"Oh paano ba iyan friend mauna na ako sa'yo," wika ni Danica sa akin.
Alas-7 na nang gabi ng mga oras na iyon at hindi ako makakasabay sa pag-uwi at pinaover time ako ng manager at ewan ko ba kung bakit pumayag na lang ako.
"Sige mauna ka na, ingat."
Alas-10:00 na nang gabi, pauwi na rin ako sa wakas. Habang naglalakad ako hindi ko maiwasang mapalingon sa likuran ko at pakiramdam ko may sumusunod sa akin.
Pagtingin ko sa likuran, mayroon ngang lalaki na nakasunod sa akin, bigla akong kinabahan at pabilis nang pabilis ang hakbang ko, ngunit pabilis din nang pabilis ang lakad ng lalaki.
Dahil sa takot ko, napatakbo ako nang mabilis at nakita ko ring tumakbo ang lalaki hanggang sa abutan ako nito. Hinablot nito ang kamay ko sabay napaharap ako rito.
"Bitiwan mo ako!" Pagpupumiglas ko. "Hi baby, do you remember me?" nakangising wika ng lalaki sa akin na sobrang lapit na ng mukha nito sa mukha ko.
Bigla ko itong tiningnan sa mukha at laking gulat ko na ang lalaking ito ay iyong lalaki kanina na nagpupumilit I-date ako at gusto pa sana akong pagsamantalahan. Nakaramdam ako nang takot sa nakikita kong pagnanasa sa mga mata nito at naamoy ko rin na nakainom ito.
"Bitiwan mo ako, ano ba! Hay*p manyak! Let me go!" Pagsisigaw ko. Pero bigla na lang nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa akin.
"Kahit sumigaw ka, walang makakarinig sa'yo. Sinabi ko naman sa'yo 'di ba na 'di pa ako tapos, wala nang tutulong pa sa'yo, masyado ka kasing pakipot," wika nito at biglang hinawakan ang mukha ko ng isang kamay nito.
"Alam mo bang hindi ako sanay na inaayawan!" galit na wika pa ng manyak na lalaki.
"You b*tch! Manyak!" Nagpupumiglas ako, subalit malakas ang lalaki, gusto ko nang umiyak.
Akmang hahalikan ako nang lalaki ng may humablot dito at narinig ko na lamang ang paglagapak nito.
Nagulat pa ako sa aking nakita, 'di ako makapaniwala na hanggang dito masusundan ako ng hero ko. Napansin ko pa ang tuloy-tuloy nitong pagsuntok sa lalaking manyak.
"How dare you para pagnasahan siya ha!" sigaw nito at patuloy na sinuntok ang manyak na lalaki. "Tama na Sir! Hindi na po mauulit," wika ng lalaking manyak.
Nakita ko ang dugo nito sa labi dahil sa kakasuntok ng hero ko. "Last warning ko na ito sa'yo, kapag 'di mo siya tinigilan, impyerno ang kababagsakan mo!" galit na wika ng hero ko.
"Sige boss, 'di na mauulit," wika nito at sabay takbo ng mabilis ang manyak na lalaki.
Hindi naman ako makakilos sa sobrang takot at bilis ng t***k ng puso ko, nakikita ko pa ang galit at pag-alala ng lalaki sa akin. Na walang iba kun'di si Mike Villamill.
"Are you okay? Nasaktan ka ba?" tanong nito sa akin at hinawakan pa nito ang kamay ko. "Yeah I'm okay, t-thank you," nauutal kong sagot, sabay talikod dito.
Naramdaman ko na lang na hinawakan nito ang kamay ko, dahilan para mapatigil ako sa paglalakad.
"Ganoon lang? Pagkatapos kitang iligtas sa manyak na iyon, iyan lang ang sasabihin mo," wika nito.
"What do you want? Tumutulong ka nga humihingi ka naman ng kapalit. So, tell me, anong kapalit ng pagtulong mo sa akin?" masungit na wika ko.
"Woow! Ikaw na nga itong tinulungan, ikaw pa ang masungit at galit," nakangising wika naman nito.
"Dalawang beses na kitang tinulungan, at hindi biro ang ibabayad mo sa akin," wika pa nito at sabay lapit ng mukha nito sa mukha ko. Sabay ngisi ng nakakaluko.
Bigla ko itong tinalikuran at naglakad palayo. "Hey wait. Ihatid na kita, gabi na," biglang wika nito.
"Puwede ba? Can you please stay away from me? Huwag mo na akong susundan. Kung ano man ang hinihingi mong kapalit para makabayad ako sa'yo, then tell me tomorrow but don't follow me! Naiinis ako sa pagmumukha niyong mga lalaki!" inis na sigaw ko rito. Hindi ko maintindihan kung bakit nakaramdam na lang ako ng inis at galit.
Nagulat naman si Mike sa ginawi ng babaeng kaharap niya. Unang beses nangyari sa kaniya na inaayawan siya. Lumapit siya sa babae na kakitaan pa rin ng inis sa mukha nito. Curios talaga talaga siya kung bakit ganito na lang bigla magalit ang babaeng ito.
"Hmm, baka nagpapa hard to get lang," nakangising wika ko tuloy sa sarili.
"Fine! Paghandaan mo ang kabayaran ng dalawang beses kong pagtulong sa'yo, at tandaan mo, kung 'di sa tulong ko baka iyang katawan mo gula-gulatay na iyan ngayon," wika ni Mike sa akin, sabay tingin nito sa aking katawan.
Napansin ko pa ang ngisi nito sa labi bago tuluyang umalis.
Naiwan naman akong nakatulala, hindi ko na lang pinansin ang sinabi nito. Katatapos ko lang maligo ng marinig kong tumutunog ang cellphone ko.
Si Danica, ang makulit kong kaibigan.
"Hello, napatawag ka? Hating-gabi na ah?" tanong ko. "Haist, syempre para alamin kung nakauwi ka na. Concern ang best-friend mo no?!" maarteng sagot ng kaibigan ko.
Sanay na ako rito, kung ano-ano na lang ang itinatawag nito sa akin. "Yeah, nakauwi na ako. Sige na, bukas na lang at magtutulog na ako, matulog ka na rin at may pasok pa tayo bukas," wika ko.
"Yes best-friend, this time ginaganahan akong pumasok kasi makikita ko na naman si boss nating pogi," natitiling sagot nito.
"Baka sa labas na naman siya kumain, makikita natin siya bestie!" natitiling wika pa nito na daig pang naiihi sa kilig.
"Matulog ka na nga, naiirita lang ako sa sinasabi mo," simangot kong sagot.
"Si bes talaga, huwag ka na ngang magalit sa lalaki, hindi naman lahat pare-pareho," himutok nito.
"Lahat ng lalaki pare-pareho, manluluko, lalo na mayaman iyong tao, maraming babae, mag-isip ka nga Danica," inis kong wika sa kaibigan.
Nagulat pa ako ng tumawa pa ito, instead na mainis sa sinabi ko. "Oyy.. ang bestie, parang 'di niya matanggap na maraming babae ang boss namin," wika nito kasabay ng pagtawa nito.
Nairita naman ako kaya bigla ko na lang siyang pinatayan ng phone.
Maya maya narinig kong tumunog ang cellphone ko. Text galing sa baliw kong kaibigan.
"Bes, sorry na nagbibiro lang ako, ikaw naman kasi kung bakit galit na galit ka sa mga lalaki eh hindi naman iyon ang ex mo. Sorry na huwag ka ng magalit, gusto lang kitang makitang ngumiti. Palagi ka kasing seryoso, nagiging matanda ka na tuloy tingnan. Sige good night na, love you muah muah!"
Napangiti naman ako sa text nito. Kahit na nagsusungit ako rito, sanay na ito sa akin.
"Okay lang, sanay na ako sa'yo. Goodnight love you too muah."