Chapter 1.1: Calayan Tour

850 Words
MALAKI ang natanggap kong payment mula sa latest project ko bilang isang part-time fashion designer, kaya nag-decide ako na kunin ang slot ni Josh para sa Calayan tour niya. Josh and I are friends on f******k but not sure in real life. Nakilala ko lang siya during our travel sa isla ng Burias kung saan first time kong mag-travel at sumama sa isang travel group. From there, we exchange contacts and other social media accounts. Ngunit hindi naman kami madalas mag-exchage ng mga messages ni Josh, kaya gano’n na lang ang pagkagulat ko nang mag-chat siya ngayon at in-offer sa akin ang slot niya for Calayan tour. Hindi kasi siya makakasama at may emergency sa family niya. At dahil summer naman at kakatapos lang ng graduation ko, g-in-o ko na. Isa pa, parang na-miss ko na rin ang mag-travel, na-miss ko na ang magbabad sa beach. Totoo nga ang sabi nila, na kapag naumpisahan mo na ang mag-travel, hahanap-hanapin na ito ng katawan mo. Kaya ngayon, heto ako at nagkukumahog sa pagpi-prepare ng mga gamit na dadalhin ko. At sa sobrang excited, hindi ko tuloy alam kung alin ang uunahin: kung magpapaalam ba muna ako sa mga magulang ko o mage-empake ng mga dadalhin ko. Ngunit sa huli ay mas pinili ko na lang unahin ang pag-empake. Mamaya na lang ako magpapaalam kapag paalis na ako para madali na lang sa kanila ang payagan ako. Habang naglalagay ako ng mga damit sa backpack ay pinasadahan ko ng tingin ang oras sa wall clock na nakasabit sa dingding ng kwarto ko. Mag-a-alas-otso na ng umaga ayon dito. Kinalkula ko sa isip ang magiging oras ng biyahe ko mula Lipa hanggang Ortigas, kung saan doon ang meet up naming mga joiners. Aabot naman ako sa call time na napag-usapan kahit alas-nuwebe ako umalis ng bahay. Pero kahit na, maganda kung mas maaga ako. Mahirap na baka maiwan pa ako. Ayoko pa naman sa lahat ang naiiwan. Kunsabagay, ikaw lang naman ang nang-iwan. Ipinilig ko ang ulo sa biglang pagsulpot ng isiping iyon. Nang matapos ako sa pagligpit ng mga gamit ay kaagad na akong lumabas ng aking kwarto. “Ma, si Papa?” bungad ko kay Mama nang madatnan ko siyang nanunuod ng palabas sa sala. Wala rin siyang pasok sa ngayon dahil summer at wala rin klase. Grade School Teacher kasi siya sa isang public school dito sa Lipa, samantalang si Papa naman ay isang pulis na nakadestino rin sa lugar namin. “Pumasok na si Papa mo kanina pa,” sabi ni Mama, hindi man lang inaalis ang tingin sa pinapanood. “Kumain ka na lang diyan at nauna na kami ng Papa mo. Ba’t ba kasi ang tagal mong lumabas ng kwarto?” Nakatuon pa rin ang atensiyon niya sa pinapanood. Dahan-dahan akong lumapit sa kinaroroonan ni Mama. “Magpapaalam po sana ako, `Ma,” sabi ko nang tuluyan akong makalapit kay Mama. Tiningnan ako ni Mama nang mataman nang mapansin niya ang dala kong bag. “O, anak, saan ka pupunta?”tila gulat na tanong ni Mama. “Magbabakasyon po ako sana ako, `Ma,” pasakalye ko. “Limang araw po sana, `Ma, sa may Calayan po.” Nagulat si Mama sa sinabi ko. Hindi ko alam kung saan siya nagulat. Kung sa pagbabakasyon ko ng limang araw o sa lugar na pupuntahan ko? “Limang araw talaga? At saan kamu? Calayan? Saan `yon?” sunod-sunod na tanong niya. Kung makapagtanong naman `tong si Mama ay daig pa ang imbestigador. Kunsabagay, ikaw ba naman ang may asawang pulis. “Sa may Cagayan po, `Ma, lagpas po ng Aparri.” Ang bilugan mga mata ni Mama ay lalong lumaki pa dahil sa narinig. “Dios mio, anak, ang layo n’on, baka mapaano ka,” may himig pag-alala sa boses ni Mama. Umupo ako sa tabi ni Mama. Ginagap ko ang mga kamay niya. “Ma, relax,” pang-aalo ko sa kanya. “May mga kasama naman po ako papunta ro’n.” Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Mama. Bumalik na sa normal ang mga mata niya. “Kasama mo si Guia?” may ngiti sa mga mata niya nang mabanggit ang pangalang iyon. Dahil sa naging tanong na iyon ni Mama ay nakaisip ako ng magandang idea. Lord, patawarin niyo po ako sa gagawin ko. Tinanggal ko muna ang bara sa lalamunan ko bago muling nagsalita. “Y-yes po, `Ma,” pagsisinungaling ko. Yes, it was a lie. Kung lie detector lang ang mga kamay ni Mama na ngayon ay hawak ko pa rin, malamang nangisay na ako. Dahil ang totoo ay hindi ko naman talaga kasama si Guia sa pagpunta sa Calayan. At isa pa, wala akong ideya kung sino ang mga makakasama ko roon. Sinabi ko na lang iyon kay Mama para payagan na niya ako dahil kailangan ko nang bumiyahe at baka ma-late pa ako. “Ipagpaalam niyo na lang ako kay Papa, `Ma.” Hinalikan ko na si Mama sa pisngi niya. Hindi ko na hinintay ang sasabihin pa niya, lumakad na ako palabas. “Sige, anak, mag-ingat kayo,” sabi ni Mama bago ko pa mabuksan ang pinto. “Thank you, `Ma!” Hindi na ako humarap kay Mama at baka makita pa niya ang pamumutla ng mukha ko. Baka mabuking pa ako, mahirap na. Tuluyan na akong lumabas ng bahay. I let out a sigh of relief. "Hay, salamat! Nakalusot ako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD