[02] - MISTAKE INTO BLESSING.

2374 Words
CHAPTER 02 – MISTAKE INTO BLESSING. LOUISE' POV It's been one month since nakilala ko si Alden and I admit that he's totally a gentleman. He is always there to help me, everytime na sumasakit yung ulo ko dahil sa sakit ko. Pero this past few days ramdam ko na parang may nagbabago bukod sa di na sumasakit yung ulo ko, ramdam ko na nagbabago yung pagtingin ko sa kaniya, di ko alam kung mali ba 'to o tama kasi alam ko naman na wala talaga siyang nararamdaman para sa akin. It was just a plain friendship pero di ko talaga mapigilan dahil sa mga pinapakita niya sa akin at alam kong hanggang ngayon mahal na mahal pa rin niya yung asawa niya. Dahil na rin sa pagbabago ng nararamdaman ko, nagpa-schedule ako ngayon sa doctor ko. Ang sabi kasi niya habang patagal nga patagal mas lalala yung sakit ko and time will come na hindi na ko makakatulog dahil sa sobrang sakit but this past few days, wala na yung sakit. Baka it was a good news baka nawawala na yung sakit ko, baka gumagaling na ko although it sounds like a miracle, sana talaga dahil gusto ko mabigyan ng pagkakataon yung sa amin ni Alden. Umaasa pa rin naman ako na mamahalin niya rin ako. Lumabas ako ng room na ino-occupy ko dito sa bahay nila Alden. Yeah! Till now nandito pa rin ako, at sa ngayon wala pa sa balak ko ang umalis. I was on the middle of the stair, when he called me. "Saan ka pupunta?" He asked me. "Pupunta ako ng hospital ngayon may schedule kasi ako ng checkup." I said. "Hintayin mo ko, magbibihis lang ako," sabi naman niya, it was a big favor for me. "Thanks but no thanks, kaya ko naman mag-isa. Kaya hayaan mo muna ko mag-isa ngayon, kung ano sasabihin ng doctor gusto ko, ako lang makarinig no'n dahil ayoko kaawaan ako." I honestly said,  di naman sa ayoko siyang kasama, ayoko lang na makita niya ulit ako sa kamiserablehan ko. "Okay, if that's what you want, go ahead and take care. Basta pag may emergency tawagan mo na lang ako." Yan! Paano ba naman hindi mahuhulog ang loob mo sa gan'yang klaseng tao. Sa totoo lang halos 24/7 ko siyang kasama, lalo na pag sinusumpong ako ng sakit ng ulo ko halos hindi siya natutulog. Tao lang din naman ako, hindi ko kayang pigilin yung sarili ko na hindi mahulog sa kaniya. Sana kung na saan man ang asawa niya mapatawad niya ako, di ko lang talaga kayang hindi mahalin ang isang taong tulad ni Alden. Lumakad na ako palabas ng bahay nila, nag-taxi na lang ako papuntang hospital. When I'm already there, I was walking through the hallway when one girl caught my attention. She horribly crying, I remember myself back then when I already know about my condition, she suddenly fell down so I run towards her, "Miss, are you okay?" Tumingin lang siya sa akin, her eyes was full of pain, umiiyak lang siya ng umiiyak. "Miss, can you get up? Get up, I'll help you." Nahirapan akong itayo siya, ramdam ko na nanghihina siya. "Gail!" Someone shout on my back so I turn my back, he's running towards us, "Gail, anong nangyari?" I couldn't recall pero pakiramdam ko narinig ko na yung pangalan na yun, kinuha niya yung babae mula sa pagkakaalalay ko. "Lance!" Then she hugged him very tight, she cries on his shoulder. "Miss, ano'ng nangyari?" He asked me. "Louise, you can call me Louise. I don't know what happened basta nakita ko na lang siya na tumumba habang umiiyak." Sa tingin ko may malaki siyang problema. "Gano'n ba? Salamat." Sabi niya habang  hawak pa rin yung babaeng tinawag niyang Gail. "Lance, umuwi na tayo." Gail said, kung titingnan masasabi mong may relasyon sila. Well, bagay naman sila, ma-swerte si Gail dahil tingin ko mahal na mahal siya ni Lance. "Louise, salamat ulit, mauna na kami," paalam niya kaya tumango lang ako sa kaniya then binuhat niya si Gail. Well, she's a little bit lucky to have a guy like him on her side. Napangiti na lang ako, sana umabot din kami ni Alden sa ganiyang estado. Naglakad na ako papuntang clinic ng doctor ko, I knocked when I was on the front of the door then I came in. "Good morning, Doc." "Yes, Miss Dela Torre, you may seat down." Naupo ako sa upuan sa harap ng table niya. "I think, I already knew your concern." I nodded, "You came here because conflict yung mga sinabi ko sa nararamdaman mo right now, tama ba?" I nodded again, "I knew it, I'm so sorry, Miss Dela Torre, may malaking pagkakamaling nangyari." "What do you mean, Doc?" "Nagkapalit kayo ng MRI result nung isang patient ko," puno ng pagsisisi na sabi niya, "I'm so sorry, Miss Dela Torre, for that mistake." I don't know but the tears suddenly fell down on my face. "Sorry? How could you say I'm sorry to the person who's almost killed herself just because of your mistake?" sigaw ko sa kaniya, "Hindi niyo ba alam na halos magpakamatay na ko nung malaman kong limang buwan na lang ang natitira sa buhay ko? Tapos sasabihin niyo sa akin, I'm sorry!" tuloy-tuloy lang ang pagpatak ng luha ko, "Kung natuluyan ako maibabalik pa ba ng sorry niyo yung buhay ko! You son of bitch." "Sorry for that, Miss Dela Torre, we've already gave sanction to the nurse who made this mistake. I am really sorry, Miss Dela Torre." I can see the sincerity in his eyes, kumalma ako, alam ko wala naman may kagustuhan ng nangyaring ito. Anyway, kahit paano naman may maganda ring naidulot yun kasi nakilala ko si Alden, kung di sila nagkamali di ako magsu-suicide at hindi ako makikita ni Alden sa gano'n kalagayan. Now, I know everything happens for a reason. "Kung wala akong brain cancer, anong sakit ko?" "It just a plain migraine, Miss Dela Torre, I know you feeling better now, and I guess you already overcome your stress because your migraine came to that stressed. So, I'll give you a stress reliever for the mean time and don't worry that was for free."  He gave me that one plastic bottle and I accept it. "Then, kung gano'n, sino yung patient na nakapalitan ko ng result?" "Sorry, but I can't say about that information, pinagbabawal sa amin 'yan. Nalaman ko lang din na nagkapalit kayo ng result, nung pumunta siya dito yesterday then nalaman na nga namin yung result kahapon and then naka-receive ako ng text coming from you. Then, chineck ko kung ano'ng date kayo nagpa-test, that day dalawa lang naman kayong nagpa-MRI, so I know na kayo ang nagkapalit ng result." "Talaga bang 5 months na lang?" I just felt the concern kasi alam ko kung ano yung pakiramdam ng ganun dahil nga sa pagkakamaling nangyari. "Till now I couldn't say that, yung 5 months safest ground na yun, pwedeng lumagpas." He pause then tumingin ng seryoso sa akin. "Pwedeng mas maaga." I was shocked, kung sa akin noon pakiramdam ko parang kulang ang limang buwan para gawin ko lahat ng gusto ko, siya pa kaya na hindi alam kung kailan siya mawawala. I felt happy when I came out to that hospital, dati pa ko pinipilit ni Alden na magpatingin ulit dahil nga nag-aalala siya sa akin pero that time di pa ako ready. Pero ngayon dahil sa kaniya, naramdaman ko sa sarili ko na gusto ko pang mabuhay. Gusto ko pa siyang makasama ng mas matagal, at ngayon pinagbigyan ako kaya sisiguraduhin ko na mamahalin niya rin ako. For the mean time, hindi muna ako umuwi sa bahay nila Alden, pumunta ako do'n sa dagat kung saan kami unang nagkita ni Alden at nakuwento niya rin sa akin na memorable daw sa kaniya ang lugar na 'to dahil dito niya unang na-realize na gusto niyang makasama habang buhay yung asawa niya. Kaya umaasa ako na baka dito din niya ma-realize na may feeling siya para sa akin. I sat on the sand, ang sarap mag-celebrate ngayon pero mamaya ko na sasabihin sa kaniya. Gusto ko muna mapag-isa. Tumayo na muna ulit ako para maglakad-lakad, naglalakad-lakad na ko nung may mapansin akong parang familiar sa akin lumapit ako sa kanila. "Bakit ba?" Narinig kong tanong ni Lance. "Wala may naalala lang ako," sagot naman ni Gail. "Himala sinasabi mo na ngayon 'yan." "Hi there." I interrupt them. "Oh, taga dito ka lang ba sa malapit, miss?" tanong ni Gail. "Yes, pero sa ngayon nakatira na ko sa bahay ng boyfriend ko." I sweetly smile to them, nakakakilig palang isipin na boyfriend ko na si Alden, "Kayo? Mag-asawa ba kayo o mag-boyfriend?" they both laugh at me. "We're just best friend," Gail said. "Best friend? Pero bagay kayong dalawa more than that." "Many people already said that pero di kami talo nito, lalaki kaya 'tong si Gail." Then Lance laugh when Gail hit him, ang cute nilang tingnan but base on my observation Lance has a feeling for Gail, more than just friends. "Nakakatuwa naman kayo. Gaano na ba kayo katagal magkasama?" I asked. "Almost 1 year pa lang naman, right?" Then he looked to Gail, she just nodded to him. "Nakakatuwa naman. Anyway bakit ka pala umiiyak kanina?" "Wala naman, naalala ko lang yung Mama ko." Gail said. "Bakit? Na saan na siya?" I'm just curious about her, para kasing may connect kami sa isa't-isa. She smiles bitterly. "Namatay siya bago ko pa siya makilala." I can't understand pero di na ko nag-tanong I felt it just a sensitive topic. "Ako naman namatay parents ko sa car accident, 1 year ago." I just want to make sympathy, she just nodded then smiles but behind that smile I feel that she is not happy. Di ko alam pero parang nakikita ko yung sarili ko sa kaniya, parang marami na siyang sakit at hirap ng pinagdaanan katulad ko, "Taga saan pala kayo?" "We'll back to Cebu later." Lance said. "So taga-Cebu pala kayo, bakit kayo napunta dito?" "Dati taga dito din kami sa Manila, lumipat lang kami do'n dahil taga Cebu yung parents ko. Nanganak kasi yung best friend ko kaya napadalaw kami dito, siya yung dinalaw namin dun sa hospital kanina." Sabi naman ni Gail, nakikita ko sa mga mata niya na naiingit siya dun sa best friend na sinasabi niya.  "Ladies, wait may bibilin lang ako." Paalam sa amin ni Lance, we'll just nodded. "Happily married na yung best friend mo?" I asked. "Oo, super happily married na," nakangiting sabi niya. "Bakit di mo pa sundan?" biro ko sa kaniya. "Nah! Kung alam mo lang." Tapos nag-iwas siya ng tingin, "Bakit pala di mo kasama yung boyfriend mo?" Biglang pag-iiba niya ng topic. "Di ko na pinasama, lagi na lang kasing nakabuntot, eh, para naman mamiss niya ko." Nakakatawa talaga, di naman totoo pero kinikilig ako lalo pa siguro pag nagkatuluyan kami. "Mahal na mahal ka siguro niya kaya siya gano'n sa'yo." Sana nga. "Kayo ni Lance wala ba kayong balak gawing more than best friend ang status niyo?" biro ko ulit sa kaniya. Natawa naman siya. "Parang kapatid na lang turing ko kay Lance, saka alam naman niya ang kuwento ng buhay ko kaya di talaga pwede." "Pero siya ba ganun din ang turing sa'yo?" "Napag-usapan na naman namin yun kaya di na problema yun saka mahalaga na rin sa akin si Lance at hindi ko kayang mawala rin siya sa akin kaya nga mas pinili ko kung saan alam kong mas tatagal kami." Nagtapat na pala sa kaniya si Lance di ko alam kung anong ikinatatakot niya at ayaw niyang bigyan si Lance na chance, tingin ko kasi mas bagay sila higit pa isang magkaibigan. "Mukhang malalim na nga ang pinagsamahan niyo." "Oo, kaya mas mahalag sa akin yung pagkakaibigan namin. Yun ang gusto kong ingatan hanggang sa mamatay ko." She's smiling while saying this to me, ramdam ko yung bawat sinasabi niya. I'm going to speak when my cellphone rang. Alden Calling... "Sige sagutin mo na baka boyfriend mo 'yan?" Gail said then I smiled to her before I hit the answer button. "Hello?"  "Na saan ka na? Limang oras ka ng nawawala." I didn't expect na inoorasan pala niya ako, napa-smile tuloy ako. "Nandito ako sa beach kung saan tayo unang nagkita." "Don't tell me—" "Nope." I cut him off, "I never do that again. Nagpapahangin lang ako saka balak ko ring dumaan sa bahay namin." "Okay. Susunduin na kita d'yan, hintayin mo na ako. I'm on my way." Napa-smile na naman ako, nakakatuwa kasi gano'n pala siya nag-aalala sa akin. "Okay." Then I end up the call. "Nag-aalala na ba siya sayo?" Gail asked me. "Medyo, five hours na daw akong nawawala. Imagine that, nabilang niya pa yun." Natatawang sabi ko, I just can't help it. "Mukhang mahal na mahal ka niya, ah." Sana nga gano'n yun. ALDEN's POV "Don't worry, pare, babalik na ko dyan in just two weeks. Then matutuloy na natin yung plano natin." I said to Astin, tumawag na naman kasi siya sa akin at ngayon para matahimik na siya pagbibigyan ko na siya. "Okay, pare, siguraduhin mo lang dahil in two weeks later magse-set na ko ng appointment sa Advertisement Agency para sa plano natin." "Okay, sige." Papunta ako ngayon ng hospital kung saan naka-appointment si Louise dahil limang oras na siyang nawawala. I dialed her number, ilang ring muna bago niya yun sinagot. "Hello?" "Na saan ka na? Limang oras ka ng nawawala." I asked her, kanina pa kasi ako naghihintay ng tawag niya kaya nag-aalala na ko ngayon. "Nandito ako sa beach kung saan tayo unang nagkita." "Don't tell me—" "Nope." Putol niya sa sasabihin ko. "I never do that again. Nagpapahangin lang ako saka balak ko ring dumaan sa bahay namin." "Okay. Susunduin na kita d'yan, hintayin mo na ako. I'm on my way." Nag U-turn ako sa unang U-turn na nasalubong ko. "Okay." Then she ends up the call. Pagdating ko do'n, medyo malayo yung napagpark-an ko sa pwesto ni Louise, she is with someone else pero dahil malayo di ko masyadong makita. I step towards them.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD