CHAPTER 10 – STOLEN KISS. GAIL'S POV 'Marry me again, Ms. Rivares?' Paulit-ulit pa rin yung nagpa-flash sa isip ko, hindi ko alam kung bakit at kung ano bang dapat na maging desisyon ko sa gusto na yun ni Alden. Kanina pa ko nakauwi pero hanggang ngayon yung pag-uusap pa rin namin ang na sa isip ko. "Gail, ano'ng gusto mo for dinner?" Napatingin naman ako kay Lance. "Lance, paano kung magpakasal ulit kami ni Alden?" Balik tanong ko naman sa kaniya, hindi ko kasi talaga alam kung ano ba yung dapat na maging desisyon ko. Ang sinabi ko lang sa kaniya bigyan niya pa ko ng kaunting time para mag-isip sa gusto niyang mangyari, and he gave me 24 hours to think about it. Napatulala naman siya sa akin, "Seriously, Gail?" "Just what if Lance, what do you think?" "It is all up to you, Gail, pe

