"Three weeks na ako rito, pero hindi ko pa masabi sa babae ang pakay ko. Pumayag kaya siya? Sa isip-isip ni Mike habang nakahiga sa kama niya. Isang buwan lang ang ibinigay ni daddy at dapat may iharap ako sa kaniya pagbalik ko." Pagbukas ng elevator, hinanap ko kaagad ang room 101. Pagkatapat ko kaagad akong nagdoor bell. Nakatatlong pindot na ako wala pa ring lumalabas. Sa yamot ko, binalak ko nang umalis, akmang ihahakbang ko na ang mga paa ng biglang bumukas ang pinto nito. Nanlaki pa ang mga mata ko kung sino ang kaharap ko. Nakatapis lang itong towel at halatang bagong ligo dahil basa pa ang buhok nito. Naitakip ko ang aking kamay sa mukha ko dahil alam kong namumula na ang pisngi ko. Narinig ko naman ang pagtawa ng boss kong baliw at sabay hablot sa kamay ko upang maipasok ako ni

