"Ayan isaksak mo iyan sa baga mo! Mula ngayon ayoko ng makita pa ang pagmumukha mo at huwag na huwag ka na rin pupunta pa ng bahay!" sigaw ko rito. Akmang lalabas na ako ng kuwarto ng bigla akong hawakan sa braso ng nobyo ko este ex boyfriend. Sinampal ko ito ng malakas na halos mabingi ako sa lakas nito, hindi ko na napigilan ang galit ko kaya napagbuhatan ko ito ng kamay. "Kulang pa iyan! Sa mga ginawa mong panluluko sa akin! Anong kapal nang mukha mo na humawak sa akin pagkatapos mong makiniig! Nakakadiri ka! kayo!" sabay turo sa babae. "Ang tagal mo na pala akong niluluko!" Nang maramdaman kong tutulo na naman ang luha ko.. "Magsama kayo!" sabay talikod at dali-daling lumabas. Hindi ko na napigilang humahagulhol pagkalabas ko. Napansin ko rin na naaawa ang dalawang staffs pagkakita

