“Yes, I got it.” Nakikinig siya sa mensahe ng kanyang kausap. Napapatango na lamang siya. “Got it, bye.” Agad niyang binaba ang phone niya matapos kausapin ang nasa kabilang linya at pinatay ito. Kinulikot pa niya ang phone niya nang may naramdaman siyang tao sa likuran niya. Kaya naman, agad siyang napalingon, ang kanyang kasamahan pala. “Ang bigat!” Reklamo nito sa dala – dalang malaking bag. Tiningnan niya iyon, hindi na siya magtatanong kung ano ang laman ng bag, dahil alam na niya kung anong laman nito. Napabuntong – hininga na lamang siya. Lumakad siya papalapit sa kanyang kasamahan, tutulungan na sana niya ito nang may tumawag sa pangalan niya. “Charles, pinapatawag ka ni Giovane.” Sabi naman ni Vince na sinenyasan siya nito na bilisan. “Ako na ang tutulong diyan.” Hindi

