Alas-12:00 in the afternoon nang bigla-biglang nagpatawag ang manager ng hotel na pumunta sa office dahil naroon daw ang anak ng may-ari at pinapatawag ang mga staff ng hotel ng mga oras na iyon.
"Bes, makikita na rin natin sa wakas si Mr pogi," kinikilig na namang wika ni Danica.
"Kaya lang.." patuloy nito. "Bakit kaya tayo pinapatawag lahat? Hindi kaya may nagawang mali ang manager natin? Kaya pinapatawag tayo?" wika pa nito. "Friend ano ba?"
Nagulat naman ako dahil kanina pa pala ako tinatanong ng kaibigan ko. Wala kasi ako sa sarili at iniisip iyong lalaki na tumulong sa 'kin kani-kanila lang.
"Bakit mo ba kasi ako tinatanong tungkol diyan. Alam mo namang hindi ako interesado," simangot na sagot ko kay Danica. "Ano ba iyan," himutok ni Danica.
At nagpatuloy na kami sa paglalakad. Nang bigla kong maramdaman na parang naiihi ako.
"Danica, mauna ka na naiihi ako eh," wika ko. "Ano ka ba, hintayin na lang kita," sagot ni Danica.
"Huwag na at baka parehas pa tayo mapagalitan. Sige na mauna ka na, susunod kaagad ako." Walang nagawa ang kaibigan ko at umalis na rin.
"Good afternoon Sir," sabay-sabay na tugon ng mga staffs na naroroon.
"Ah Sir, bakit niyo po kami pinapatawag?" tanong ng manager ng hotel na iyon.
Samantalang si Mike kandahaba ang leeg kakahintay kong may darating pa ba. "Ah Sir Mike.." wika pa ng manager.
Doon lang natauhan si Mike dahil kanina pa pala nagtatanong ang manager niya. Samantalang nakatunghay lamang ang mga staffs sa kaniya na parang kinikilig pa ang mga ito. Bigla siyang nagseryoso.
"Kumusta ang hotel? Maayos ba ang pamamalakad mo rito?" seryosong tanong niya at iwan niya ba kung bakit naiinis siya dahil wala roon ang hinahanap niya.
Iyon lang kasi ang dahilan kung bakit naisip niyang ipatawag lahat ng staff ng araw na iyon para magpa-impress sa babaeng iyon na siya lang naman ang anak na nagmamay-ari ng hotel na ito.
"Ah yes, S-sir. Katunayan ang company natin ang pinakasikat at dinudumog ng mga tao," sagot ng manager.
Dahil naiinis siya at wala doon ang hinahanap niya kaya tinapos niya rin kaagad ang pakikipag-usap sa manager, subalit nagtanong pa siya ng isang beses.
"Ito lang ba lahat ng staff mo na nakaduty today?" tanong ni Mike. "Ahh yes S- sir," sagot ng manager na siyang ipinagtaka ko.
"So, hindi siya rito nagtatrabaho. Bakit same ang uniform niya?" singit ng isip ni Mike.
Nang biglang bumukas ang pinto na siyang ikinagalak niya ng makita ang babaeng nakatayo na nakatingin sa kaniya.
Gusto niyang matawa sa reaksyon nito, nanlaki ang mga mata nito sa pagkabigla ng makita siya, at namutla pa ang mukha. Gusto niyang ngumiti dahil sa wakas dito siya nagtatrabaho. Subalit pilit siyang nagseryoso.
"Ah S-sir, sorry po naiwan po pala si Ms. Irene," tarantang wika ng manager. Hmm, Irene pala ang pangalan mo ha."
"Irene saan ka ba nanggaling? Patapos na kami ngayon ka lang sumulpot, ni hindi kita namalayan na wala ka dito kanina. Nasabi ko pa naman na sila lang ang lahat ng staff," mahabang sermon sa akin ng manager, subalit mahina lamang ang boses nito.
Hindi ko naman alam ang gagawin ng makita ko kung sino ang boss namin. Nakaramdam ako ng pangangatog ng tuhod at takot dahil naalala ko ang inasal ko dito kanina. Hindi ko inaakalang ito pala ang anak ng may-ari ng hotel na ito.
Gusto kong humakbang palabas nang biglang magsalita ang manager nila at pagalitan siya.
"Sorry po manager, pumunta lang po kasi ako ng Cr. Hind-" naputol ang paliwanag ko ng magsalita ang boss namin.
"So, ito ba ang tinuro sa'yo ng manager Ms. Irene, na magpahuli sa oras ng mga meeting?" pasupladong tanong ni Mike na ikinabunyi ng kalooban niya nang makitang takot na takot ang manager niya at ang babae lang naman na si Irene na takot na takot ang itsura nito.
"Ah S-sir pumun-"
"Don't answer me Mr. Abyao. Gusto kong siya mismo ang magpapaliwanag," seryoso niyang wika, ngunit pakunwari lamang. Nais niya lang makita kung ano ang magiging reaksyon ng babae.
"Ahmm, I apologize S-sir, I didn't mean na magpalate ako sa pagpunta rito, nakaramdam lang kasi ako na.. na, that I need to use a bathroom first before I go here," nakayukong sagot ko sa boss naming masungit.
"All of you! except sa'yo Ms. Irene, makakalabas na kayo," utos ni Mike sa mga staffs niya. "Kaya mo iyan," bulong pa ng kaibigan ko na si Danica.
Sila na lamang dalawa ang nasa loob ng walang nagsasalita. Ramdam ko na nakatitig lamang sa akin ang boss namin.
"So, wala kang sasabihin?" Nagulat pa ako ng marinig ko ang boses ng boss namin.
"Ah, like what I said.. I apologize--" hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng putulin nito iyon.
"It's not about that. But it's about noong tinulungan kita," sagot ni Mike na nakatitig lamang sa babae at unti-unti siyang humakbang palapit sa babae.
Nakaramdam naman ako ng inis dito. Tumaas ako ng tingin na siyang ikinagulat ko dahil sobrang lapit na nang boss ko sa 'kin. Subalit pinilit ko pa ring magsalita ng maayos kahit naasiwa ako sa paraan ng tingin nito.
"Siguro naman sir narinig niyo po ang salitang 'salamat' 'di ba po?" Na sadyang diniinan ko pa ang 'Sir at Salamat.'
Nagtaka ako nang ngumisi ito. "Hindi ako tumatanggap ng salamat, kaya kailangan mo iyon pagbayaran," nakangisi nitong sagot.
"So, anong puwede kong ibayad sainyo sir para makaalis na ako rito," naiinis kong wika. Alam kong boss ko ito pero 'di ko mapigilang mainis dito.
Lumapit lalo ang boss ko at biglang..
"Saka ko na sasabihin sa'yo kung ano ang ibabayad mo. Malay natin, kailangan mo ulit ng tulong ko," nakakalukong ngiti ang nakikita ko sa lalaking ito. "Idadagdag na lang natin iyon sa utang mo."
Bigla ko itong tinalikuran. "Oops! Iyan ba ang tamang asal ng employee sa kaniyang boss kapag aalis na?" wika pa ng baliw kong boss.
"Magpapaalam na pala ako sir, at may trabaho pa ako. Ayoko naman isipin niyo na pabaya akong employee at kung puwede ho pakibilisan niyong mag-isip kong ano ang ibabayad ko sa pagtulong niyo sa 'kin para wala na akong isipin na may utang ako sainyo," malamig kong tugon dito. Sabay talikod para umalis.
Napanganga naman si Mike sa gulat dahil sa ginawi ng babae. Hindi niya napigilang matawa ng pagak.
"Wow.. first time ko makaencounter na babaeng ganito ha. Hmm let's see then." nangingisi-ngising sa loob-loob ni Mike.