CHAPTER 04 – HER WISHES CAME.
LOUISE' POV
Hindi ko alam kung bakit hindi ko masabi na wala naman talaga akong sakit at lalong hindi ko kayang sabihin na alam kong buhay si Gail. Natatakot ako na baka mawala siya sa akin, alam kong pagiging makasarili ang tawag do'n pero anong gagawin ko. Hindi ko kaya, dahil pag nalaman niya lalo lang mawawalan ng pag-asa na mahalin niya rin ako.
Siguro naman malabong magkita sila dahil nasa Cebu na sila Gail, I think they're not meant to be kaya sila pinaghiwalay at magkakaroon din ng pag-asa yung sa aming dalawa. Kaya ngayon sa bawat araw na magkasama kami, sisiguraduhin kong mamahalin niya rin ako.
"Ma, balak ko na pong bumalik ng Cebu this weekend. Nakatambak na rin ang trabaho ko do'n," sabi niya sa Mama niya, we are currently eatıng rıght now.
"Cebu? Anong gagawın mo dun?" Hındı siya pwedeng pumunta ng Cebu.
"6 months akong naka-base do'n at nakapagtayo na rin ako ng negosyo kaya yun na ang aayusin ko ngayon. May problema ba?" tanong naman niya.
"Pwede bang dito ka na lang? Wag ka nang pumunta ng Cebu," pigil ko sa kaniya, hindi siya pwedeng bumalik ng Cebu nando'n si Gail at nandoon yung pwedeng sumira sa pangarap ko.
Napatingin naman sa akin si Alden. "Sorry, pero kailangan ko na talagang bumalik. Nandito naman si Mama may makakasama ka pa rin."
"Pwede ba akong sumama sa'yo?" Kung di ko siya mapipigil pumunta do'n, ngayon pipilitin ko siyang isama ako.
"Wag na, baka makasama pa sayo, for your own good dito ka na lang muna mas mababantayan ka ni Mama. Hindi rin kita maaasikaso dun." Tanggi naman niya. Gosh! Ngayon pa lang gusto ko ng umiyak, hindi pwedeng magkita sila.
"Bahala ka!" Padabog kong binaba yung spoon and pork na hawak ko saka ako tumayo para lumabas ng bahay, halata namang nagulat sila pareho sa ginawa ko. I'm not usually like this kahit nag-iisang anak ako never akong nagpaka-brat pero ngayon kasi di ko na alam kung anong gagawin ko, natatakot ako at ngayon pa lang nasasaktan na ko.
Naglakad ako palayo sa bahay nila, wala kong pakialam kahit nakashort at spaghetti strap sando lang ako, kahit kumikidlat, wala rin akong pake. Di ko alam pero nasasaktan ako yung isipin pa lang na hindi niya ko kayang mahalin. Ang bigat na sa pakiramdam.
"Louise!" Narinig kong tawag niya but I never turn my back dahil ngayon pa lang naiiyak na ko. "Louise, ano bang problema?" Tanong niya sabay pigil sa braso ko.
"Wala akong problema!" Naiiyak na sabi ko.
"Bakit ka ba umiiyak?" Ang manhid talaga, napaiyak na ko ng malakas. "Louise, sabihin mo nga sa akin kung ano'ng problema mo?"
"Problema ko? Wala akong problema! Ikaw ang may problema dahil napakamanhid mo! Gusto lang naman kitang makasama, gusto ko lang na maramdaman mo na mahal kita pero ikaw wala kang ginawa kundi iparamdam sa akin na wala kang ibang mahal kundi yung asawa mo!" Sigaw ko sa kaniya, I never intend to confess pero hindi ko na kayang pigilan at itago pa yung nararamdaman ko lalo na ngayon na alam kong wala akong pag-asa. Halatang nagulat siya sa mga sinabi ko.
"Mahal mo ko? Baka naman naguguluhan ka lang, baka dahil lang ako yung laging na sa tabi mo kaya akala mo mahal mo ko." He was never been convinced.
"Bakit ba marunong ka pa sa nararamdman ko? Wag mo kong gawin tanga alam ko kung ano yung nararamdaman ko!" Tumalikod ulit ako at naglakad palayo sa kaniya. Ang sakit palang ma-basted. Alam ko naman kasing malabong mahalin niya rin ako bakit ba kasi umasa pa ko.
"Teka lang, Louise." Pigil pa rin niya sa akin.
"Pwede bang hayaan mo na lang ako. Mamamatay lang din naman ako, eh di, ngayon pa lang gagawin ko na. Wala naman akong dahilan para mabuhay pa, hayaan mo na lang ako!"
"Pwede ba, Louise, wag nga gan'yan kakitid 'yang utak mo! Gugustuhin mo pang magpakamatay kaysa sulitin yung buhay na natitira sa'yo."
"Wala kang pakialam dahil buhay ko 'to at ano bang alam mo sa nararamdaman ko! Hindi mo naman ako kayang mahalin hindi ba? Kaya pwede ba layuan mo na ko? Sana kasi hindi mo na lang ako pinakialaman no'n para hindi ako nasasaktan ng ganito," sabi ko bago tuluyan siyang talikuran.
ALDEN'S POV
Nagulat kami ni Mama ng bigla nagdabog si Louise dahil lang hindi ako pumayag na sumama siya. "Ano bang problema ng babaeng yun? Siya na lang itong nakikitira siya pa itong nagmamalaki," naiinis na sabi ni Mama.
"Susundan ko na lang siya, Ma." Di ko alam kung dahil ba yun sa sakit niya o ano pero nakakapanibago yung mga kinilos niya nitong mga huling araw.
Nakita ko siyang naglalakad palayo sa bahay namin, di pa naman siya malayo kaya tinawag ko siya pero hindi siya lumingon kaya tumakbo ako para pagilan siya. "Louise, ano bang problema?"
"Wala akong problema." Umiiyak na sabi niya kaya nagtaka ako.
"Bakit ka ba umiiyak? Sabihin mo nga sa akin kung ano'ng problema mo?" Ngayon ko lang siya nakitang ganito bukod nung una ko siyang makilala. Hindi naman siya ganito nung mga nakaraang araw.
"Problema ko? Wala akong problema! Ikaw ang may problema dahil napakamanhid mo! Gusto lang naman kitang makasama, gusto ko lang na maramdaman mo na mahal kita pero ikaw wala kang ibang ginawa kundi iparamdam sakin na wala kang ibang mahal kundi yung asawa mo!" That was the most surprising thing I've ever heard. Di ko naman kasi alam na aabot sa gano'n yung nararamdaman niya para sa'kin, dahil totoo naman yung sinabi niya na wala akong ibang mahal kundi si Gail.
"Mahal mo ko? Baka naman naguguluhan ka lang, baka dahil lang ako yung laging nasa tabi mo kaya akala mo mahal mo ko." Sa totoo lang hindi ko rin alam kung ano'ng sasabihin ko, dahil hindi ko naman kayang suklian kung ano man yung nararamdaman niya. Ang totoo kahit paano nararamdaman ko na may ganun na siyang nararamdaman para sa akin pero binabalewala ko lang yun.
"Bakit ba marunong ka pa sa nararamdman ko? Wag mo kong gawin tanga alam ko kung ano yung nararamdaman ko." Tinalikuran niya ulit ako.
"Teka lang, Louise." Pinigilan ko siya ulit
"Pwede bang hayaan mo na lang ako. Mamamatay lang din naman ako, eh di, ngayon palang gagawin ko na. Wala naman akong dahilan para mabuhay pa, hayaan mo nalang ako!"
"Pwede ba, Louise, wag nga ganyan kakitid 'yang utak mo! Gugustuhin mo pang magpakamatay kaysa sulitin yung buhay na natitira sayo." Di na ko nakapagpigil, bakit ba hindi niya kayang pahalagahan yung buhay niya hindi ba niya alam napakaraming taong gusto pang mabuhay pero hindi na nabigyan ng pagkakataon. Napakaraming tao ang gusto pang maranasang magmahal at mahalin pero laging hadlang ang kamatayan para sa iisang pangarap na yun. Hindi ko man nakasama si Gail sa mga huling sandali ng buhay niya pero alam ko, hindi rin niya ginusto ang mamatay at alam ko gusto pa rin niyang mabuhay ng matagal pero hindi na siya nabigyan ng pagkakataon.
"Wala kang pakialam dahil buhay ko 'to at ano bang alam mo sa nararamdaman ko! Hindi mo naman ako kayang mahalin hindi ba? Kaya pwede ba layuan mo na ko! Sana kasi hindi mo nalang ako pinakialaman no'n para hindi ako nasasaktan ng ganito."
Hindi ko kayang kalimutan si Gail pero siguro ito na rin yung tamang pagkakataon para hayaan ko yung sarili kong magmahal ulit. Pinigilan ko ulit siya pero this time niyakap ko na siya, alam kong nagulat siya. Di ko kayang ipangako sa kaniya na kaya ko siyang mahalin, pero siguro naman kaya ko siyang pasayahin sa mga huling sandaling natitira sa buhay niya. Alam ko in some part may kasalanan din ako dahil hinayaan ko siyang mahalin ako kahit alam kong hindi ko naman kayang suklian yun.
"BITAWAN MO KO!" Sigaw niya pero hindi ko siya binitiwan mas hinigpitan ko pa yung yakap ko sa kaniya.
"Hindi ko kayang ipangako sayo na kaya kitang mahalin sa huling mga araw na natitira sayo pero susubukan ko, Louise. Alam kong hindi madali pero hayaan mo kong pasayahin ka sa mga natitirang oras sayo." I sincerely said.
"Di ko naman sabing mahalin mo ko, ang gusto ko lang makasama kita sa bawat araw. Gusto ko lang maranasang maging masaya kahit minsan lang." Umiiyak pa ring sabi niya pero this time nakayakap na rin siya sa akin.
"Hayaan mo gagawin nating memorable ang bawat araw na magkasama tayo. Bukas din magbu-book ako ng flight para sa ating dalawa." Alam kong hindi pa ako handang magmahal ulit pero siguro naman napagaaralan ang bagay na yun. Although hindi ko alam kung paano dahil nung mahalin ko si Gail hindi ko alam kung paano nagsimula.
"Thanks, Alden. Thanks for giving me a chance, now I know I have my reason to live, please, just don't leave me behind. I just wanted to be happy even before I died."
"Tara na, pumasok na tayo sa loob, humingi ka na lang din ng pasensiya kay Mama, hindi niya nagustuhan yung ginawa mo kanina." Inalalayan ko siya papasok ng bahay. Nakita naming nagkakape si Mama sa may veranda.
"Ma'am, I'm sorry for my attitude, natatakot lang po talaga akong maiwanan na naman." Paliwanag ni Louise nakatingin lang si Mama sa kaniya bago tumingin sa akin.
"Alden, tomorrow night na ang engagement party ni Megan, I want us to be there para na rin lang sa pinagsamahan ninyong dalawa at para makapag-usap na rin kayo para dun sa mga nangyari. Hindi ka pwedeng tumanggi dahil hindi kita tinanggihan ng itira mo dito 'yang babaeng 'yan." Alam ko umpisa pa lang ayaw na niyang nandito si Louise I can't blame her.
"Don't worry, Ma. I'll come with you." Ayako ng gulo saka mabuti na rin siguro ang makapag-usap kami ni Megan. Tumalikod na ko kasama si Louise.
"Sino si Megan?" tanong naman niya sa akin.
"Mahabang kwento. Maganda siguro magpahinga na tayo, saka ayusin mo na rin yung mga dadalin mo para sa weekend, matatagalan din tayo do'n."
"Sige pero pwede bang samahan mo akong umuwi bukas sa bahay namin, karamihan kasi ng gamit ko nandoon, eh." Tumango lang ako saka ako dumeretcho sa kwarto ko.
Di ko maramdaman na masaya ako sa mga nangyayari ngayon sa buhay ko, di katulad no'n na makasama ko lang siyang kumain masayang-masaya na ko kahit pa lagi kaming nag-aaway. Siguro nga hindi ko na makakalimutan si Gail dahil habang nabubuhay ako nandito lang siya sa puso ko. Tinulog ko na lang yung hindi magandang pakiramdam na nararamdaman ko.
KINABUKASAN nagising ako dahil sa isang malaks na lagabog galing sa kwarto ni Louise, napabalikwas ako ng bangon at nagmamadaling pumunta sa kwarto niya.
I saw her lying on the floor, umiiyak siya at hawak niya yung ulo niya, she's terribly crying because of pain. Lumapit ako agad sa kanya. "Louise..." nag-aalalang tanong ko.
"Tu-tubi...g" Nagmamadali akong bumaba para kumuha ng tubig at binigay ko agad sa kaniya yun. May hawak na siyang gamot sa kamay niya kaya ininom na lang niya yun.
"Okay na ba pakiramdam mo o may masakit pa sayo? Gusto mo bang dalhin kita sa ospital ngayon?"
"Hindi, okay na ko. Kung pwede sana ikaw na lang ang umuwi sa bahay namin mas gusto ko kasing magpahinga, eh." Sabi niya sa akin, tinayo ko siya at inihiga sa kama niya. "Nandyan yung susi sa may drawer at eto yung address, malapit lang yan sa dagat kung saan mo ko unang nakita." Tumango lang ako sa kaniya at kinuha ko yung susi sa drawer niya.
"Sige ako ng bahala, magpahinga ka na lang dyan." Nagbihis na ko para pumunta sa bahay nila at nakapagpa-book na rin naman ako ng flight para bukas.
LOUISE' POV
Tumawag ako sa doctor ko pag-alis ni Alden, kahit na negative naman yung sakit ko natatakot pa rin ako. "Gano'n ba? Baka naman umiyak ka kagabi o napuyat ka. I already said that migraine is came to your stress, so please don't stress yourself. Ikaw ang unang dapat mag-alaga sa sarili mo." Paliwanag naman sa akin nung doctor.
"Sige po. Thanks, Doc." Nagsimula lang naman akong ma-stress simula ng mamatay sila Papa, mahirap naman kasi talaga tanggapin ang pagkawala ng mga magulang mo lalo na't sabay silang nawala sayo.
Biglang bumukas yung pinto kaya nagulat ako. "Ibinilin ka sa akin ng anak ko, kaya bumaba ka na para kumain. Wala kang katulong dito kaya wag kang umasta na parang prinsesa," sabi niya tapos tinalikuran ako pero bigla din siya lumingon. "Saka isang bagay lang ang gusto kong sabihin sayo kahit anong gawin mo hindi ka magagawang mahalin ng anak ko, ayoko lang na umasa at masaktan ka dahil sa tagal ng panahon subok ko na siya kahit kailan hindi niya makakalimutan si Gail. At ang masakit lang yung karibal mo matagal ng hindi nage-exist sa mundong ito at wala ka ng magagawa para mawala siya sa puso ng anak ko." Hindi ko alam kung para saan yun pero aaminin ko masakit pakinggan. "Bueno, tingin ko dahil sa nangyari sayo isasama ka niya mamaya sa engagement party, ayoko lang na gumawa ka ng gulo dun. Wag ka umasta na parang pag-aari mo na ang anak ko."
"Bakit po ba parang ayaw niyo sa akin?" Obvious naman.
"Hindi parang, dahil ayoko talaga sa'yo, dahil alam ko na kaya lang nagiging malapit sayo ang anak ko dahil lang sa malaki ang pagkakahawig niyo ni Gail. Kaya ayoko sayo dahil binubuhay mo lang ulit yung mga alaala ni Gail pero ano pang magagawa ko dahil sinabi na niya sa akin na pag-aaralan ka na niyang mahalin tapos ano mamamatay ka din tulad ni Gail?" Huminto siya tapos tinignan akong maigi, "Isang bagay pa kung bakit ayaw ko sayo, dahil makasarili ka, alam mo ng mamamatay ka pero gusto mo pa rin mahalin ka ng anak ko. Anong klaseng utak mayroon ka? Nakita ko na kung gaano siya ka-miserable nung mawala si Gail at ayoko ng makita pa ulit yun. Kaya ngayon pa lang binabalaan na kita. Tigilan mo na ang anak ko."
Hindi naman ako mamamatay, yun ang gusto kong sabihin pero hindi ko magawa dahil alam ko na kaya lang naman nananatili si Alden sa tabi ko dahil alam niyang may sakit ako. Siguro nga makasarili ako dahil hindi ko kayang sabihin yun at higit sa lahat hindi ko kayang sabihin na buhay naman talaga si Gail, masama ba? Masama ba na kahit ngayon lang mangarap naman ako ng para sa sarili ko, ilang taon. Ilang taon din akong nagbigay para sa iba, siguro naman panahon na para intindihin ko naman yung sarili ko.
Mahal ko na si Alden at yun yung bagay na hindi ko naman sinasadya, at yun din yung bagay na hindi ko alam kung paano ko iiwasan. Ang masakit lang kasi nagmahal ako nang isang taong alam kong hindi ako kayang mahalin.