Chapter 1.3: Familiar Face, Familiar Feelings

675 Words
“`YONG mga bababa ng Greenfield, pwede na dito,” anunsiyo ng konduntor ng bus na sinasakyan ko. Napapitlag ako sa kinauupuan nang marinig iyon. Dali-dali kong isinukbit sa mga balikat ang dala kong backpack. Bumaba na ako ng bus at naglakad sa may pasilyo ng Greenfield District. Nakailang hakbang pa lang ako nang mapatigil ako sa aking paglalakad. Natutok ang tingin ko sa isang lalaking naglalakad papasok ng McDo. The man felt faintly familiar to me. Mabilis nga lang siyang nakapasok kaya hindi ko nabistahan ang mukha niya. Pero kahit hindi ko nakumpirma kung tama ang nasa isip ko, biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Nag-panic din ang isip ko. No! It’s not him, mariing tanggi ng isip ko. Ipinilig ko na rin ang aking ulo para mawala sa lalaking iyon ang atensiyon ko. Pagkuwa'y inilibot ko na lang ang aking paningin sa paligid. Wala akong nakikitang pagbabago sa lugar. Gano’n pa rin ang ayos nito tulad ng dati kung saan unang beses akong makapunta rito isang taon na ang nakararaan. Pinasadahan ko ng tingin ang suot kong wristwatch upang tingnan kung anong oras na. Fifteen minutes bago mag-alas-dose ng tanghali. Natuwa ako nang malaman mas maaga ako para sa oras na napagkasunduan naming pagtitipon.  Alas-dos pa ang call time namin kaya naman napagpasyahan kong maglibot-libot muna sa Greenfield. Ngunit bago ko pa iyon magawa ay naramdaman ko ang pagkalam ng aking sikmura. Minabuti kong dumeretso na lang muna sa Jollibee para mag-lunch. Mamaya na lang akong maglibot pagkatapos kong kumain at kapag may oras pa. May mangilan-ngilan na rin kumakain sa Jollibee nang pumasok ako. Pumila na kaagad ako sa counter at baka dumagsa pa ang mga customers lalo at magtatanghalian na. Nang makuha ko na ang aking order ay naghanap kaagad ako ng puwesto. Sakto at may bakanteng mesa at upuan sa isang sulok, doon ako pumuwesto. Naramdaman ko uli ang pagkalam ng aking sikmura nang malanghap ko ang amoy ng chicken joy. Ramdam ko na ang gutom lalo pa at hindi ako nag-almusal. Kaya naman dali-dali ko na iyon pinapak. Habang sarap na sarap ako sa pagpapak sa chicken joy ay naisipan kong mag-online para mag-check ng update sa group chat ng Calayan tour. Wala akong nakitang bagong updates doon. Ang last na message pa ay ang itinerary namin para sa Calayan na galing kay Ryan, na siyang magiging tour lead namin sa Calayan. Akmang i-o-off ko na ang data connection ng phone nang biglang may pumasok na notification sa Messenger ko: Justelle Belleza added King Rham Evangelista to the group. Napatigil ako sa ginagawang pagkagat sa chicken joy nang mabasa iyon. Dinampot ko kaagad ang pineapple juice at sumimsim dito. Pakiramdam ko kasi ay nabulunan ako. King Rham Evangelista, inulit kong basahin sa isip ang pangalan iyon sa pagbabakasaling namalikmata lang ako. Ngunit hindi ako namamalikmata. Pangalan nga niya ang nabasa ko. Pero bakit siya in-add sa group? Kasama ba siya sa Calayan? I breathed a heavy sigh of exasperation. Ilang minuto lang ay nasagot ang mga tanong ko sa isip nang may mag pop-up na message sa group chat. Hi, Guys! It’s me, King Rham. Since Ryan has an important meeting to attend this week, so I’ll be your lead for our Calayan trip. Kita kits! Halos maibuga ko ang iniinom kong pineapple juice dahil sa nabasa ko. Holy s**t! Kasama siya? Bakit? Hindi pa rin ako makapaniwala nang mga sandaling iyon. Gusto kong balewalain ang samu’t saring isipin ngunit hindi ko magawa. Naalala ko bigla `yong nakita kong lalaki na pumasok sa McDo kanina. Maybe it was him. At kung siya nga iyon malamang nakita niya ako. Shit! Nag-panic na naman ang isip ko sa isiping si Rham nga iyon nakita ko kanina. Hindi ako mapakali sa aking kinauupuan lalo na at ang isipin na nasa iisang lugar lang kami ni Rham at anumang oras ay pwede kaming magkita. “What am I going to do?” I said, my voice containing a hint of the panic I felt. Pero teka lang, bakit ba ako naaapektuhan nang ganito sa pag-aakalang magkikita kami? Biglang sumariwa sa isip ko ang mga alaala nang una kong makita at makilala si Rham sa isla ng Burias.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD