hindi ako sasama mamaya, mas gusto ko magpahinga na lang muna." Sabi naman niya pero hindi naman siya ngumingiti. "Sigurado ka ba?"  "Oo sigurado ako, mas kailangan kong magpahinga saka wag ka mag-alala kaya ko naman yung sarili ko." Bahagya siyang ngumiti sa akin, kaya tumango na lang ako. Alam kong may dinaramdam siya pero ayoko na rin namang tanungin kung ano yun. Nakikita ko namang malungkot siya. Lumabas na lang ako ng kwarto niya at pumunta sa kwarto ko. Pagpasok ko nakita ko yung picture ni Gail sa bedside table ko, umupo ako sa kama ko at kinuha ko yun. Kahit pinipilit ko yung sarili kong magmahal ng iba ngayon, di pa rin naman akong handang kalimutan ka, eh, paano ko nga ba makakalimutan yung tao na nagturo sa akin ng totoong ibig sabihin ng salitang pagmamahal, paano ko makakalimutan yung taong hanggang ngayon nandito pa rin sa puso ko. Hinawakan ko yung mukha niya. Sana pwede pa kitang hawakan ng ganito. Sana lang talaga, pwede ko pa ibalik yung buhay mo, sana pwede ko  pangiparamdam sayo na ikaw lang yung babaeng gusto kong mahalin habang buhay. Hindi ko alam kung ano yung gulong pinasok ko ngayon di ko maramdamang tama 'to pero wala na akong magagawa. Tulungan mo na lang ako, Gail, iparamdam mo sa akin na kaya ko kahit hindi ko alam kung paano. Binagsak ko yung likod ko sa kama saka ako pumikit at niyakap ko yung frame na may picture niya. Hanggang ngayon namimiss ko pa rin siya, hanggang ngayon nahihirapan pa rin ako. Di ko namalayan ang pagpatak ng luha ko. Makita at mayakap lang kita ulit, Gail, pwede na rin akong mamatay. GAIL'S POV "Gail, darating bukas si Mr. Gonzales para dun sa contract signing natin sa kanila," sabi ni Lance sa akin, dahil hindi ko natapos yung college ko kinuha na lang niya akong secretary niya dito sa construction firm business niya. "Teka, ano nga ba ulit yung project nila?" Tanong ko dahil sa dami ng project namin hindi ko na alam kung anong uunahin ko. "Coffee Shop ala restaurant yung plano na binigay nila, eh. Ito nga yung pangalan." Tinignan ko naman yung binigay nyang paper sakin Doux Au Revoir Cafe de Resturante. "Ang gara naman ng pangalan, spanish ba yan o french restaurant?" tanong ko. "Di naman daw magse-serve din naman daw sila ng Filipino food. Sweetest Goodbye daw ibig sabihin nung Doux Au Revoir, yun daw kasi ang gusto nung partner niya at gusto nila malapit sa tabing dagat yung site," sabi naman niya, actually hindi nga empleyado ang turing niya s aakin dito. Para lang kaming partner pero dahil sa wala naman akong masyadong alam tungkol sa ganitong trabaho tinutulungan pa rin niya ko sa halos lahat ng trabaho ko. "Sige, aayusin ko na yung contract nila, kailan ba start nung project?"  "By next week may meeting tayo kasama sila kaya nga dapat nakalatag na yung propose building natin sa kanila." "Eh di, pagpupuyatan mo na naman ng ilang gabi 'yan. Sabi ko naman kasi sayo turuan mo na ko para natutulungan kita." Sa dami na rin kasi ng naging project namin. "Okay lang, medyo mahirap din 'tong project na 'to eh, ganito pag mga big project," sabi niya habang inaayos yung mga papers sa table niya, "May gagawin ka ba mamaya Gail?" bigla namang tanong niya. "Wala naman, bakit?" "Sa labas tayo mag-lunch, ha," nakangiting sabi niya. "Ano na namang inisip mo?" Tanong ko sa isang taon naming magkasama alam ko na yung mga iniisip niya. "Wala naman, medyo stress na kasi yung mga susunod nating araw kaya mag-unwind na tayo ngayon pa lang," sabi naman niya, sabagay tama naman siya. "Sige na nga," sabi ko sabay talikod sa kaniya. "Punta muna kong restroom." Pagpasok ko naman ng restroom biglang nagdilim yung paningin ko kaya napahawak ako pader. Ganito na lang paligi yung nararadaman ko kung hindi ako nahihilo, nagdidilim yung paningin ko. Kinapa ko yung gamot na iniinom ko sa blazer na suot ko pero wala dun. Pinilit kong maging normal yung pakiramdam ko para lang makabalik ako sa office. Pagpasok ko ng office namin wala naman si Lance dun kaya kinuha ko yung gamot sa bag ko para makainom na ko. "Gail, may problema ba?" Napatingin naman ako sa kaniya, kakapasok lang niya ng office naming dalawa at makikita sa mukha niya ang pag-aalala. "Ha? Wala naman." tanggi ko naman. "Wala? Why you looked so pale?" sabi niya sabay lapit sa akin, inilalayan niya kong umupo sa swivel chair ko, itinago ko naman sa bulsa ko yung gamot na hawak ko. "Okay nga lang ako." Pilit ko pa rin ayokong mag-alala pa siya sa akin na tulad ng lagi niyang ginagawa, wala lang naman 'tong nararamdaman ko. "Gutom lang siguro 'to, nakalimutan ko kasi mag-breakfast kanina, eh." "Ikaw talaga, ang tigas kasi ng ulo mo," sermon niya sa akin. "Tara na nga, mag-lunch na tayo." Inalalayan niya kong tumayo saka kami naglakad palabas ng opisina niya habang hawak yung kamay ko. Sanay na naman ako sa gan'yang gesture niya, halos araw-araw na rin naman siyang ganiyan. Pagpasok namin sa restaurant na madalas naming kainan, may kakaiba do'n dahil sobrang daming lobo at maraming decoration at walang tao. "Lance, mukhang rented 'tong buong place," sabi ko naman sa kaniya kaya nag-aalangan akong pumasok. "Rented talaga 'tong buong place, Gail." Curious naman akong napatingin sa kaniya pero isang bouquet ng flower ang sumalubong sa mukha ko. "Happy Birthday, Gail!" Narinig kong sabi niya then inabot niya sa akin yung flower. "Birthday ko?" Ano bang date ngayon? "Oo, totoong araw ng birthday mo," nakangiti namang sabi niya, oo nga hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay na i-celebrate ang totoong araw ng birthday ko.  "Nakalimutan ko na birthday ko pala ngayon. Thank you, ha!" He never failed to surprise me. "Tara, hindi lang yan ang surprise ko sa'yo." Inalalayan niya ko papasok. "Happy Birthday, besty!" "Janela!" Sigaw ko at patakbo akong lumapit sa kaniya. "Buti nakarating kayo," mangiyak-ngiyak na sabi ko. "Mapilit kasi 'yang na sa likod mo, eh, gusto ka daw bigyan ng isang surprise birthday party." Natatawa namang kwento ni Janela napatingin tuloy ako kay Lance, nakangiti lang siya sa akin. "Tara, kumain na muna tayo kagagaling lang din sa byahe ng mga 'yan, eh," sabi naman ni Lance. "Happy Birthday, Gail." Bati naman sa akin ni Cedrick dala niya ang anak nila ni Janela. "Thank you, Ced, mabuti at nakarating kayo buti naisama niyo rin 'yang baby niyo."  "Okay lang bakasyon na rin namin ni Janela 'to," sabi naman ni Cedrick. "Tatlong araw lang din naman kami, besty, kailangan na rin kasi naming bumalik kaagad, eh," sabi naman ni Janela, sa totoo lang sobrang naiinggit ako sa babaeng 'to dahil alam ko ngayon nafulfill na niya yung mga pangarap niya. Samantalang ako hindi ko alam kung kailan ko ba mahahanap yung totoong makakapagpasaya sa akin. Hindi nga ko nasasaktan, masaya din naman ako pero alam kong may kulang pa sa buhay ko. "Gail, oh." Abot naman sa akin ni Lance ng isang plate ng pagkain bago ko kinuha yun inupo niya muna ako sa isang table dun.  "Lance, thank you, ha." Nakangiting sabi ko sa kaniya. Kung wala siya baka di ko na naramdamang maging masaya ulit. "It's nothing, Gail. Masaya ako pag ginagawa ko 'to," nakangiti ring sabi niya. "Kumain ka ng marami para hindi ka namumutla d'yan," sabi pa niya. ALDEN'S POV Papunta na kami ng party ni Megan ngayon, kahit anong gawin ko hindi ko napilit si Louise na sumama sa amin. Pagdating namin dun, sinalubong agad kami ni Tita Armelia. "Mabuti naman at nakarating kayo ngayon, Sandra," sabi niya kay Mama. "Papalampasin ba naman namin 'tong espesyal na araw ni Megan? Sayang nga lang at hindi itong anak ko ang nakatuluyan niya." Si Mama talaga. "Tita, si Megan po?" tanong ko na lang. "Nando'n sa loob kanina pa nga niya kayo hinihintay," sabi naman nito. Pumasok naman ako sa loob, dito lang naman sa bahay nila ginanap yung engagement party. Nakita ko naman siya agad pagpasok ko. "Oh, Alden, long time no see," nakangiting bati niya sa akin, ang laki ng pinagbago niya. Ngumiti lang din ako sa kaniya. "Tara, dito tayo." Aya naman niya sa akin sa may balcony. "Buti nakapunta ka, gusto kasi talaga kitang makausap before I settle my life with the man I really love," sabi naman niya, nakatingin lang ako sa kaniya. "I know malaki ang kasalanan ko sa'yo lalo na kay Gail, that's why I want to say sorry, sorry for everything I've done before. Alam ko it's to late to apologize but at least I tried, kung hindi ko nagawa lahat yun dati baka masaya na kayo ni Gail ngayon o baka nga may anak na kayo pero dahil sa akin nasira ko ang pagsasama niyo, nasira ko yung pagmamahalan niyo." Unti-unting lumulungkot yung mukha niya, "All this time kasi sinisisi ko rin yung sarili ko sa nangyari sa inyo ni Gail lalo na ang pagkawala niya, kaya gusto ko humingi ng tawad sa'yo." Then directly looked at me. "Sorry, Alden, that time kasi akala ko talaga mahal na mahal kita but it's all just a pride, di ko matanggap na iiwan mo na ko, di ko matanggap na pinalitan mo ako agad kaya akala ko mahal talaga kita pero when the accident happened to you, after Gail's naiisip ko you were always meant to be akala ko nga rin mawawala ka na but Tita Sandra, never gave up on you at masaya ako na nabuhay ka and I hope someday makita mo rin yung babaeng totoong makakapagpasaya sa'yo. I really wish you that, Alden." She sincerely said, nararamdaman ko naman yun. "Don't worry, you're already forgiven kahit sobrang sakit nung nangyari sa akin noon unti-unti ko na rin namang natatanggap yun ngayon, kaya rin ako pumunta dito para at least makausap kita. Kasi alam ko sa lahat ng taong kilala ko ikaw ang makakaintindi sa akin." I paused, then I looked to her and she just nodded. "Lately, may nakilala akong babae she is more like, Gail, pero hindi exactly, gusto niyang magpakamatay kaya pinigilan ko but then sa halos araw-araw na kasama ko siya minahal niya ko pero alam ko naman sa sarili ko na si Gail pa rin yung mahal ko. Naiipit lang ako dahil kung hindi ko siya pagbibigyan magpapakamatay siya ulit." "What a fool girl, anyway ang awkward, mag-advice sa'yo but just one thing, I wanted to tell you, kung hindi mo maramdamang masaya ka wag mo ng ipilit. Gan'yan yung nararamdaman ko nung ginugulo ko kayo ni Gail pero hindi ko tumigil kaya hindi lang naging maganda ang resulta. Hanapin mo kung saan ka magiging masaya, 'Den, yun ang pinakamahalaga, dahil kung hindi ka masaya ibig sabihin lang no'n na sa maling landas ka. Ako? I've already learned my lesson. I really hope na makita mo na ulit yung babaeng para sa'yo," nakangiting sabi niya sa akin. "Thank you, Megan, kahit paano gumaan yung pakiramdam ko pero hindi ko kayang ipangako na iiwan ko si Louise just for the sake of myself." "Whatever your decision, its your choice Alden, just make sure na sa lahat ng decision mo wala kang pag-sisisihan. I'm happy to see you again and as a friend you can call me anytime." "Thank you! Sana rin maging masaya ka sa bagong buhay mo ngayon, you've change a lot and it's good for you," sabi ko bago magpaalam sa kaniya. Kahit paano naman gumaan yung pakiramdam ko, gano'n nga siguro kapag na-settle na yung bagay na pinaka nakakapagpabigat sa nararamdaman mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD