[03] - HER STORY BEHIND.

2471 Words
CHAPTER 03 - HER STORY BEHIND. LANCE' POV "Gail, kailangan na nating umuwi." Aya ko agad sa kaniya ng makalapit ako. "Ganun ba? Sige, tara na." Mabilis namang sagot niya. "Ang bilis naman. Hindi niyo na ba hihintayin yung boyfriend ko, parating na yun?" Pigil naman sa amin ni Louise. "Hindi na. Kailangan na talaga naming umalis, eh. Nice meeting you, Louise. I hope we can see each other again." Sabi ko at mabilis ko ng inakay si Gail palayo kay Louise. Kumaway lang si Gail kay Louise. "Bakit parang nagmamadali ka?" Tanong naman sa akin ni Gail. Di ko alam kung dapat ko bang sabihin pero sigurado ako na si Alden yung nakita kong palapit sa kanila at sa tingin ko si Alden yung tinutukoy ni Louise na boyfriend niya. Mahal ko si Gail at alam kong mahal pa rin niya si Alden pero hindi ibig sabihin no'n ayokong magkita sila, ayoko lang na masaktan siya ulit ng dahil na naman sa lalaking yun. Di rin birong hirap ang pinagdaanan ni Gail ng dahil sa lalaking yun at yun ang hindi ko matanggap dahil kahit ilang beses na siyang nasaktan ni Alden, si Alden pa rin yung mahal niya. Kahit di niya sa'kin sabihin yun, yun pa rin yung nararamdaman ko. Sa loob ng isang taon naming magkasama naging sobrang mahalaga na siya sa akin at di ko na kakayaning makitang masaktan siya ulit. Kaya nga mas minabuti na lang namin na palabasin na lang na patay na siya. Nagtapat na rin naman ako sa kaniya ng totoong nararamdaman ko but she didn't accept that at dun ko naramdaman na hanggang kaibigan lang talaga ang tingin niya sa'kin pero hanggang ngayon di pa rin naman ako nawawalan ng pag-asa. Sinakay ko muna ng sasakyan si Gail baka kasi makita kami ni Alden, nakasakay na ako ng mapansin kong nakatingin siya sa gawi ni Louise kanina. "Siya ang dahilan kung bakit nagmamadali ka." Di ko alam kung galit ba siya o hindi. "Gail kasi--" "Buti na lang nakita mo siya kung hindi nakita na niya ako." Walang anumang emotion yung boses niya pero alam ko tinatago lang niya na nasasaktan sya. "Gail..." "Don't worry okay lang ako, para namang hindi pa ko nasanay pero alam mo parang ang joker ng tadhana 'no? Sa dami ng taong makikilala natin bakit yung girlfriend pa niya." I saw some tear drop on her eyes pero pinunasan lang din niya agad yun. Ayokong ipakitang naaawa ako sa kaniya dahil sinong tao ba naman ang gustong kaawaan. "Saan mo gustong kumain bago tayo pumunta ng airport?" Pag-iiba ko ng topic, alam ko sensitive topic sa kaniya si Alden kaya nga sa loob ng isang taon naming magkasama kahit minsan hindi namin siya napagusapan. GAIL'S POV Nakaakbay sa akin si Lance habang pabalik kami ng sasakyan nuya, nagulat nga ako kasi masyado suyang nagmamadali, eh, mamaya pa namang 7:00 yung flight namin pabalik ng Cebu. Nakasakay na ko ng sasakyan ng makita kong may kasama ng lalaki si Louise and for the record that was no other than, Alden De Leon. Ang nag-iisa at tanging lalaking minahal ko, akala ko sa isang taon na nakakaraan nakapag-move on na ko, akala ko nakalimutan ko na siya, akala ko natapos ko na lahat kaya nga mas pinili ko ang lumayo at palabasin sa lahat na patay na ko para di ko na mabalikan pa ang nakaraan ko pero totoo pala yung sinabi nila kahit kailan hindi mo matatakbuhan yung nakaraan mo. Akala ko hindi na ko masasaktan, pero hindi ang sakit pa rin. Bakit gano'n parang wala lang sa kaniya ang lahat, ang bilis niya naman akong makalimutan. Akala ko minahal talaga niya ko ng tunay, nakakatawa dahil hindi pala. May girlfriend na nga siya ngayon, eh. "Siya ang dahilan kung bakit nagmamadali ka," sabi ko kay Lance pagpasok niya ng sasakyan. "Gail kasi--"  "Buti na lang nakita mo siya kung hindi nakita na niya ako." Di ko nga alam kung mabuti ba talaga yun o magandang nakita na rin niya ako para siguradong tapos na ang istorya. Aminin ko man kasi o hindi alam ko hanggang ngayon umaasa pa rin akong mahal pa rin niya ako lalo na nung makita niya ko sa Cebu 6 months ago, lasing na lasing siya habang umiiyak pero asa lang pala yun dahil wala pala yung katotohanan baka nga kahit minsan hindi niya ko nakuhang mahalin, eh. "Gail..." "Don't worry okay lang ako, para namang hindi pa ko nasanay pero alam mo parang ang joker ng tadhana 'no? Sa dami ng taong makikilala natin bakit yung girlfriend pa niya."  Di ko naiwasang pumatak na naman yung luha ko. Nakakatawa lang kasi akala ko talaga tapos na ang paghihirap ko pero bakit feeling ko nagsisimula pa lang ang lahat. "Saan mo gustong kumain bago tayo pumunta ng airport?" tanong niya alam ko naman na ayaw ni Lance na nakikita akong nasasaktan kaya nga siya nagmamadaling ilayo ako, eh. Sa loob ng isang taon naming magkasama alam kong totoo yung nararamdaman niya para sa akin dahil kahit minsan hindi siya nag-take advantage, laging yung ikabubuti ko yung inuuna niya kaya nga hindi rin ako nag-take advantage nung magtapat siya sa akin dahil gusto kong maging totoo sa kaniya, ayokong lokohin siya at lalo na yung sarili ko. Kahit sobrang nahihiya ako sa kaniya dahil halos i-give up niya ang lahat para samahan lang ako. "Ayoko muna. Pwede bang pumunta tayo do'n sa dati naming bahay kahit sandali lang?"  1 year ago mula ng huli akong pumunta doon sa dating bahay namin ni Alden. Before the accident pagtapos ko malaman ang lahat wala akong ibang matakbuhan di ko alam kung sino ang dapat kong lapitan, naalala ko yung calling card na binigay sa akin ni Lance kaya siya yung tinawagan ko pero sa kasamaang palad, naaksidente ako at after malagay sa panganib ang buhay ko pumayag ako sa suggestion ni Lance na palabasin sa lahat na patay na ko of course except for Janela and Cedrick. Oo, pinatay na namin yung Abigail Salvador dahil Rivares naman talaga ang totoo kong apelyido at kahit kailan hindi na ako nakibalita pa tungkol sa nakaraan ko kahit silang tatlo walang anumang sinasabi sa akin. Dahil din sa tulong ni Lance kung bakit kami nakarating ng Cebu at doon namin hinanap ang totoong mga magulang ko pero sa kasamaang palad lang bago ko pa man din sila makita, kinuha na sila sa akin. Alam niyo bang napakasakit no'n kaya mas lalo akong nakaramdam ng galit sa kinagisnan kong ina. Dahil kung hindi dahil sa kaniya, eh, di sana hindi ganito kamiserable ang buhay ko, eh di, sana hindi ako nasaktan ng sobra at sana na sa tahimik akong kalagayan ngayon. At sana nakasama ko ng matagal ang mga totoong magulang ko, pero kahit isang segundo hindi ako nabigyan ng pagkakataon na makasama sila kaya yun ang kinasasama ng loob ko. Nagpasya rin ako na doon na lang manirahan kahit paano malayo sa mga taong nakakakilala sa akin pero di naman pumayag si Lance na ako lang ang tumira do'n. Bumili siya ng dalawang condo unit na magkatabi at do'n niya ako pinatira sa isa, alam ko napakalaking utang na loob ko kay Lance dahil kung hindi dahil sa kaniya hindi ko alam kung na saan na ko ngayon. Lagi akong may sandalan sa tuwing gusto ko ng umiyak at pag napapagod na ako. Kaya nagpapasalamat ako dahil na sa tabi ko lang siya palagi. Yan ang naging pangyayari sa buhay ko sa loob ng isang taon at ang pinaka-recent ay nung nakita ako ni Alden pero ang pinagpapasalamat ko na lang ay lasing siya nung time na yun. FLASHBACK "Di pa ko lasing, kaya ko pang maglakad." Narinig ko mula sa likod kaya napalingon ako feeling ko kasi familiar sa akin yung boses at hindi nga ako nagkamali.. "Gail!" Sinubukan kong lumayo agad "GAIL!" Pero huli na ang lahat dahil nahawakan at nayakap niya ko. "Gail, buhay ka! Sabi nila patay ka na pero kahit minsan di ako naniwala kasi alam ko buhay ko," sabi niya habang hawak ako sa magkabilang pisngi ko. "ANO BA!? HINDI AKO SI GAIL!" Sigaw ko pero sa totoo lang kinakabahan ako dahil hindi ko naman napaghandaan ang pagkikita naming 'yun, eh. "ANO BA!?" Sigaw ko ulit dahil ayaw niya akong bitiwan at sinampal ko siya ng malakas. "Uy pare, ano bang ginagawa mo? Makakasuhan tayo ng harassment nito, eh. Tara na nga, lasing ka na, eh." Pigil ng kasama niya sa kanya, kaya sinamantala ko na nagmamadali na kong lumakad palayo sa kanila. "Bitiwan mo ko, Astin! Siya si Gail, di ako pwedeng magkamali, bitiwan mo ko kailangan ko siyang makausap!" Narinig ko pang sigaw niya. Paano kung nakilala nga niya ako? "Pwede ba, pare, pang sampung beses mo na yata 'yang babae na 'yan, eh? Lahat na lang ng babaeng nakikita mo paglasing ka, si Gail. Wala ka ng ibang nakita kundi si Gail, brader, kahit anong gawin mo hindi na siya babalik sa'yo." Sabi ng kaibigan niya, kung ganun lagi siyang gan'yan. Pero sa pagkakataong ito hindi siya nagkamali ng akala. Talaga siguro maliit lang ang mundo para sa aming dalawa.  SIMULA ng araw na yun umiwas na kong dumaan ulit sa lugar na yun, dahil natatakot ako na baka makita ko siya ulit. Di ko alam  na dito ko pala siya ulit makikita, sa lugar kung saan ko unang naramdaman na mahalaga rin pala ako sa kaniya. Bakit ba kasi gano'n? Bakit ba hanggang ngayon hindi ko siya makalimutan? Bakit ba hanggang ngayon siya pa rin yung mahal ko? Pwede naman akong makalimot, ah, bakit ba hindi pa nangyari lahat ng yun, simple lang naman ang gusto ko ang maging masaya ako sa buhay ko pero bakit parang hindi kayang ibigay sa akin, bakit parang ang hirap naman sumaya? Saka bakit sa dami ng lalaking pwede kong mahalin bakit si Alden pa, bakit siya pa na wala namang ibang ginawa kundi ang saktan ako? Bigla akong inabutan ni Lance ng panyo, kaya napahawak ako sa pisngi ko. Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako. "Wag ka ng magpanggap na okay ka lang kasi obvious naman na hindi, eh. Pwede kang umiyak hanggang gusto mo dahil ako lang naman ang nakakakita, eh." Kinabig niya ako at hinayaan akong umiyak sa balikat niya. "Bakit ba kasi ang sakit-sakit pa din? Akala ko nakalimutan ko na siya, eh," sabi ko sa kaniya habang umiiyak, kay Lance ko lang nailalabas ng ganitong feeling ko. "Gano'n talaga, malalaman mo lang na nakalimutan mo na siya pag nakaya mo na siyang harapin ng walang anumang nararamdaman," sabi naman niya habang hinihimas ako sa buhok ko. "Sana natuturuan na lang ang puso kung sino ang dapat mahalin para wala ng nasasaktan." "Kung hindi tayo masasaktan, wala tayong matututunan," sabi naman niya, humiwalay ako ng yakap sa kaniya, "Ano, okay ka na ba? Gusto mo ba ng ice cream?" napatawa tuloy ako, lagi na lang niya akong ginagawang bata pag umiiyak ako. "Salamat, Lance, dahil nandyan ka palagi sa tabi ko. Di ko alam ang gagawin ko kung wala ka kaya sana wag mo kong iiwan," siya na lang ang lakas ko at kung mawawala pa siya sa akin di ko na alam ang gagawin ko, alam ko nagiging unfair na ko sa kaniya dahil alam ko namang may nararamdaman siya para sa akin, ang dapat nga pinapalayo ko na siya pero hindi ko kaya dahil siya na lang yung taong nandito palagi para sa akin.  "Kahit kailan hindi ako aalis sa tabi mo, Gail, kaya wag ka ng mag-isip ng kung anu-ano." Alam ko naman yun at nararamdaman ko yun. "Ano pupunta pa ba tayo dun sa dati niyong bahay?" tanong niya sa akin. "Hindi na muna siguro saka na lang pagbalik natin dito." Siguro nga hindi pa ko handang harapin ulit ang nakaraan ko, saka ko na lang haharapin yun pag may sapat na lakas ng loob na ako. ALDEN's POV Nakita kong nagmamadaling umalis yung dalawang kasama ni Louise pero parang familiar sila sa akin pareho.  "Sino yung mga kasama mo?" tanong ko sa kaniya ng makalapit ako. "Ah. Nakilala ko sila sa ospital." Biglang tumunog yung cellphone ko kaya nagulat ako. "Hello?" "Hello, anak. May tumawag sa akin may nagtangka daw magnakaw sa bahay ninyo ni Gail," nagpapanic na sabi ni Mama. "What? Sige po, papunta na ko." Kahit hindi ko alam kung paano haharapin ang bahay na yun, wala na kong pakialam nando'n lahat ng memories namin ni Gail kaya di ko hahayaang masira ng kahit sino yun. "Bakit?" Nagtataka namang tanong ni Louise. "Kailangan na nating umuwi may emergency." Di na siya nagtanong, nagmamadali kaming naglakad pabalik ng sasakyan ko. Nagmamadali akong nag-drive papunta sa bahay namin, halos paliparin ko na nga yung sasakyan ko. Pagdating namin do'n, nando'n yung mga guard sa subdivision, may mga police na rin. "Anong nangyari?" "Sir, may tatlong lalaki po kasi kaming nakitang papasok dito kaya pinuntahan po namin, nung ikutin naman po namin, wala na sila," sagot nung isang guard sa akin. "Gano'n ba?" nakahinga na ako ng maluwag, "Sige, makakaalis na kayo."  "Di na po ba kayo magpapa-imbestiga, sir?" angal nung isang police. "Hindi na." Ayokong lagyan ng kahit anomang masamang alaala ang bahay na 'to. Dahil gusto ko puro alaala lang namin ni Gail ang nakalagay dito. "Kung 'yan po ang gusto niyo." Nang makaalis sila pumasok kami, sinigurado kong walang anumang nawawala o nasira. Una kong pinuntahan ang kuwarto ni Gail pero pagpasok ko iba yung naramdaman ko, nakaramdam na naman ako ng sobrang lungkot. Kung pwede ko lang hilingin na sana nandito pa siya, sana pwede ko pa uling makasama siya. Pagbaba ko nakita ko si Louise na tinitignan yung wedding portrait namin, bigla siyang napatingin sa akin. "Sino siya?" "Si Gail, asawa ko." "Gail? Akala ko ba patay na siya?" Nagulat ako sa tanong niya. "Bakit?" Parang nagulat din siya sa tanong ko. "Ah, wala naman. Parang ang bata pa kasi niya para mamatay," biglang sabi niya. "Dito kami nakatira dati, simula nung malaman kong wala na siya hindi ko na ulit sinubukang pumunta pa dito. Dahil nandito lahat ng alaala namin at dito ko natutunang mahalin siya ng sobra pero masyadong masaklap ang istorya naming dalawa. Akala ko hindi na ulit ako makakapasok dito." Nakatingin lang siya sa akin at parang may gustong sabihin. "Bakit?" tanong ko ulit. "Wala," matipid na sabi niya. "Sino pala ulit yung mga kasama mo kanina?"  "Ah yun ba? Wala. Nakilala ko lang sila sa ospital tapos nakakuwentuhan."  "Ah. Ano pala sabi nung doctor mo, okay na ba yung pakiramdam mo?" Napatingin siya sa akin. "Gano'n pa rin. Kahit anong gawin ko, mamamatay pa rin ako. Ang saklap di ba?" Malungkot na sabi niya. "I'm sorry." nasabi ko na lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD