CHAPTER 09 – HER REAL CONDITION. GAIL'S POV "Teka lang, Lance!" Pigil ko sa kaniya na sa labas na kami ngayon ng restaurant ng hotel, tumigil naman kami. "Paano ang Papa mo magagalit na naman siya pag nalaman niyang na-terminate yung contract." "Bakit handa ka na bang makipag-usap sa kaniya? Handa ka na bang aminin sa kaniya yung totoo? Handa ka na bang harapin lahat ng sasabihin niya sayo?" Sunod-sunod na tanong niya, hindi naman ako nakasagot. Handa na nga ba ko? "Tingnan mo, ayokong ilagay ka sa gano'ng sitwasyon, Gail, kung hindi ka pa handa wag mong pilitin yung sarili mo para lang sa akin dahil kayang-kaya kong harapin si Papa." "Pero baka nga kaya niya tayo tinanggihan dahil sa akin, eh, paano kung ginagamit lang niya 'tong project na 'to para pahirapan ako?" "Kaya nga tinatano

