Third Person’s POV Napuno ng hiyawan ang dapat masayang resto-bar na Arcadia. Bakas ang takot sa kanilang mga mata lalo na nang namatay ang ilaw. Akala ng ilan ay special effects lamang iyon lalo na at ipinakilala ang taong siyang namumuno sa Z.R. Enterprise, ang isang kumpanya na mabilis ang pag-usbong dahil sa galing mamuno ng kung sinong nasa likod nito. Madami ang ginustong pumunta lalo at nagbabakasakali silang maging kasosyo ang sinasabing enterprise ngunit hindi naman nila akalain na ganito ang kakahantungan ng lahat. Katulad ng napag-usapan ay tumulong ang mga taong si Harvey pala mismo ang nagpapasok. Iginiya nila palabas ang mga tao at media na hindi dapat maipit sa gulong ito. Una pa lang ay alam na ng Zodiac na posibleng mangyari ang ganito ngunit hindi lang nila napag

