SILA lang ang nandoon sa isang silid, kaya naman napaupo si Zenne at dumungaw na lamang siya sa bintana. Tiningnan niya silang Jake na tahimik lang na malalim ang iniisip. Kailangan niya ring umalis, baka mahalata pa ng kasamahan nito na matagal siyang nawala. Nandoon naman si William, pero, kailangan pa rin niyang magpakita doon. Alam niyang nandoon na si Thalia sa teritoryo ng mga ahas. “I need to go, Jake. Just calm down.” Sabi na lamang niya sa kanyang kaharap. Tiningnan lang siya noon na hindi nagsasalita. “Zenne, Am I really doing the right thing? Ayokong mapahamak ang mga batang iyon, bakit kailangan pa nilang mapasali sa problema ng mga matatanda?” Tanging napatanong na lamang sa kanya. “Jake, whatever we do to protect their lives, remember that the youths today are very bold

