Chapter 1.2: Guia and The Closet Me

1008 Words
NAG-AABANG na ako ng jeep na patungong Grand terminal nang bigla kong maalala si Guia. Speaking of her, kailangan ko siyang matawagan para ipaalam ang ginawa kong pagsisinungaling sa mga magulang ko. Kailangan kong ipaalam sa kanya na idinawit ko siya sa kasinungalinan ginawa ko. Kinuha ko ang cell phone sa bulsa ng aking pantalon at idinayal doon ang numero ni Guia. Ngunit nakailang dial na ako ay out of coverage pa rin ang phone niya. Mamaya ko na lang siya uli tawagan kapag nasa bus na ako para mas marami akong maikuwento sa kanya at ng makapagpaliwanag rin ako nang maayos sa kanya. Sigurado ako na maiintindihan niya naman ang ginawa ko dahil kaibigan niya ako. Yes, Guia is my best friend. Kung ang iba ay may tinatawag na ‘one and only love,’ ako naman, mayroon akong ‘one and only best friend,’ at si Guia `yon.  I’ve met her unang araw pa lang ng pasukan namin noon sa High School. I was walking along the campus that time na mag-isa nang makasalubong ko siya. Na starstruck ako noon hindi dahil sa ganda niya kundi dahil sa guwapong kasama niya. `Ayun, bigla akong nawala sa aking huwestiyo, tuloy nabangga ko siya. I said sorry to her, at dali-dali akong lumakad palayo. Ngunit hindi pa ako nakakalayo sa kanila nang tawagin niya ako. Pinauna na niya ang kasama niya na napag-alaman kong kuya pala niya. Na-shookt ako nang makita kong sinundan niya ako. Kala ko naamoy niya ako ngunit hindi pala. She was wearing her loveliest smile habang papalapit sa akin, kaya nginitian ko rin siya. Doon napag-alaman ko na magkaklase pala kami. From there, our friendship began. Honestly, I am lucky to have her as best friend. Kahit na nang unang kita pa lang namin ay inamin niya sa akin na nagugwapuhan siya sa akin at gusto niya ako. At doon, first time kong inamin sa ibang tao ang pagiging bakla ko. Inamin ko kay Guia na bakla ako, at hindi siya ang type ko. But she stays with me as my friend at hindi niya ako iniwan. Hindi nagbago ang pagtingin niya sa akin. Hindi rin iyon nabawasan bagkus nadagdagan pa. Nasasabi ko sa kanya ang lahat ng mga sekreto ko at mga kabaliwan ko. Sa totoo nga, sila lang ng ate niya ang nakakaalam na isa ;na nagpa-part time ako bilang isang fashion designer. At hindi iyon alam ng mga magulang ko. Fan na fan kasi si Guia sa mga gawa kong designs kaya ni-recommend niya ako sa ate niya na isang Marketing Head ng Mystique na mag-apply muna as part-time fashion designer habang hindi pa ako nakaka-graduate. Nagustuhan naman ng management ng Mystique ang mga designs na ipinasa ko kaya tinanggap nila ako. Mag-full time na lang daw akong fashion designer nila kapag naka-grduate na ako. Kaya nga ang laki ng pasasalamat ko kay Guia dahil sa laki ng naitulong niya sa akin bilang isang kaibigan. At sa sobrang close namin ni Guia, lahat ng sekreto ko nao-open ko sa kanya. Minsan pa nga, napagkakamalan kaming mag-jowa. Well, pabor sa akin ang gano’n dahil mas natatago ko ang totoong kulay ko. At naiintindihan ako ni Guia. Naalala ko pa nga kung paano kami tanungin ni Papa ng minsan madatnan niya kami ni Guia na nagre-review sa sala . “Anak, nililigawan mo na ba itong si Guia?” Napatigil ako sa ginagawa dahil sa tanong na iyon ni Papa. Iniangat ko ang mukha mula sa aking binabasa at sinalubong ang tingin ni Papa. “A-ah, `Pa, kasi –“ “Opo, Tito,” pagpapatuloy ni Guia sa sasabihin ko. Tiningnan ko si Guia. Nginitian niya ako. “Mabuti kung gano’n,” nakangiting sabi ni Papa. “Ano may pag-asa ba ang anak ko?” “Opo naman, Tito,” sabi ni Guia na nakangiti pa rin. Mukhang lalong na-excite si Papa sa narinig. “Gusto ko `yan.” “Kaya lang po, `Pa, hindi pa ako sinasagot ni Guia at kailangan muna namin mag-focus po sa pag-aaral.” Tumitig sa akin si Papa. “Okay lang `yan, anak, basta `wag mo nang pakawalan si Guia,” nakangiting sabi ni Papa. “Gusto ko kasi kayo ang magkatuluyan,” pagkasabi niyon ay nagpaalam na siya, saka tuluyan nang pumasok sa kanilang kwarto. Naiwan kaming walang imik ni Guia. Nagkatinginan, nagkangitian. Kapagkuwan, niyakap niya ako. Magmula nang makilala ko si Guia ay hindi na ako naghanap at tumanggap pa ng ibang kaibigan. Guia is enough for me. I am nice and kind to anyone, ngunit hindi ako ang tipo ng tao na palakaibigan. Ewan ko ba, bata pa lang kasi ako, sinanay ko na ang sarili ko na maging ganito: mahiyain, tahimik, at laging may sariling mundo. Takot akong magpapasok ng mga tao sa buhay ko. Natatakot kasi ako na kapag naging close ako sa kanila ay baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at bumigay ako. Hindi pwedeng ilabas ko ang totoong kulay ko. Kailangan kong itago kung sino ako at kung ano ang totoong nararamdaman ko for the sake of my fathers’ uniform. Kaya mas pinili ko na lang na `wag masyadong makipag-close sa mga tao. Minabuti kong dumistansiya sa kanila. Mas okay na rin kung kaunting tao lang ang kakilala ko at nakakaalam ng buhay ko. Sabi nga nila: less people, less drama. Mabuti na lang at nandiyan si Guia. She understands my situation lalo na at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin tuluyan maamin sa mga magulang ko ang totoong nararadaman ko. Ang totoong ako. Definitely, I’m gay. Alam ko sa sarili ko na bakla ako. Walang duda. Pero hindi ko ito masabi sa mga magulang ko lalong-lalo na sa Papa ko. The last time I tried to show it out, sinaktan niya ako physically and emotionally. Ten years ago na ang nakalilipas ngunit ramdam ko pa rin ang sakit dito sa puso ko. Simula n’on pinilit kong magpakalaki kahit labag sa gusto ko. Pinilit kong kumilos na parang lalaki alang-ala sa Papa ko. Pero kahit anong gawin ko, kahit anong pilit ko magpapakalalaki… mas nagingibabaw pa rin ang pagiging pusong babae ko. Ngunit kailangan ko `yon itago. Kaya hanggang ngayon, I’m still hiding in my closet. Ang hirap nang ganito, mga beshie. Ang hirap. Pramis!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD